John "Sweet" Lapus returns to ABS-CBN after six years with GMA-7

Paliwanag ni John Lapus sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN: "Alam n’yo naman na marami tayong bayarin, lalo na ang bahay ko. Isama na natin ang iba’t ibang gastusin araw-araw. Kailangan ko lang na magkaroon ng pagkakakitaan nang regular. Maiintindihan naman siguro ng marami iyon."


Kinumpirma ni John "Sweet" Lapus na babalik na siya sa bakuran ng ABS-CBN pagkatapos ng anim na taon.

Ang unang show ni Sweet sa kanyang pagbabalik sa Kapamilya network ay ang Kahit Konting Pagtingin na pagbibidahan ni Angeline Quinto.

Matagal nawalan ng regular show si Sweet sa GMA-7 pagkatapos ng huling drama series niya na Makapiling Kang Muli at nang mawala sa ere ang showbiz talk show na Showbiz Central.

Ayon kay Sweet, naghintay siya ng magiging offer ng Kapuso network, kaya puro mga guestings lang ang kanyang mga ginagawa.

Just recently ay lumabas si Sweet sa Extra Challenge nina Richard Gutierrez, Boobay, at Marian Rivera.

Sabi niya, "Alam naman ng marami na naging loyal ako sa GMA-7 for six years. Masaya akong naging Kapuso.

"Pero kung wala nga silang mabigay sa akin, kailangan ko ring maghanap ng pagkakakitaan.

"Alam n’yo naman na marami tayong bayarin, lalo na ang bahay ko. Isama na natin ang iba’t ibang gastusin araw-araw.

"Kailangan ko lang na magkaroon ng pagkakakitaan nang regular. Maiintindihan naman siguro ng marami iyon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sweet sa press conference ng pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at si Ako, sa Annabel’s restaurant kahapon, December 13.

Lumipat si Sweet sa GMA 7 nung 2006 nang kunin siyang maging isa sa hosts ng S-Files.

Nung mga panahon naman daw na iyon ay wala siyang trabaho sa Dos.

"Parang naulit lang. This time, wala akong regular show sa Siyete. Nataon na may offer ang Dos.

"Original family ko naman ang Dos kasi diyan ako unang nakilala.

"Mula production ay naging talent ako hanggang sa maging TV host ako.

"Kaya kung bumalik man ako, parang bumabalik lang ako sa dati kong tahanan."

Hindi naman daw nasira ang relasyon ni Sweet sa mga nakatrabaho niya sa Dos kahit na nasa Siete siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sino naman ang mga friends ko noon, sila pa rin.

"Nagkikita kami paminsan-minsan, lalo na kapag may special occasions.

"Sumusuporta sila sa akin kapag may mga shows ako, kaya mahal ko pa rin sila dahil mahal pa rin nila ako."

Hindi rin naman daw natigil ang paglabas ni Sweet sa Dos as guest.

Kailan lang ay nakasama siya sa pelikulang 24/7 In Love ng Star Cinema.

Si Sweet ay mina-manage ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN, ngayon at kahit noong panahong nasa GMA7 ito.

Makakasama nina Sweet at Angeline sa Kahit Konting Pagtingin sina Sam Milby, Bangs Garcia, Mylene Dizon, at James Blanco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN