Jolo Revilla on his readiness to marry Jodi Sta. Maria: “Oo naman... kung papayag ba naman siya.”

Ayon kay Jolo Revilla, nagbago na ang kanyang ugali, lalo na sa pakikipagrelasyon: “Nag-mature ako sa relationship dahil, siyempre, naranasan na nating madapa. Naranasanan nating makabangon at huwag na nating hayaang madapa pang muli.”


Posibleng ang 2012 Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO ang huling pelikula o proyekto ni Jolo Revilla.

Magpu-focus muna kasi si Jolo sa kanyang pagtakbo bilang vice governor ng Cavite sa 2013 elections.

Kumpirma niya, “Sinabi naman natin na, sa ngayon, maisasantabi muna natin ‘yan [showbiz].

“Pero, siyempre, may mga nagawa na tayong projects last year pa na hindi pa naeere sa ABS-CBN.

"Siguro yun, lalabas next year.”

Ang tinutukoy ni Jolo ay ang Little Champ, kunsaan kasama niya si Senator Lito Lapid.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jolo sa press conference ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO kahapon, December 13, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.



SHOWBIZ VS. POLITICS. Kinailangan daw talagang mamili si Jolo kung ano ang mas gusto niyang bigyan ng prayoridad sa ngayon—ang showbiz o pulitika.

“Tinimbang ko, e,” sabi niya.

“Hindi naman kasi puwedeng pagsabayin dahil ang magsa-suffer, yung health ko.

“Di ba nga, after noong My Binondo Girl, di ba, may migraine ako?

“Hindi naman sa stressful, pero pagod… yung oras ko, mahahati.

“And besides, mas pinili ko yung mas gusto ko.

“Mas pinili ko ang pagsisilbi sa publiko dahil nandoon ang buhay ko. Nandoon ang puso ko na tumutulong.”

Kung sa ngayon ay vice governor na ang tinatakbo ni Jolo, posible bang sa mga susunod na eleksiyon ay senador na ang tatakbuhan niya?

Nakangiti niyang sagot, “Let’s just cross the bridge when we get there. I’ll take it one step at a time.

“I’m still young pa naman, at sa palagay ko naman, marami pa akong dapat kainin na bigas bago ako makarating sa posisyon ng tatay ko [Senator Bong Revilla].

“Basta tingnan muna natin, gagawin ko muna ang mga kailangan kong gawin.”

Yung migraine niya, kumusta na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman.

“Sumusumpong pa rin siya dahil, kumbaga, hindi naman mawawala ’yan.

“Nandiyan pa rin siya, pero kumbaga, hindi na kasing-grabe.”



CHRISTMAS REUNION. Ngayong Kapaskuhan, katulad pa rin daw ng nakaugalian ng pamilya Revilla ang gagawin niya.

Ani Jolo, “Ngayong Pasko, siyempre mamimigay tayo ng pamasko sa mga kababayan natin.

“Kasi, every December 25, kaming Revilla family, open ang tahanan namin.

"Kumbaga, ginagawa namin yun yearly.

“Last year, ganoon ang ginawa ko, nakatutok tayo doon.

"This year, ganoon pa rin, ganoon pa rin ang gagawin natin.

“Sa December 24 naman ng gabi, doon kami sa Cavite. Magkakasama kami ng lolo ko [former Senator Ramon Revilla] at ng buong family ko.”



SUPPORTIVE GIRLFRIEND. Nabalita naman na diumano’y may plano si Jolo at ang girlfriend niyang si Jodi Sta. Maria na magbakasyon sa Thailand ngayong Kapaskuhan.

Natawa naman si Jolo nang matanong tungkol dito.

Aniya, “Pupunta sila ng Thailand. Siguro, kapag may libre akong oras, baka makasama.

“Kung may libreng oras… kung papayag siya.”

In between Christmas and New Year ba ang alis nila?

“Hindi ko alam!” natatawa niyang sabi.

Dugtong ni Jolo, “Baka biglang abangan ninyo.”

Ayon sa kanyang ama na si Bong Revilla, “iba talagang magmahal” si Jolo.

Masasabi ba ni Jolo na masaya talaga ang buhay pag-ibig niya ngayon?

“Masasabi ko na masaya ako kung anuman ang meron ako ngayon…

"Basta, masaya kami,” nakangiti niyang sabi.

Paano ipinapakita ni Jodi ang suporta sa kanya sa pulitika?

“Sa politics, siyempre, nandiyan siya.

"Pero, salamat kung ipapangampanya niya ako.

“Pero kung hindi, okay lang din naman, naiintindihan ko dahil alam naman natin ang sitwasyon.”

Ang tinutukoy ni Jolo ay ang pagtatapat nila sa puwesto ni Jay Lacson, anak ni Senator Ping Lacson at kapatid ni Pampi Lacson, ang estranged husband ni Jodi.



ENDURING. Ano ba ang meron kay Jodi o sa relasyon nila ngayon na, sa kabila ng lahat, nagagawa nilang tahimik pa rin ito at nagtatagal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mas okay yung ganito,” medyo paiwas na tugon ni Jolo.

“Kumbaga, ibalato n’yo muna sa amin ngayon ito at darating ang panahon na sasabihin din naman namin, kagaya ng palagi kong sinasabi.”

Masasabi ba niyang nag-mature din siya, lalo na sa pakikipagrelasyon?

Sagot ni Jolo, “Oo naman, nag-mature ako sa relationship dahil, siyempre, naranasan na nating madapa.

“Naranasan nating makabangon at huwag na nating hayaang madapa pang muli.”

Napag-alaman din namin kay Jolo na ang anak niyang si Gab ay schoolmate naman ng anak ni Jodi na si Thirdy.

“Schoolmate sila. Hindi naman sila magkaklase pero magkakilala sila.”

THE NEXT STEP. Kung sakaling manalo siya bilang vice governor, kailangan niya ng tinatawag na "first lady."

“Bakit naman hindi? Pero, darating tayo doon!” natawang sabi ni Jolo.

Nakahanda na ba siyang magpakasal kung sakaling maayos na ang lahat sa panig ni Jodi?

“Oo naman... kung papayag ba naman siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN