Edgar Allan Guzman considers stint in Bona as highlight of his 2012

Wala raw problema kay Edgar Allan Guzman kung maging suporta man siya sa mga baguhang artista na sina Vin Abrenica at Sophie Albert sa soap nilang Never Say Goodbye. Saad niya, "Ako naman, bilang isang artista, tutulungan ko sila, susuportahan ko sila. Like yung ginagawa kong eksena last Thursday, pagkatapos ng suntukan, tinitingnan ko, ‘Okay ka lang?’ Doon ko sinisimulan ang pagsuporta sa kanila. Gusto ko din naman i-share yung natutunan k


Maituturing na matagumpay ang taong 2012 para sa Kapatid star na si Edgar Allan Guzman

Pahayag niya, “Sobrang daming blessings ang dumating sa akin. Iba’t ibang projects ang dumating para sa akin ngayong taon—TV shows, theater, tapos may awards pa.”

Ang tinutukoy ni Edgar ay ang kanyang shows sa TV5, tulad ng Enchanted Garden at Lokomoko U.

Naging lead din siya sa stage play na Bona kasama si Eugene Domingo.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Edgar noong December 8 sa Quezon City.

Para kay Edgar, ang panalo niya bilang Best Actor sa Aliw Awards para sa Bona ang pinakamataas na punto ng kanyang taon.

“Napansin na naman ang talento ko. Stage play naman kasi siya,” sabi niya.

Isang challenge daw ang ibinigay niya sa sarili nang magsimula siya para sa role niya bilang Gino Sanchez sa Bona.

“Kasi sabi ko sarili ko noon, papatunayan ko sa kanila na deserve ko itong ibinigay na papel sa akin.”

Six weeks ang itinakbo ng Bona sa PETA Theater at tumanggap ito ng magagandang reviews mula sa mga kritiko.

Patuloy niya, “Isa pa siguro yung sa Enchanted Garden, kasi tumagal siya.

"Maraming mga batang nanonood at sumusuporta sa show. Kahit saan ako magpunta, Molave ang tawag nila sa akin.”



NEW SHOW IN 2013. Ayon kay Edgar, hindi naman siya mawawalan ng show pagkatapos ng Enchanted Garden sa January 2013.

Kasama rin daw siya sa cast ng Never Say Goodbye, kung saan makakasama niya muli si Nora Aunor. Unang silang nagkasama ng Superstar sa Sa Ngalan Ng Ina.

Tampok din sa Never Say Goodbye ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Kuwento ni Edgar, “Nagsimula na kaming mag-taping last Thursday sa Baguio.

"First scene ko, kasama ko si Vin, si Sophie, at si Nanay [Nora].

"Fight scene kaagad, nagsuntukan kami ni Vin. Naitawid naman namin nang maayos yung eksena.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

First time din niyang makatrabaho si Direk Mac Alejandre sa isang project.

Naging mainit naman daw ang pagtanggap sa kanya ng mga kasamahan sa show, lalo’t hindi siya nakadalo sa story conference ng bagong drama show na ito ng TV5.

Sabi ni Edgar, “Okay naman pala dito. Magiging magaan ito kasi mababait yung mga tao dito, mabait yung mga magiging katrabaho ko.

"Excited pa ako sa magiging mga eksena ko dito.

“Iba itong project kasi para sa akin. Iba yung role ko, hindi ito kagaya ng Enchanted Garden.

"Very challenging, kasi yung mga kasama ko, mga actors, lalo pa at nandito si Nanay [Nora].

"Excited ako at gusto ko laging mag-taping kasi iba yung ibinibigay nilang alaga sa akin."

Ayon pa sa aktor, okay lang sa kanya na maging suporta kina Vin at Sophie.

“Proud ako na inilagay nila ako sa show, na pinagkakatiwalaan nila ako.

"Ako naman, bilang isang artista, tutulungan ko sila, susuportahan ko sila.

"Like yung ginagawa kong eksena last Thursday, pagkatapos ng suntukan, tinitingnan ko, ‘Okay ka lang?’ Doon ko sinisimulan ang pagsuporta sa kanila.

“Gusto ko din naman i-share yung natutunan ko sa showbiz,” sabi ni Edgar, na six years ng nasa showbiz.

Dagdag niya, “Gusto ko naman i-share yung mga nalalaman ko, mga diskarte, at mga techniques.

"Tulungan kami dito sa mga eksena.

"Sa totoong buhay naman, magiging ‘kuya’ nila akong dalawa."

THANKFUL. Nagpapasalamat si Edgar sa Kapatid network at nabibigyan siya ng malalaking projects.

Aniya, “Hindi nila ako pinapabayaan. Nilalagay nila ako sa mga projects na alam nilang matututo pa ako at may mapupulot pa akong mga ideya at kaalaman.”

Malaki rin ang pasasalamat ni Edgar sa tagumpay na nakamit niya ngayong taon.

“Thankful ako ngayon kasi, kumbaga, nag-start na paganda nang paganda every year ko.

"Sana mas maganda sa 2013. Sana marami pa akong ma-achieve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang thankful ako kay God kasi hindi Niya ako pinapabayaan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN