Senator Chiz Escudero turns down girlfriend Heart Evangelista’s request to sing with her

Binuyo ni Heart Evangelista ang kanyang nobyong si Senator Chiz Escudero na kumanta kasama niya. Biro ng Kapuso actress, “Kung kay Kris Aquino, kakanta ka. Sa akin, hindi ka kakanta?”


Tinanggihan ni Senador Chiz Escudero ang isang kahilingan ng kanyang kasintahang si Heart Evangelista— ang mag-duet sila.

Ayon sa report ng isang local daily broadsheet kahapon, Disyembre 13, nangyari raw ito noong nagdaos ng Christmas party para sa media si Chiz noong Disyembre 12.

Matatandaan na nito lamang Oktubre inamin ng senador ang tunay na relasyon nila ng Kapuso actress, sa morning talk show ni Kris Aquino na Kris TV, kung saan regular siyang co-host.

(CLICK HERE for related article.)

Dumalo nang gabi ng Xmas party ni Chiz si Heart, at sa kanyang performance ay dapat ka-duet niya ang isang miyembro ng press.

Pero biglang naisipan ng Kapuso actress na ayain ang kanyang kasintahan na makipag-duet sa kanya sa kantang “Bakit Ngayon Ka Lang?” ng Freestyle.

Biro pa nga ng aktres sa senador: “Bakit ngayon ka lang ba?”

Nang abutan ng mikropono si Chiz ay iiling-iling ito. Umupo naman sa tabi niya si Heart at nag-cheer pa ng “Chiz, go!”

Tatawa-tawa lang ang senador, at saka siya binuyo ng nobya: “Kung kay Kris Aquino, kakanta ka. Sa akin hindi ka kakanta?” na siyang dahilan para matawa ang mga bisita.

Nang mapansin ni Heart na hindi niya talaga makukumbinsi si Chiz, tumayo ito at sinabing “tara na” sa inimbitahang host noong gabing iyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN