MMFF SPECIAL COVERAGE. John “Sweet” Lapus on co-star Ryzza Mae Dizon: "May isang shooting day kami na muntik ko nang ipasok sa bag ko, nakita lang ako ng nanay!"

John “Sweet” Lapus on Vic Sotto: “Mai-starstruck ka kay Vic Sotto. Na-starstruck ako kay Vic Sotto. I saw him many times kapag nagge-guest ako sa Eat Bulaga, pero yung kasama mo siya the whole day, napaka-simpatiko.”


Masayang nakipagkuwentuhan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si John “Sweet” Lapus.

Una munang pinag-usapan ang tungkol sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, na pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla, Judy Ann Santos, at Vic Sotto.

Ayon kay Sweet, “Nasa Team AKO, and ‘AKO’ is Ms. Judy Ann Santos.

“Siya si Prinsesa Angeline… letter ‘A’ ang pangalan niya.

“AKO stands for Angeline Para sa Kalikasan Organization—para kaming Bantay Kalikasan, ganyan.

“Ang hindi alam ni Agimat saka ni Enteng na si Juday ay actually siya si Mother Earth.

“So nasa team niya kami, si Yassi [Pressman] at si Ryzza Mae Dizon. Separated din kami dahil mga lamang-lupa rin kami.

“Si Yassi, tikbalang siya, pero kapag nagta-transform siya, yung kabayong may pakpak.

“Si Ryzza, technically, ano siya… tiyanak. So yung liit niyang yun, lumiliit pa siya lalo.

“Pero siya, kumbaga, yung pinaka-brains namin… siya yung matalino, siya yung gumagawa ng mga computer. Ganyan.

“Isa akong protector. Technically, isa akong kapre—lumalaki ako—I play the role of Che.

“Sa set nga, ang tawag sa akin ni Ryzza, e, Ta Che. So nagagalit ako.

“Sabi ko, ‘Wag Ta Che, dapat Tita Che,’” kuwento ni Sweet.

RYZZA MAE DIZON. Kinagigiliwan daw ni Sweet at iba pang miyembro ng cast ang winner ng Little Miss Philippines ng Eat Bulaga! na si Ryzza Mae Dizon.

“Oo! May isang shooting day kami na muntik ko nang ipasok sa bag ko, nakita lang ako ng nanay!

“Totoo. Kapag nakatrabaho mo yung bata, ang sarap kidnapin, para siyang laruan.

“Alam mo, lahat ng ipagawa mo sa kanya, kunyari tuturuan mo siya ng dialogue, or kahit joke na salitang bakla… alam mo, nagagaya niya kung paano mo dineliver.

“So aliw na aliw kami sa kanya sa set.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikinuwento rin ni Sweet ang isang hindi raw nila makakalimutan na insidenteng naganap kay Ryzza Mae habang nagsu-shooting sila sa Daranak Falls.

Umpisa niya, “E, may mga nag-a-outing na estudyante, nag-iihaw. Yung bata, gutom na.

“Alam mo, nagpa-picture yung mga estudyante sa kanya. After magpa-picture, ang sabi ni Ryzza, ‘O, paano naman yung sa akin?’

“Pagbalik niya sa tent namin nina Yassi at Juday, sabi niya, ‘Paano ba ‘yan, nauna na ako sa inyong kumain?’

“Para siyang matandang lumiit—maabilidad.

“Alam mo, ikuwento namin kay Bossing [Vic Sotto], tawa nang tawa si Bossing.

“Hindi raw magugutom yung batang ito—mautak.

"Nang dumating ang catering around 1 p.m., siya naka-smile na lang dahil tapos na siyang kumain."

Pagpapatuloy ni Sweet, “Ang bonggang-bongga ng bata. Siya ang laruan namin sa set.

“Kapag wala nga ‘yan, dahil kino-chroma siya dahil may eksenang lumillit siya, hinahanap namin ni Juday.

“Raketera rin nga, talo pa kami nina Yassi at Juday.

“Kailangang umalis siya bago mag-tanghali dahil may Eat Bulaga! pa siya. So, maghihintay kami sa kanya.

“Sosyal ang bruha, hinihintay ni Ms. Judy Ann Santos!

“So, ang ginagawa ni Direk Tony [Reyes], inuuna yung eksenang hindi siya kasama.

“Pero minsan, nakakaawa kasi alam mong inaantok na.

“In fairness naman kay direk Tony, laging inuuna yung bata.

“Saka nagsasabi siya kay Direk Tony, ‘Direk, unahin n’yo na po ako dahil inaantok na ako.’ Ganun siya magsalita—para na siyang matanda."

Dugtong pa ni Sweet, “Nakakaloka na siyang magsalita. Kaya aliw na aliw kami sa kanya.

“Saka yung dialogue, isang beses mo lang sa kanya sasabihin, alam na niya.

“Saka yung timing, hindi ko alam parang innate na yata sa bata. Yung comic timing, panalo sa kanya.

“Tapos nabarkada pa sa mga Dabarkads, lalong gumaling.”



BOSSING VIC. Kung aliw si Sweet kay Ryzza Mae, hinding-hindi rin daw niya makalilimutan ang pakikipagtrabaho kay Bossing Vic sa kauna-unahang pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani John, “First time kong nakatrabaho si Bossing.

"Totoo pala talaga na mai-starstruck ka kay Vic Sotto. Na-starstruck ako kay Vic Sotto.

“I saw him many times kapag nagge-guest ako sa Eat Bulaga!, pero yung kasama mo siya the whole day, napaka-simpatiko.

“Alam ninyo yung, ‘Oh, si Sweet, pinakain ninyo na ba?’

“Nawala rin nga sa isip ko na, technically, producer nga rin pala siya ng movie.

“Nung nag-shooting kami sa Ilocos Sur, sabi niya sa akin, ‘Sweet, saan ka ba naka-check-in? Maganda ba kuwarto mo?’

“Ginaganun ako. Ang sarap ng pakiramdam.

“Dyusko, overwhelming din talaga na sa dinami-rami ng artistang bakla, sa akin ibinigay yung role… Na-touch din naman ako.

“Actually, miniting pa ako ni Direk Tony, sabi ko, ‘Tatanggapin ko naman, e, bakit kailangan pa akong i-meeting?’

“Akala ko naman buong cast, pagdating ko sa Taste of LA, na pang-mayamang restaurant, ako lang pala ang ka-meeting.”

For more MMFF-related stories, CLICK HERE.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN