Alice Dixson chooses to work during holidays

“I don’t mind being busy. Sometimes, it’s either feast or famine. Sometimes you’re too busy, sometimes you’re not. I’d rather be busy than not,” says Alice Dixson about working during the holiday season.


Kung mayroon mang ipagpapasalamat ang aktres na si Alice Dixson ngayong Pasko, ito ay ang tuluy-tuloy na pagdating ng mga proyekto sa kanya.

Simula nang magbalik-showbiz ang aktres, halos sunud-sunod na ang TV shows niya sa TV5 network.

“I feel lucky, I feel appreciated, and I feel very grateful for the opportunities,” pahayag ni Alice matapos sabihin sa kanya ng ilang miyembro ng entertainment media na tila nagiging paborito na siya sa Kapatid network.

Halos di kasi nawawalan ng project si Alice simula noong nakaraang taon.

Mula sa Babaeng Hampaslupa, naging bahagi din siya ng mga teleserye ng TV5 tulad ng Glamorosa at Isang Dakot na Luha.

Ngayon ginagawa naman niya ang Enchanted Garden at sisimulan na rin niya ang Never Say Goodbye kasama si Superstar Nora Aunor.

Sabi pa niya, “Like you said, not everybody gets this opportunity.

“Ako pa, I’ve been away for too long and then, pagbalik ko, sunud-sunod naman ang trabaho ko.”

Mabuti naman daw at naging mabait sa kanya ang TV5 dahil palagi siyang binibigyan ng trabaho.

“Now, that I’ve started, ayaw na akong paalisin. Actually, tuwing magpapaalam ako, meron na namang bago.

“In actuality, I haven’t been able to take a break.

“There was one break after Babaeng Hampaslupa, pero short lang ‘yon.

“After that, naging sunud-sunod na,” pahayag ni Alice.

Dahil dito, malamang daw ay hindi siya makakauwi sa Canada para sa darating na Pasko. Ibig sabihin din nito ay hindi niya makakasama ang kanyang non-showbiz husband na si Ronnie Miranda sa espesyal na okasyong ito.

“There might be a chance to go in December to visit my family there.

“Kaya lang, because I’m working in between two shows, I might have to work in between the holidays, so, baka hindi ako makauwi,” sabi ni Alice.

Gayunman, mainam na raw ito kaysa naman walang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I don’t mind being busy.

“Sometimes, it’s either feast or famine.

“Sometimes you’re too busy, sometimes you’re not. I’d rather be busy than not.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN