LJ Moreno on Amazing Race experience: “Lagi akong nananaginip na nagre-race pa kami for straight one month.”

Inamin ni LJ Moreno na nahirapan siya habang kasali sa The Amazing Race Philippines, lalo’t nawalay siya sa asawa niyang si Jimmy Alapag. Lahad niya, “Oo, na-miss ko talaga siya, pero at the same time kung tatanungin ako if I’ll do it all over again, sa experience, yes. Pero being away from my husband, parang ayoko na.”


Matagal ding dinala-dala ni LJ Moreno sa buong sistema niya ang mga naranasang challenges sa pagsali niya sa The Amazing Race Philippines.

Kasama si LJ at ang teammate niyang CJ Jaravata sa final three teams ng reality show na ito ng Kapatid network. Ang dalawa pa ay ang gym buddies na sina Marc Duñgo at Kat Tan, at ang magbayaw na sina Fausto Reyes at Dayal Chowdary Jr.

Sila ang maglalaban-laban para sa P2 million cash prize sa final leg na mapapanood sa Sabado, December 15, sa TV5.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay LJ sa presscon ng top three teams ng The Amazing Race Philippines kahapon, December 12, ikinuwento niya ang adjustments na pinagdaanan niya pagkatapos ng mahigit isang buwan nilang taping para sa show.

“After the race, mahirap akong bumalik sa… kasi workaholic ako, e, as far sa business ko, kasi very hands-on ako.

“Parang ang hirap kong mag-adjust na bumalik doon sa cake shop, sa baking and everything.

“And another thing, lagi akong nanaginip na nagre-race pa kami for straight one month.

“Kasi sa Fear Factor [ABS-CBN], hindi nangyari sa akin ito, e.

“Pero ‘eto talaga, paggising… parang buong time na wala ka, puro race.

"E, sa Fear Factor, stunts, may rest time, tapos stunts uli. Ganoon.

“Pero ‘eto talaga [Amazing Race], parang buong buhay ko, in one month.”



NORMALCY. Gaano katagal bago siya nakabalik sa kanyang normal life?

Sabi ni LJ, “About a month. Yung normal na… yung parang be comfortable back in the shop, ganyan-ganyan, kasi nga nahirapan.

“And another thing, may transition kasi na after the race, lumipat ako ng store.

“Nagka-problem naman ako sa landlord. So, parang ang daming gulo pagdating ko.”

Aminado si LJ na may mga pagkakataon na hinahanap niya ang naging karanasan niya sa show.

“Oo, na-miss ko talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero at the same time, kung tatanungin ako if I’ll do it all over again, sa experience, yes.

"Pero being away from my husband, parang ayoko na."

Ang mister ni LJ ay ang PBA cager na si Jimmy Alapag.

“Parang nagkaroon ako ng separation anxiety after nun.

“Kasi talagang hindi kami nag-uusap, e... hindi kami nagkikita.”

Hindi ba sila na-disorient na mag-asawa?

“Hindi naman, not naman na-disorient, pero sobrang na-miss namin ang isa’t isa na talagang hindi kami mapaghiwalay for a time.

“To the point na he has to go to the States, na hindi ako puwedeng sumama dahil kababalik ko pa nga lang. Dahil sa business, kailangan kong patakbuhin.

“Hindi naman ako umiiyak dahil wala siya. Para lang akong maiiyak dahil nami-miss ko siya.

“So, bumalik siya agad. Parang one week lang siya, bumalik siya agad.”



MAKING UP. Paano naman siya bumawi sa kanyang mister?

“I spent more time with him, parang hindi na ako…

“Natuto rin ako na parang I’m taking our marriage for granted, in a way, dahil parang business-business-business.

“Paggising ko, sagot ng e-mail, tapos punta sa shop, magbe-bake.

“Tapos pag-uwi ko, anong oras na? Matutulog na lang ako.

“Pero doon ko na-realize noong we’re apart, how important yung time namin together.

“Parang I took it for granted kasi alam kong he’s always there… sa bahay lang siya. Parang comfortable na nandiyan lang siya.

“So, natuto ako na parang i-balance yung business at yung married life.

“So, ngayon, meron kaming date—day or night—every week or ganoon. Tapos we make it a point na we eat together.”



CHALLENGES. Isa sa hindi makakalimutang challenges ni LJ sa Amazing Race na nahirapan siya ay ang mamalimos sa Boracay.

Kuwento niya, “Nahirapan akong manlimos, yung manghingi ng pera.

“Kasi may time sa Boracay na kailangan naming manghingi ng pera just to get to the pick-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nahihiya ako kasi nanghihingi pa kami sa mga tricycle drivers.

“I know it’s a game, pero parang nahihiya ako na hindi mag-tip. Pero sa kanila, livelihood nila yun.

“Sa amin, it’s a game… we’re trying to win.

"Naaawa ako dahil yung ikabubuhay nila, hihingiin pa namin.

“Si CJ, one time, noong nasa regular bus kami, nanghingi pa siya doon sa nagtitinda ng chichi. E, mukhang wala pa ngang kita yung tao.

“Sa physical challenge naman, yung pagkain ng maanghang—yung Bicol express.

“E, sa Fear Factor, kumain ako ng ipis, di ba? Mas kakainin ko ba yung ipis kaysa sa Bicol express? Promise!

“Doon sa Bicol express, pag isinuka mo, uulit ka uli.

“Doon ko naranasan first time in my life na yung isinuka ko, kinain ko uli.

“Lumabas na, nilunok ko pa uli para lang huwag akong umulit kasi ang sakit-sakit na ng lalamunan ko.”



FRIENDSHIP. Mas mahirap daw ang mga challenges sa final leg dahil hindi na sila puwedeng tulungan ng ibang teams.

Sa race na ito, never daw silang nagkaroon ng misunderstanding at nagkasubukan sa tatag ang friendship ni CJ.

Saad ni LJ, “We work as a team. I think yung trust namin sa isa’t isa... sa ibang team, because of the pressure, nagsisisihan na.

“E, yung sa amin from the start, alam namin na we have one goal. We wanna win.

“Kung nagkamali man ako, hindi ko sinasadya, tapos siya rin ganoon.

“Yun ang important sa friendship namin na may trust kami sa isa’t isa, sa mga kutob-kutob, doon kami humuhugot rin.”



NEW BABY. Kinumusta naman namin si LJ tungkol sa pagnanais niyang magkaroon ng baby ngayong papasok na ang 2013.

Minamadali rin nilang mag-asawa ang pagtatapos ng kanilang bagong bahay dahil gusto nilang dito mag-celebrate ng Christmas at New Year.

“Actually, we still want, pero we’re building a new house. So, ayan na naman… parang hindi pa rin kami nagpapa-doctor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We both know that we want and I’m 32 and I can’t already have a baby and at the same time…

“Siguro, after na ma-build itong bahay namin na malapit din doon sa dati naming bahay. Kasi we bought a new house na mas malaki.

“Siguro after nito, sana pinagpe-pray namin na we’ll have a baby na.

“Kasi ngayon, we always say na, ’Yeah, we want, we want!’

“Pero parang on our part, hindi pa kami nagpapa-doctor, hindi pa kami nagpapa-work up.

“So, most likely, next year.

"Pero kung wala pa rin talaga on our own, we will really go to the doctor.”

Hindi ba isyu o magiging problema sa pagsasama nila ni Jimmy kung hindi na sila magkaroon ng anak, o kaya’y magiging kakulangan ito sa kanilang married life?

“Ah, yeah… as far as our marriage, okey kami.

"Kaya lang kami, pareho mahilig kami sa bata. So, gusto rin talaga namin.

“I think lang, subconsciously right now, hindi siya priority.

“Kasi nga, parang we are both dreamers, we both have goals na gusto kong ma-establish yung business.

“My business naman is talagang kaya kahit hindi ako palaging nandoon, tatakbo na siya.

"Him, his basketball career.

“Another thing nga, before we got married, yung house nga.

“Nung ikinasal kami, meron kaming no-touch policy. Talagang no-touch dahil we wanna have a big house. Yun ang ano namin.

“So, now we’re having that big house.

"So after that siguro, doon na lang kami magpu-focus sa baby na, kasi yun na lang ang wala.

“Kasi when Jimmy and I talked… we were talking the other night na parang, ‘You know, we’re doing pretty like a young couple, na what more can we ask for?’

"Yun nga, baby na lang ang kulang.”



NO SEXY ROLES. Iba na ang mindset ni LJ pagdating sa ninanais niyang career sa showbiz, tulad ng mga programang may kinalaman sa baking dahil ito na ang forte niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento nga niyang marami na siyang tinanggihang offers dahil ang karamihan sa mga iyon ay nire-require siyang magpa-sexy.

“Siyempre, kilala naman ninyo ako… ever since, hindi talaga ako comfortable sa ganyan, di ba?

“And another thing, may asawa na ako.

“Ayoko namang isipin ng asawa ko na hindi ko pinangangalagaan yung kung ano yung iisipin nung mga taong nakapaligid sa amin.”



SHOWBIZ-SPORTS COUPLE. Kabilang sina LJ at Jimmy sa mga showbiz-sports couple na maayos ang samahan bilang mag-asawa.

Ang ilan pa ay sina Danica Sotto at Marc Pingris, Kyla at Rich Alvarez, Cheska Garcia at Doug Kramer.

Sabi ni LJ, “I think one thing is yung communication, e.

"Sa lahat ng marriage, important yung communication and time together.

“I don’t how how it works for them, but yung sa amin ni Jimmy, he does a great job making me feel secure.

“Kumbaga, when I was younger, sobrang selosa ako.

“Pero ngayon, parang him as a husband, yung pagpapakita niya ng love makes me feel secure na there’s no room to feel insecure talaga.

“And sa communication, kung may sama siya ng loob sa akin at may sama ako ng loob sa kanya, pinag-uusapan namin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN