Nadine Samonte denies being courted by a politician: "Naku, ayaw ko ng pulitiko, magulo!"

Hindi pa raw handa ang aktres na si Nadine Samonte na magkaroon ng panibagong relasyon bagamat may mga nagpapalipad-hangin na sa kanya. Paliwanag ng Kapatid star, “Honestly, siguro I’m not ready pa for any commitment right now, kasi seven years is hard. It’s hard to forget things kasi kahit konting bagay, may mga memories. At saka kaunting bagay na parang may pangit na nakikita ko, turn-off kaagad ako, yun yung ugali ko ngayon. Siguro it’s just th


Maagang dumating si Nadine Samonte sa Philippine Children’s Medical Center noong Sabado, December 8, para makisaya sa mga batang may kanser sa nasabing ospital na nakatakdang magdaos ng kanilang Christmas party.

Masayang kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nandito tayo ngayon sa Philippine Children’s Medical Center, siyempre gusto ko rin naman tumulong para lalo silang ma-encourage, para lalong lumakas ang loob nila.

“Para kahit konting bagay ay makatulong man lang ako na mabigyan sila ng kahit kaunting kasiyahan.”

Sabi ng Kapatid star, malambot ang kanyang puso pagdating sa mga batang maysakit.

Kuwento nito, “Naku, sobra! Brother ko na nga lang, sobra talaga…

“Pag nakikita ko yung brother ko na nilalagnat lang, natataranta na ako, yung parang tumatawag agad ako sa mga doktor.”

Kaya ito raw ang paraan niya na ipakita sa mga bata na kahit papaano ay nakakatulong siya upang mapalakas ang kanilang morale.

Saad niya, “Yes, kasi hindi mo alam na yung konting tulong na yun, parang it really means a lot to them.

“Ano yun, malaking bagay na yun para sa kanila.”

BLESSED. Sabi pa ni Nadine sa PEP, malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na kahit maraming intriga at mga hindi magandang pangyayari sa buhay niya ay marami pa ring blessings ang kanyang natanggap.

Pahayag nito, “Sobrang blessed ako kahit may mga nangyari sa buhay ko lately... huwag na nating ungkatin pa, tapos na.

“Basta masaya naman at nagkaroon ako ng mapaglilibangan, which is yung trabaho ko.

“Ito yung main factor para sa akin, para sa family ko rin.”

Kamakailan lamang ay nagkabalikan sila ng kanyang childhood sweetheart na si Emerson Chua. Pero after a few months ay tuluyan na rin silang naghiwalay ng landas.

Sa ngayon, may mga bago na ba siyang manliligaw?

Sagot ni Nadine, “May mga bagong manliligaw na nababasted ko kaagad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, siguro I’m not ready pa for any commitment right now, kasi seven years is hard.

“It’s hard to forget things kasi kahit konting bagay, may mga memories.

“At saka kaunting bagay na parang may pangit na nakikita ko, turn-off kaagad ako, yun yung ugali ko ngayon.

“Siguro it’s just that I’m not yet ready.”

ROMANCE WITH A POLITICIAN? May mga bali-balitang diumano’y may manliligaw na isang pulitiko si Nadine.

Pero nagulat si Nadine tungkol sa isyung ito.

Pagtanggi niya, “Wala, siguro nasa probinsiya nila ako before for the show, lahat ng fiesta nila pinupuntahan ko, e.

“’Tsaka hindi lang naman ako ang nai-invite dun, e, so nakakahiya naman.”

Kaugnay pa sa isyung ito, may sarili na raw siyang driver at bodyguards. Totoo ba ito?

Aniya, “Ay, marami nang magpapatunay niyan na wala.

“Kasi… unang-una kasi, hindi ako nagpapa-drive sa kotse ko, alam ng mga tao ‘yan.

“Pangalawa, bodyguard, dyusko po, kung PA [personal assistant] nga wala ako, bodyguard pa kaya?

“Wala talaga, saan nanggaling ‘yan?

“Nakakahiya sa kanya, huwag na nating idamay yung tao, kasi parang hindi tama.”

Isa pang isyu ang nilinaw ni Nadine ay ang tungkol sa mga regalo raw ng pulitikong ito na mga branded bags sa kanya.

Natatawang depensa niya, “Hindi ko pa siya kilala, marami na akong branded bags!”

Pero kung hindi ito totoo, open kaya siyang maligawan ng isang pulitiko?

Sagot ni Nadine, “Naku, ayaw ko ng pulitiko, magulo!

“Actually, may nanliligaw sa akin lately na magpa-politics siya, kaso binasted ko, e, kasi magulo.

“Andito na nga ako sa showbiz, e, magulo na; politics, magulo din.

“Gusto ko ng tahimik lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN