Joanna Ampil to Miss Saigon hopefuls: “Everyone’s waiting for the answer. Just leave it be. You’ve done your best.”

Gagampanan ni Joanna Ampil ang papel na Grizabella sa London production ng Cats, kahit na tinanggihan na niya ito noong una. Bakit niya tinanggap ang role? Sagot ni Joanna, “Because I felt loved. They really wanted me to do it. For you to turn it down, tapos babalikan ka nila to reconsider...”


Isa si Joanna Ampil sa mga Filipino na nakakuha ng karangalan sa ibang bansa.

Kilala siya sa pagganap sa lead roles sa mga musical sa ibang bansa, tulad ng Miss Saigon, Les Miserables, at Avenue Q.

Dahil dito ay hindi pinalampas ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Joanna tungkol sa naganap na audition ng Miss Saigon noong isang buwan.

Ilan sa mga Filipino celebrities na nakaabot sa shortlist para sa nasabing musical sina Frencheska Farr, Rachelle Ann Go, at Aicelle Santos.

Nakapanayam siya ng PEP at iba pang entertainment press noong Miyerkules, December 12, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Payo ni Joanna, dapat ay hindi na ma-stress ang mga nag-audition sa pag-iisip kung papasa sila.

“Kasi siyempre, everyone’s waiting for the answer.

"Just leave it be. You’ve done your best. And then just let it go.

"Kapag may narinig ka, then it’s a go na.

"Kasi, you can only pray so much about certain things, and if it’s for you, it’s for you,” sabi ni Joanna.

Dapat din daw isipin ng mga nag-audition na pasado na sila dahil nakilala na sila ng mga producer.

“It’s pretty awesome to be involved with Miss Saigon.

"And the fact that they have experienced auditioning for those people is already something else, kasi they have them on record na.

"So, a plus na,” saad niya.

Gumanap si Joanna sa Miss Saigon bilang Kim noong 1993 sa London, at noong 1995 sa Australia.

Nasa tour din siya ng musical na ito noong 2001.

CATS. Ang pinakabagong pagkakaabalahan ni Joanna ay ang role na Grizabella sa Cats, na gaganapin sa London sa 2013.

Ayon kay Joanna, una niyang tinanggihan ang role dahil sa nais niya nang itaguyod ang kanyang career sa Pilipinas.

Sa katunayan ay nagsimula na siyang mag-record ng isang album bago maibigay sa kanya ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit matapos ang ilang follow-up sa kanya ng foreign production ay napaoo rin siya.

Sabi ni Joanna, “Because I felt loved. They really wanted me to do it.

"For you to turn it down, tapos babalikan ka nila to reconsider...”

Naipaliwanag ba sa kanya kung bakit siya ang preferred sa role na ito?

“I don’t know, I felt like they really want me.

"I was reciprocating lang by accepting it, and them saying yes to most of my demands.

"Siyempre, what more can you ask for, di ba?” ang sagot niya.



NEW ALBUM. Dahil dito ay maaantala ang pagre-record niya sa darating niyang album na puno ng kantang OPM.

Pero ayos lang daw dahil matatagalan naman daw ang pag-edit sa mga ito, kaya’t puwede siyang pumanta muna sa London.

Kuwento niya, “Before I got Cats, I was already recording na, e.

"And they realized that it will take time to edit it and to get more songs, more original songs.

"So, I mean, makaka-work naman kami even when I’m abroad. They can email me the songs, I can learn it.”

Sisiguraduhin niya raw na makabalik kapag tapos na ang album dahil kailangan niyang i-promote ito.

“I have to make sure na ma-promote namin properly,” sabi ni Joanna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN