Amazing Race finalist Marc Duñgo on talk he is gay: “The way I talk, the way I act, the way I ganito… siguro effeminate... Pero deep in my heart, I know myself."

Sumabak na sa ibang contests si Marc Dungo pero kakaiba ang naging epekto sa kanya ng The Amazing Race Philippines. Sabi niya, “Nakaapekto siya sa akin para maging matatag ako. Matatag akong tao, but then yung challenges na alam mong hindi lang ikaw ang nagdi-depend, pati yung teammate mo, mas naging mahaba ang pisi mo.”


Pasok sa final leg ng The Amazing Race Philippines ang fitness buddies na sina Marc Duñgo at Kat Tan.

Ang makakalaban nila para sa P2-million prize ay ang celebrity bestfriends na sina LJ Moreno at CJ Jaravata, at ang magbayaw na sina Fausto Reyes at Dayaw Chowdary Jr.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang wellness expert na si Marc sa presscon The Amazing Race Philippines finalists kahapon, December 12, sa 8 Spices restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ikinuwento ni Marc kung gaano ka-competitive silang magkapareha.

Aniya, “Mentally and physically, prepared talaga kaming dalawa at kahit hindi kami nag-usap... kahit noong last day ng audition namin.

“Pero before that, nag-usap na kami na sasali talaga kaya may preparation talaga kami.”



BEST BET. Kahit preparado sila, nahirapan pa rin sina Marc at Kat sa mga pinagdaanang challenges sa race.

Ayon kay Marc, “Hindi mo talaga… kung matitiyempo sa iyo yung talagang hindi mo ginagawa, mahihirapan ka.

"Pero kung sanay kang gawin yun, it’s an easy cake for you."

Sa umpisa pa lang ng karera, marami na ang nagsasabing sina Marc at Kat ang mag-uuwi ng premyo.

Katunayan, lagi silang nauuna sa finish line at nakakubra na sila ng higit sa P1 million prize mula sa mga napalunan nilang challenges.

“Oo nga, e. Kasi nakikita nilang physically fit kami at determined kaming manalo,” pagsang-ayon ni Marc.

“Saka palagi akong nasa frontline, team number one. Talagang expected mo na kami yung mananalo.

“Saka the fact na more than seven na half of the leg na yung napalunan namin, tapos meron kaming ipinamigay na dalawang leg, talagang kami yung frontliner.”

Gaano kalaki ang chance na sila ang mananalo?

“Sa tingin ko, nasa eighty-five percent… huwag lang kaming mamalasin.”

Tapos na ang karera at alam na nila kung sino ang nanalong team, pero bawal siyempre sa kanilang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipalalabas ang final leg ng The Amazing Race Philippines sa Sabado, December 15, sa TV5.



MORE PRIZES. Ang higit sa isang milyon na nakuha nina Marc at Kat ay mula sa napanalunan nilang challenges sa first, second, third, fourth, seventh, at tenth leg.

Bagamat walang cash prize equivalent ang 12th leg na natapos nila, may equivalent prize naman itong one year supply of free gas mula sa isang kilalang gas station company.

“Kumita na rin kami. Kumbaga, quota na,” pagmamalaking sabi ni Marc.

Paano ba nakatulong o nakaapekto sa buhay niya at pagkatao ang pagsali niya sa Amazing Race Philippines?

“Nakaapekto siya sa akin para maging matatag ako.

“Matatag akong tao, but then, yung challenges na alam mong hindi lang ikaw ang nagdi-depend, pati yung teammate mo, mas naging mahaba ang pisi mo.

“Naging patient ka to the max... knowing my partner, si Kat. Parang mas humaba pa yung pasensiya ko.

“Pasensiyoso naman akong tao dahil hindi naman ako magaliting tao, e.

“Pero talagang doon ko na-prove yung sinasabi ng tao na hindi ako magagalitin, palasigaw.”

Dugtong pa niya, “Ugali ko talaga siya, kahit sa bahay namin, sa pamilya namin.

“Hindi talaga ako palasigaw o magagalitin. Galit na ako, pero nakangiti pa rin ako, kahit stressed na stressed na ako.”



TANDEM. Sa lahat ng team participants, tumatak ang tandem nila dahil palaging hyper, nagtataray, at domineering si Kat.

Hindi ba siya nagsisisi at si Kat ang naging partner niya sa race?

Sagot ni Marc, “Hindi naman. Mas na-challenge din ako sa character ni Kat na unexpected.

“Knowing her sa gym, iba ang character niya doon at iba rin yung nakasama ko siya sa buong araw ng isang buong buwan—she’s another person talaga.

“Hindi kami ganoon ka-close na gym buddies or bonded... hindi kami ganoon.

“Pag nasa gym kami, we workout together, kuwento-kuwento, civil, polite... Ganoon lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yung gimik together, nagkikita nang madalas… hindi, e.

“Siguro age gap na rin namin, age generation namin, ang layo. She’s only 27 and I’m 33.

“So, yung age gap namin, malayo na. Kaya yung pasensiya ko, parang pamangkin ang tingin ko sa kanya.”

NOT INTERESTED IN SHOWBIZ. Si Marc ang unang male winner sa Mossimo Bikini Summit noong 2000. The same year, nakuha naman niya ang trophy para sa Slimmers’ “Mr. Great Body.”

Nanalo naman siya sa Manhunt Philippines noong 2001, at nag-uwi siya ng karangalan sa Pilipinas nang makuha ang “Mr. Fit International” title noong 2002 sa States.

Pero hindi nagkainteres si Marc na pasukin ang showbiz gayong may mga kamag-anakan siyang artista.

Sabi niya, “Hindi ako umabot sa pag-aartista kasi sa modelling and commercial talaga ako nag-concentrate.

"Though yung relatives, connected sa showbiz—like Jobelle Salvador, John Arcilla...

"At saka family friend din naman si Tita Luds [the late Inday Badiday] when she was alive.

“IC Mendoza [apo ni Inday] went to the house nung bata pa siya.”



GAY ISSUE. Isa sa mga isyu kay Marc ang tsismis na diumano’y gay siya.

Ano ang reaction niya na kahit sa Amazing Race ay may kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki?

“Oo nga e,” nakangiti niyang sambit.

“Well, it depends naman kung ano ang tingin ng tao, e.

“Para sa akin, hindi naman nasusukat ang pagkalalaki ng isang tao pag magaling sumayaw, magaling mag-ayos ng buhok.

“Paano na yung mga nagpa-parlor?” tanong naman niya.

“For me kasi, I have some members of the family who’s also gay.

“But once na sinabi ko sa kanila na, ‘O, bakla ka,’ or something to that effect, it’s very discriminating para sa akin at hindi siya appropriate.

“Kasi we are all human beings. We should treat other people as a human being, not as katatawanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Every human being has his own humanity... himself or herself.

“So, hindi natin kailangang mag-judge kung anuman ang ginagawa niya.

“Once na magsabi ka na, ‘Oo, magaling siyang magsayaw, magbaton ng ganito, and he’s gay.’

“Paano naman yung ibang mga dancers natin na magaling sumayaw at marunong kumembot?

“Paano na yung mga baton-twirlers na leader ng band na straight?

“Hindi naman nasusukat ang pagiging macho na nambubugbog ka, barumbado ka, bad boy ka.

“No, it’s not that. Para sa akin, discriminating yun."

Is he or is he not?

“Ah, I am not!” mabilis niyang sagot.

“Siguro the way I talk, the way I act, the way I ganito… siguro effeminate, let’s say like that.

“Pero deep in my heart, I know myself.

"Sa sarili mo naman masasabi mo, e. Hindi naman sa pag-judge ng tao, e.

“Kung kilala mo ang sarili mo, yun ka, at hindi mo kailangang ipaliwanag, ipagsigawan or ipagsabi.

“At kung alam mo sarili, tiwala mo sa sarili, yun ang importante.”

May mga nagbibigay-malisya sa pagiging malapit nila ng award-winning character actor na si John Arcilla, kahit sinasabi na nilang magkamag-anak sila.

Ano ang reaksiyon niya dito?

“Sa akin, hindi namin pinapansin within the family na isyu na ganyan,” sagot ni Marc.

“When Tita Luds was still alive, they know the family, they know our family better than anybody else.

“So, kami, we’re not bothered about it.

“The fact na I know some members of the family are into show business, so hindi na kami affected sa ganyan.

“It just come and go, every now and then.

“Wala na. Hindi siya big thing or issue sa family.”

Hindi ba sila ever na nag-react ni John?

“Hindi, e. For what? It’s nonsense.

“It’s not a big deal within the family and within the circle of friends who knows us—hindi siya issue for us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sinuman yung nagsasabi or nagki-claim, before you talk, come inside the family and you will know the family.

“At kung magsasalita… teka muna, look at yourself.

“Tingnan mo muna ang sarili mo bago ka bumato sa iba.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN