Mayor Herbert Bautista convinced by Mother Lily to return to acting; stars in one of the episodes of Shake Rattle & Roll 14

Pagkatapos ng anim na taon ay muling mapapanood sa big screen ang mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista. Isa siya sa mga bida sa "Pamana" episode ng Shake Rattle & Roll 14.


Bugo pumalaot sa mundo ng pulitika si Quezon City Mayor Herbert Bautista ay una muna siyang nakilala at minahal ng mga tao bilang “Prince of Comedy.”

Ilan sa mga hindi niya malilimutang pelikula ay ang mga sumusunod: Bagets (1984), Shake Rattle & Roll 1 (1984), Kumander Bawang (1985), Working Boys (1985), Ninja Kids (1986), Captain Barbell (1986), Puto (1987), Jack & Jill (1987), Pik Pak Boom (1988), at Hulihin Si Nardong Toothpick (1990).

Ngunit dahil sa pagsabak niya sa pulitika ay matagal na hindi nakagawa ng pelikula si Herbert. Ang pinakahuli niya ay ang Umaaraw Umuulan noong 2006 pa.

Ngayong taon ay nagbabalik sa big screen si Herbert—na tanyag din sa kanyang palayaw na “Bistek”—sa pamamagitan ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na Shake Rattle & Roll 14.

Isa siya sa mga bida sa episode na “Pamana.” Kasama niya rito sina Janice de Belen, Dennis Padilla, at Arlene Muhlach.

“Ang sarap, ang sarap ng pakiramdam! Mga five or six years din yun.

"My last was sa telebisyon, sa kabilang station,” pagtukoy niya sa kanyang huling acting assignment—ang Super Inggo 1.5: Ang Bagong Bangis ng ABS-CBN.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Mayor Herbert sa thanksgiving party niya para sa press kagabi, December 11, sa Wil’s Events Place sa Sgt. Esguerra, Quezon City.

Nanibago ba siya nang sumabak siya sa shooting?

“Oo. Una, si Direk Chito Roño, mahigpit.

“At saka, may control talaga siya. Minsan, umoober ako, kokontrolin niya.

“Minsan, uma-under ako, sasabihin niya, ‘Itodo mo nang konti.’

“So, I’m very happy na nagkaroon ako ng pagkakataon na makatrabaho si Chito Roño sa pelikulang ito dahil I’ve learned so much from him.”

BOX-OFFICE RACE. Ano sa palagay ni Herbert ang laban ng pelikula nila kumpara sa ibang MMFF entries sa box-office race this year?

Tugon niya, “Well, para sa akin, tangkilikin natin lahat ng mga pelikula sa Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, bigyan ng special preference ang Shake Rattle & Roll 14 The Invasion dahil ito ang pelikulang ginagawa natin.”

Bilang nakilala naman siya sa pagpapatawa, may halong comedy rin ba ang role niya rito sa "Pamana"?

“Ang ipinagawa sa akin ni Direk, ang sabi niya, ‘Basta ano, gawin mo lang kung ano sa palagay mo ang nararamdaman mo.’

“And sa kanya rin nanggagaling yung mga punchline, yung mga hirit.”

Nagsilbi ring reunion nila ni Janice ang “Pamana” episode ng SRR 14 dahil pareho silang nasa cast ng original Shake Rattle & Roll, at gumanap din silang magkapatid noon sa soap opera na Flordeluna.

Sabi ni Herbert, “Yes. The last time I’ve worked with her was 1980 something… ang tagal. Flordeluna pa.

“Hindi kami gumawa ng movie ni Janice. Basta TV show lang, ang aming soap opera.

“Pero original kami ng Shake, pero first episode naman siya.”

BACK TO ACTING. Posible kayang simula na ang SRR 14 ng tuluyan niyang pagbabalik sa pag-arte?

Sabi ni Mayor Bistek, “Well, sabi nga nina Boss Vic [del Rosario of Viva] and Mother [Lily Monteverde of Regal], kahit once a year, meron ka.”

Pero may niluluto raw siya ngayong proyekto kunsaan pagsasamaha-samahin niya ang mga artista ng iba’t ibang istasyon.

Hindi ba naging mahirap kay Mother Lily na kumbinsihin siyang umarte muli?

“Well, actually, it was Mother who actually convinced me to do it again— twice.

“First, dito sa Quezon City. Kasi, si Mother is a member of Quezon City Red Cross.

“So, sabi niya, ‘Gawa ka sa akin.’ ‘Yes, Mother.’

“Tapos, nagkita kami sa Singapore. So, ‘O, ano, gawa na tayo?’

“Tapos pagkagaling namin sa Singapore, pinaynalize [finalized] na namin.”

BEST ACTOR RACE. Sa unang Shake Rattle & Roll ay nanalo si Herbert bilang MMFF Best Actor para sa pagganap niya sa “Manananggal” episode.

Sa muli niyang paglabas sa isang SRR movie—na sinasabi rin ni Mother Lily na huli na talaga—ay umaasa rin ba ang actor-politician na muling manalo sa Best Actor category?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman,” sagot niya.

“Ang nakikita ko, ang maglalaban sa Best Actor dito... Si Dingdong [Dantes for One More Try] at si ER [Ejercito for El Presidente] na naman ang maglalaban diyan… Nakikita ko, ha."

Sina Dingdong at ER din ang mahigpit na magkalaban last year, kunsaan tinalo ni Dingdong (Segunda Mano) si ER (Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story).

Patuloy ni Herbert, “Siyempre, sa artistang babae, nakikita ko si Ate Guy [Nora Aunor for Thy Womb], Angelica [Panganiban for One More Try], at Angel [Locsin for One More Try].

“Iyan ang maglalaban-laban sa Best Actor at Best Actresses.

“Ako, ayoko na!”

Ayaw na niyang sumali pa sa Best Actor race?

“Ang pagsali naman diyan, kapag nakitang maganda ang ginawa mo,” paglilinaw niya.

PLANS THIS CHRISTMAS. Bukod sa MMFF entry na ipalalabas sa mismong araw ng Kapaskuhan, ano pa ang plano niya ngayong Pasko?

Sagor ni Herbert, “Well, tradisyon ko naman po na nandito lang ako sa Metro Manila at hindi naman ako bumibiyahe ng abroad at saka probinsiya.

“Nandito lang ako sa Metro Manila dahil walang tatao sa tindahan kapag umalis tayo.

“May pasok pa rin po ang gobyerno nun after the holiday.”

2013 ELECTIONS. Sa isang taon ay tatakbong muli si Herbert para sa kanyang ikalawang termino bilang mayor ng Quezon City.

Nabalita noon na tatakbo raw si Vic Sotto bilang mayor, pero hindi naman ito natuloy. Pero ano ang naging reaksiyon ni Herbert nang lumabas ang balitang tatakbo nga raw si Bossing Vic?

Sagot niya, “I’m very thankful kay Bossing na hindi siya tatakbo. Maraming-maraming salamat talaga sa desisyon niya na yun.”

Nagkausap ba sila ni Vic noong nabalitang tatakbo ito?

“Hindi kami nagkausap. Si Senator [Tito] Sotto ang kausap ko.

“At saka ang dalawang anak niya [Tito]—si Lala at si Gian, kakandidatong konsehal.”

May plano raw ba talagang tumakbong mayor noon si Vic o nabalita lang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko tinanong yun, e. Basta ang pinag-usapan lang namin ni Senator Sotto, yung mga anak niya.”

Tinanong ng PEP si Herbert kung may kaba pa ba siya sakali man na may mag-isip na labanan siya sa pagka-mayor ng Quezon City.

Aniya, “Well, tapos na ang filing, e.

“Mahirap maging mayor ng Quezon City. Hindi ganun kadaling maging mayor.

“That’s why we need everybody to be supportive of each other—media, all beats, ha.”

Dagdag ni Mayor Herbert, “Tapos yun nga, sinabi ko nga, may niluluto kami at sana, may kumagat sa niluluto namin.”

For more news about 2012 MMFF, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN