Alex Gonzaga admits to having non-showbiz boyfriend: "Chinese siya."

Alex Gonzaga on her non-showbiz boyfriend: “Ano, meron... pero non-showbiz siya. Chinese siya. Chinese. Na naipakilala sa akin, ng mga February... last month lang kami naging kami.”


Kagagaling lang ni Alex Gonzaga sa kanyang guesting sa Eat Bulaga! noong Sabado, December 8, at diretso kaagad siya sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon Avenue, Quezon City, upang magbigay ng saya sa mga batang may kanser sa kanilang Christmas party.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertinment Portal), “Siyempre natutuwa tayo na nakakasama natin sila at nagpapasalamat tayo, na naimbitahan tayo na makakasama yung mga batang may kanser.

“So, yun, nakakatuwa, at sana next year din makakasama natin yung mga bata.”

Hindi masyadong nagtagal si Alex sa ospital dahil may kasunod pa siyang engagement.

Pero kinuha ng PEP ang kanyang panig tungkol sa diumano’y na-shelved niyang project sa TV5 para sa 2013.

“Hindi ko alam, wala akong alam," tanggi niya.

“Ang alam ko talaga na-extend ang Enchanted Garden at natutuwa kami hanggang first week of January.

“Tapos yung next ay yung kina Derek Ramsay na Kidlat.”

NORA AUNOR. Masaya naman daw si Alex na napagbigyan ng Kapatid Network ang isa sa mga wish niya na makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Nagkaroon kasi ng special guest appearance sa Enchanted Garden si Ate Guy.

Sabi ni Alex, “Oo naman, kami lagi ang magkaeksena.

“Natutuwa ako dahil nakasama ko ang Superstar.

“Nagwi-wish ako dati sa management na gusto ko makasama si Miss Nora Aunor.

“At least dito, kahit saglit lang ay nakaeksena ko siya, so sobrang nakakatuwa.”

HAPPY LOVELIFE. Inusisa na rin ng PEP kay Alex ang tungkol sa napapabalitang bagong boyfriend nito. So, may nagpapatibok na ba talaga sa kanyang puso?

Pabirong sagot nito, “Oo, dugo.”

Dagdag niya, “Ano, meron... pero non-showbiz siya. Chinese siya. Chinese.

“Na naipakilala sa akin, ng mga February... last month lang kami naging kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN