Arjo Atayde wants to make a mark in showbiz without depending too much on mom Sylvia Sanchez

"I like to believe that the projects I’m getting now is because of the fact that I work hard for it—and not just because of my mom’s connections in showbiz," pahayag ni Arjo Atayde kaugnay ng mga proyektong nakukuha niya sa bakuran ng ABS-CBN. Si Arjo ay anak ng character actress na si Sylvia Sanchez.


Kabilang ang young actor na si Arjo Atayde sa stars ng ABS-CBN na magbibida sa mga proyekto ng network sa 2013.

Tampok si Arjo at ang Pinoy Big Brother Teen Edition Season 2 winner na si Ejay Falcon sa action series na Dugong Buhay.

Sa naganap na trade launch ng Kapamilya network ay isa ang Dugong Buhay sa ipinakita sa future advertisers. Tuwang-tuwa nga si Arjo dahil first time niyang maranasan ang ganung event.

Sabi niya, “I am just so happy to be part of that event and kasama nga ako sa mga bagong shows na naka-lineup for 2013.

“Actually, malaking sorpresa sa akin ang Dugong Buhay dahil it came after I won an award sa Star Awards [as Best New Male TV Personality] last November.

“The last series I did was E-Boy pa and ilang months na rin iyon natapos.

“I’m just happy na pinagkatiwalaan ulit ako ng ABS-CBN with a new project, at malaking project talaga siya.

“I just hope that I meet everyone’s expectations.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arjo sa TJ’s Restobar sa Sgt. Esguerra Street, Quezon City, last week.

Ayon sa Star Magic talent, hindi exact remake ng 1983 action film na Dugong Buhay—na pinagbidahan ng mag-amang Ramon Revilla Sr. at Ramon “Bong” Revilla Jr.—ang gagawin nina Arjo at Ejay.

May maiiba raw sa takbo ng istorya pero halos pareho ang plot nito.

Nilinaw rin ni Arjo na ang pinakabida sa Dugong Buhay ay si Ejay.

“It’s really Ejay who is the bida of Dugong Buhay.

"But they told me that my role is equally important. Kaya second lead ako kay Ejay dito.

“Hindi pa kasi kami nakakapag-story conference kaya wala pa akong maikuwento about my role.

“Siguro when we start taping na, dun lang ako makakapagsabi ng full details on my role,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EJAY FALCON. First time daw makakatrabaho ni Arjo si Ejay, na isa sa mga hinuhubog ng Dos na maging leading man. Nagbida na ito sa mga series na Mundo Man Ay Magunaw, Guns & Roses, at Katorse.

Sabi ni Arjo, “Nakilala ko na si Ejay and okey naman siya.

“Nag-usap na kami na we will be working hard for the series.

“Gusto namin na isa sa aabangan na show sa Kapamilya network ang Dugong Buhay.”

SERIOUS ABOUT SHOWBIZ. Seryoso na raw si Arjo sa kanyang pagpasok sa showbiz. Nararamdaman kasi niyang marami nang sumusuporta at bumibilib sa minana niyang talento sa pag-arte mula sa kanyang inang si Sylvia Sanchez.

“Before, I admit na medyo I don’t give that much attention to showbiz. Just because my mom is an actress, kailangan bang mag-showbiz din ako?

“Yun ang nasa isip ko before, kasi iba nga ang gusto kong gawin.

“But I realize na hindi rin basta-basta ang trabahong ito. You need credibility for people to notice you and see your talent.

“I like to believe that the projects I’m getting now is because of the fact that I work hard for it—and not just because of my mom’s connections in showbiz.

“May kinalaman din naman, but I have to prove that I can make a name for my own without depending on my mom’s reputation as a good actress in this business,” pahayag ni Arjo.

Ang aman naman ni Arjo, ang businessman na si Art Atayde, ay gustong makatapos siya ng kanyang kurso na Entrepreneurship sa The One School in Makati City.

Nag-leave of absence si Arjo dahil naging busy siya sa showbiz, pero babalik daw siya para tapusin ang kurso niya.

“My dad wants me to be in business also. Kaya I want din to finish para, at least, my promise to him will be fulfilled.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But he’s also happy that I am doing my best in showbiz. He supports me all the way.

“He knows that one day, papasukin ko ang showbiz because of my mom.

"Yet he also wants me to get into business tulad niya. Para patas daw,” ngiti pa niya.

BAD BREAKUP. Bilin daw ng ina ni Arjo na huwag munang maging seryoso sa girlfriend.

Walang girlfriend ngayon si Arjo dahil more than a year na raw silang break ng kanyang dating karelasyon.

“It was a bad breakup. Hindi na kami magkasundo especially when I entered showbiz.

“I said na okey lang because I want to do good in this business as well. Ayoko nang may nagho-hold back sa akin.

“If she can’t support me sa ginagawa ko ngayon, it only means that she doesn’t care for me.

“Kaya okey lang na wala muna. I’m better single for now,” sabi niya.

Sina Maja Salvador at Erich Gonzales ang gustong maging leading ladies ni Arjo sa future projects niya.

Type daw niya ang pagiging petite ni Maja at ang classic beauty ni Erich.

“Sila naman ang mga gusto kong makatrabaho when entertainment people ask me.

“Hindi lang naman sila magaganda, magagaling din silang umarte.

“Pero wala naman akong balak na manligaw. In the first place, pareho naman yatang hindi available sina Maja and Erich.

“I just want to work with them professionally—promise, walang ligawan involved!” pagtatapos ni Arjo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN