Vin Abrenica considers it an honor to be slapped by Nora Aunor

Ikinuwento ni Vin Abrenica ang eksena kung saan sinampal siya ni Nora Aunor. Aniya, "Nagkaroon kami ng eksena na naramdaman ko ang kauna-unahang pagbabalik ng sampal niya! Nasampal na ‘ko. Sampal talaga! Dun sa eksena namin, kasi medyo napalaban ako bilang anak. Nabingi po ako! Pero, maganda po. Talagang gustung-gusto ko yung eksena na yun dahil nasabihan kami na ‘good take.’"


Unang proyekto ni Vin Abrenica ang teleseryeng Never Say Goodbye matapos hiranging grand winner sa talent search ng TV5 na Artista Academy.

Ilang beteranong artista ang makakasama niya rito tulad nina Nora Aunor, Cesar Montano, Alice Dixson, at Gardo Versoza.

Kasama rin niya ang ka-loveteam at kapwa-Artista Academy grand winner na si Sophie Albert, at ang 2012 Aliw Awards Best Actor na si Edgar Allan Guzman.

Nakatakdang ipalabas ang Never Say Goodbye sa darating na taon, ngunit ilang mahahalagang eksena na ang nakunan nitong mga nagdaang linggo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vin noong Martes, December 11 sa Shutterspace Studios, Katipunan Ave., Quezon City.

SLAP FROM THE SUPERSTAR. Sabik na ikinuwento ni Vin ang unang eksena nila ni Ate Guy.

Wika na Vin, “Nagkaroon kami ng eksena na naramdaman ko ang kauna-unahang pagbabalik ng sampal niya!

“Nasampal na ‘ko. Sampal talaga! Dun sa eksena namin, kasi medyo napalaban ako bilang anak.

“Nabingi po ako! Pero, maganda po.

“Talagang gustung-gusto ko yung eksena na yun dahil nasabihan kami na, ‘good take.’

“So, medyo naging masaya po talaga ‘ko nun.

“’Tapos nadadala po talaga ’ko sa eksena dahil si Ms. Nora po talaga, kakaiba.

“Gustung-gusto ko talaga yung pagkakasampal niya sa ‘kin.

“Opportunity para sa ‘kin yun. Honor para sa ‘kin na masampal ako ni Ate Guy!”

Ano nga ba ang pakiramdam ng masampal ng isang Nora Aunor?

Sagot ni Vin, “Masarap! Bilang, konti lang kami na nasampal niya.

“Konti lang kaming nasampal, e, ’tapos isa ‘ko dun.

“’Tapos kababalik pa lang niya, di ba? Ako pa lang yata yung una niyang nasampal.”

KISSING SCENE WITH SOPHIE. Pag-amin ni Vin, nagkaroon na rin sila ng kissing scene ng ka-loveteam na si Sophie.

Paglalahad niya, “Yes, nagkaroon na. Yun ang una naming…nagulat ako, actually.

“Kasi dun sa Benguet, kami pinag-aaralan namin yung sequences. Di ba, yung order?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos nagulat kami, yun ang pinakauna na shinoot.

“So, wala man lang warm-up. Talagang nagulat ako.

“At eto yung first time na nag-kiss talaga kami, ’tapos onscreen pa.”

Hindi naman itinanggi ni Vin na noong una ay nagkaroon sila ng kaunting ilangan ni Sophie.

Aniya, “Meron talaga. May awkward talaga nung umpisa. Medyo tense talaga.

“’Tapos, uhm...actually, di ako maka-relax, e. Kasi, nagulat talaga kami.

“Siyempre, hindi namin ginagawa, ’tapos yun na agad yung ginawa namin.

“So, inisip ko na lang, trabaho. So, nagulat ako, nagulat kami.”

Ano naman ang naramdaman niya nang mahalikan si Sophie?

Sagot niya, “Para sa ‘kin? Malambot pala yung labi niya, ganun.

“I have to be in character that time, e. Para sa ‘kin, I enjoyed the moment. Nag-enjoy ako sa moment.”

Ito nga raw ang kauna-unahang kissing scene ni Vin sa harap ng camera.

Pagbabahagi niya, si Sophie raw talaga ang pinaka-close niya maging noong simula pa lamang ng Artista Academy.

Saad niya, “Before AA, ’tapos… wala pa yung Top 16, we’re the best of friends, ako ’tsaka siya.

“So, talagang hindi na naging ganun kahirap para sa ‘min.

“May awkward moments pero konting-konti lang.

“Kaya yung bond namin na maging loveteam, it’s very easy for us.

“Medyo naging swabe siya kasi we’re close na talaga before.”

Mayroon kayang posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa?

Sagot niya, “Uhm, as far as now, para sa ‘kin po kasi nagsisimula pa lang po kami. Ayoko naman sana…kami, actually.

“Kung ano mang meron kami ngayon, ini-enjoy namin yung moment na yun.

“No commitments, wala kaming…it’s all work para sa amin. Ang loveteam namin is all work.

“At least we’re…nagle-level up naman kami kasi every day halos magkasama na kami sa taping, sa lahat ng ginagawa na magkasama kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, naggu-grow din yung relationship namin.

“Pero kahit kami, kaka-start pa lang namin sa showbiz.

“Ayaw naman namin na mag-settle na mag-girlfriend-boyfriend,” paliwanag ni Vin.

Hindi kaila sa marami na karamihan sa mga loveteam sa showbiz ay nagiging real-life sweethearts.

Naisip niya ba na maaari rin itong mangyari sa kanila ni Sophie?

“Para sa ‘kin, honestly, hindi pa pumapasok sa isip ko na, ‘What if kami?’

“Hindi pa pumapasok sa isip ko yun kasi talagang sobrang focused talaga ’ko sa script ko, lagi kong pinag-aaralan.

“Lalo na yung mga kaeksena ko, mga bigating artista.

“So, talagang hindi ko iniisip yung, ‘What if may maging girlfriend ako?’”

SEXY ROLES. Sa ikalawang pagkakataon ay naging cover ng Men’s Health magazine ang kapatid ni Vin na si Aljur.

Kung mabibigyan ng ganung klaseng oportunidad, papayag ba si Vin na mag-topless din para sa cover ng isang magazine?

Walang pag-aalinlangan niyang sagot, “If they’re gonna ask me, why not?

“Kung anong mapapasaya sila, yung mga tao, yung mga fans, ibibigay ko. Kung topless, hindi naman problema sa ‘kin yun.

“Medyo pagsasabihan lang ako ni Mommy, tulad nung ginawa niya kay Kuya [Aljur] nung simulang naghubad si Kuya.

“Si Mommy talaga, e, medyo selosa mommy ko,” sabi ni Vin.

Ibig sabihin ba nito ay papayag siya na gumanap ng mga sexy roles?

Sagot ng beinte-uno-anyos, “Kung pang-plus points yun, why not?”

Kung makatanggap naman daw ng offer na gumawa ng isang gay role ay baka hindi muna ito tanggapin kaagad ni Vin.

Paliwanag niya, “Siguro gusto kong ma-establish na…ayokong mag-start na gay role agad.

“Gusto ko sanang ma-establish muna kung sino ako and after that, ’tsaka mag-gay roles.”

Willing din daw si Vin na gumawa ng indie films, “Okey po ako dun. Kung anong trabaho po ibigay sa ‘kin, iga-grab ko po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FATHER AND SONS. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng concert si Vin kasama ang kanyang kuyang si Aljur at ang kanilang Daddy Jojo, na may titulong “Father and Sons.”

Ito ay ginanap noong December 8 sa Zirkoh, Tomas Morato, at dahil napuno raw ang venue ay magkakaroon ito ng repeat sa December 29.

Ayon kay Vin, musically-inclined talaga ang kanilang pamilya kaya naman hiling niya rin na magkaroon ng career bilang singer.

Aniya, “Yes, gusto ko din po. Hilig ko talaga. Kasi yung family namin nasa music talaga.

“Si Daddy kasi, he was 15 nasa Olongapo na siya, tumutugtog na siya, Bandang Gapo.

“’Tapos yung mommy ko naman, she’s in a band before, before sila mag-meet ni Daddy.

“Banda rin si Mama, vocalist din siya.

“Si Kuya, bata pa lang kami─siya 6, ako 5─nagigitara na ‘ko, siya nagda-drums na siya.”

Pangalawa sa apat na magkakapatid si Vin. Sumunod sa kanya ang babaeng si Alleah at isang lalaki ulit ang bunso na si Allen.

Kuwento ni Vin tungkol sa 13-year-old na si Allen, “Si Bunso, guwapo. Talagang handsome talaga.

“Sasabihin ko talaga, guwapings talaga. Lahat sinasabi, wala kaming sinabi [ni Aljur].

“Okey po. Okey lang po,” nakangiting sabi pa ni Vin na proud sa kanyang nakababatang kapatid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN