Edgar Allan Guzman considers kissing scene with Eugene Domingo in Bona as his most memorable: “Thirty shows yun, e.”

Handa raw si Edgar Allan Guzman kung sakaling magkakaroon man sila ng kissing scene ng Artista Academy winner na si Sophie Albert sa upcoming TV5 soap na Never Say Goodbye. Aniya, "Part yun ng work natin, e. Artista kami, so kailangan naming tanggapin kung ano yung ipapagawa ng direktor kung kailangan nung script. So para sa ‘kin, halik-halik, natural lang sa ‘kin. So ako, gagawin ko ’yan."


Natupad ang hiling ni Edgar Allan Guzman na makasama muli ang Superstar na si Nora Aunor sa isang proyekto.

Ito ay sa pamamagitan ng pinakabagong teleserye ng TV5, ang Never Say Goodbye na ipalalabas sa 2013.

Kasama rin sa cast sina Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza, at ang grand winners ng Artista Academy na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Nauna nang nakatrabaho ni Edgar Allan si Ate Guy sa mini-serye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

Excited daw si Edgar Allan na muling makatrabaho ang Superstar, maging ang iba pang mga cast ng teleserye na unang beses niyang makakasama.

Aniya, “Nakasama ko na siya before, pero siyempre iba yung role ko ngayon, hindi ko siya nanay.

"Sa Sa Ngalan Ng Ina, nanay ko siya.

“So yun, kay Mr. Cesar Montano, first time ko siyang makakatrabaho sa soap. Kay Kuya Gardo Versoza, first time ko din siyang makakatrabaho.

“And sila Sophie and Vin, which is love triangle kami dito, excited din ako na maka-work sila.”

BAD BOY ROLE. Inilarawan ni Edgar Allan ang role niya sa Never Say Goodbye.

“Ako po si Troy, isang mayamang binata.

“Ka-loveteam po nina Sophie at Vin, which is si Kate and William. And mayabang si Troy, mayabang.”

Ayon kay Edgar Allan, isang challenge para sa kanya ang role niya sa seryeng ito dahil ito ang unang pagkakataon na gaganap siya bilang “bad boy.”

Sabi niya, “Kasi first time kong mag-play na parang kontrabida, na bad boy.

“Which is gusto ko naman kasi isa rin yung sa mga gusto kong gawin and nag-e-enjoy akong gawin.

“So looking forward ako sa mga next pang mangyayari sa character ko.

“Yung mga challenging na fight scenes… may mga mauuwi dun, e, yung mga suntukan.”

Nakakaapekto ba sa kanyang personalidad sa totoong buhay ang ginagampanan niyang papel dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi masyado. Kasi kumbaga, para sa ‘kin, itinuturing ko siya na ako, yung character ko.

“So ako, yung pagka-mayabang o mayamang binata, kumbaga, lahat naman ng tao may yabang, e. So, feeling ko, natural na lumalabas.

“And para sa ‘kin, ’yang character ko dito sa soap and character ko sa totoong buhay, feeling ko, medyo magkalapit siya.

“So para sa ‘kin, medyo hindi siya mahirap gawin. Pero natsa-challenge po ako,” wika niya.

Ibig sabihin ba nito ay mayabang siya sa totoong buhay?

“Hindi naman,” tanggi niya.

“Kumbaga, siyempre lahat naman tayo, lahat naman ng tao, kumbaga, may yabang sa sarili, may yabang sa katawan."

Ano naman ang masasabi niyang pinaka maipagmamayabang niya bilang aktor?

“Siguro, kaya kong mag-comedy, kaya kong mag-drama, kaya kong magpaka-tanga, kaya kong mag-bakla, kaya kong maging mayabang, kaya kong maging gago,” wika niya.

FRIENDSHIP WITH SOPHIE. Ilang taon nang magkakilala sina Edgar Allan at Sophie Albert dahil nagkasama na pala sila noon sa workshop ng Star Magic.

Magiging mas madali na kaya ang pakikipagtrabaho niya sa baguhang artista dahil magkaibigan na sila?

Sagot ni Edgar Allan, “Tingin ko naman, oo.

"Kasi, dun sa Star Magic before, magkasama kami sa batch, may mga workshop din kaming ginawa tapos nakakapag-usap din naman kami.

“Ngayon, feeling ko, mas exciting. Kasi four years ago yun, e.

“So, sa kanya, maraming nagbago and nakita ko naman during the Artista Academy contest, malaki yung improvement niya sa sarili niya.

“And, ayun, siguro ngayon mas magaan pa, mas gagaan pa kasi magkasama kami sa isang show.”

Magkakaroon ba sila ng kissing scenes o intimate scenes ni Sophie sa Never Say Goodbye?

“Feeling ko na about kissing scene and intimate scene, yung kissing scene, feeling ko magkakaroon yun.

“And sa takbo nung script, sa takbo nung story, feeling ko yung intimate... hindi ganun ka-intimate, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, feeling ko mapipilitan lang siya, so ako yung aggressor. So yun yung nakikita ko, as of now.”

Handa ba siya kung sakaling hingin ito ng istorya?

“Oo. Part yun ng work natin, e.

"Artista kami, so kailangan naming tanggapin kung ano yung ipapagawa ng direktor kung kailangan nung script.

“So, para sa ‘kin, halik-halik, natural lang sa ‘kin. So ako, gagawin ko ’yan.”

MOST MEMORABLE KISSING SCENE. Sa mga nagawa na niyang kissing scenes, ano ang maituturing niyang pinaka-memorable?

“Ako? Eugene Domingo,” nakangiting sagot ni Edgar Allan.

Nagkasama sina Edgar Allan at Eugene sa stage play na Bona ngayong taon.

Ano naman ang pakiramdam na mahalikan ang isang Eugene Domingo?

“Ako, sobrang kabado ako nun. Kasi alam mo yun, hindi siya on-cam. Iba yung sa mainstream sa stage play, e.

“Eto kasi, kissing scene namin ni Ate Uge, talagang as in andiyan kayo [audience]. Andiyan kayo, e, andiyan kayo, naghalikan kami.

“So, sa ‘kin naman, hindi naman ako natakot, hindi naman ako kinabahan.

“Kumbaga, parang kakaibang experience lang na naramdaman ko na, ‘Uy, bago to!’

“So yun, yun yung pumasok sa kin na, ‘Uy, bago ‘to!’

“So feeling ko, yun yung hindi ko makakalimutang kissing scene na nagawa ko.

“Kahit sa Ligo Na U, Lapit Na Me [2011], kay Mercedes Cabral, ayos lang yun, e.

“Pero yung kay Ate Uge, sobrang memorable sa ‘kin yan at, kumbaga, naitawid namin nang maayos even though maraming audience, kumbaga, talagang puno yung PETA minsan."

Ilang beses nga ba niyang nahalikan si Eugene?

Aniya, “Thirty shows yun, e.”

Biro ng PEP: “So quota’ng-quota si Ate Uge sa ‘yo?”

“Oo. Quota’ng-quota rin naman ako!” natatawang sagot ni Edgar Allan.

Hindi ba siya nagsawa na tatlumpung beses nilang ginawa ang kissing scene?

“Ay, hindi po. Nasarapan nga po ako. Nag-enjoy naman.

“Kumbaga, sa ‘min ni Ate Uge, in-enjoy na lang namin yung scene na yun and wala nang ilangan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghandaan ba nila ito ni Eugene?

“Ay, hindi. Walang rehearsal sa kissing scene, e.

“Kasi it comes parang naturally, e. Pangit kasi pag nirehearse mo.

“So, wala naman blockings yung dila, yung labi, di ba?” pagbibiro niya.

“So, para sa ‘min, yun. On the spot na lang.

“Dumating yung eksena, kung ano yung emosyon namin, emosyon niya, emosyon ko, nag-collide.

“So, buti naman maganda naman yung kinalabasan,” walang pag-aalinlangang pagbabahagi ni Edgar Allan.

MOVIE BREAK. Nakatakda sanang ipalabas ngayong taon ang isang pelikula na si Edgar Allan mismo ang gaganap sa title role.

Wika niya, “Dapat meron this Christmas, ’Pedro Walang Takot,’ yung Mga Kuwento ni Lola Basyang.

“E, nagkaroon ng problema. So hopefully, sana next year, ituloy nila.

“And yun, siguro yun talaga yung magiging pinaka-big break para sa ‘kin.”

Naka-dalawang shooting days na raw sila para sa pelikulang ito na production ng Unitel para sa TV5.

Kuwento pa niya tungkol sa paggawa ng nasabing pelikula, “Okay naman, masaya.

“Sayang. Nanghihinayang talaga ako dun sa materyal kasi kahit ako, ako yung gumawa, nakakatawa, e.

“Pambata, action-comedy kasi siya, so feeling ko naman, kung natuloy yun, maghi-hit yun.”

May balita na ba kung matutuloy na nga ito sa susunod na taon?

“As of now, yun yung sabi sa ‘min, itutuloy daw next year,” sabi ni Edgar Allan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN