PART 1: Aljur Abrenica declines offer to run in 2013 elections but not closing door to politics

Hindi raw isinasara ni Aljur Abrenica ang kanyang pintuan sa pulitika. Kailangan lang daw niya muna itong pag-aralan. Aniya nga, “Ang hirap pasukin niyan. Baka kasi pag nandiyan na, may mangyari lang, magtanung-tanong pa ako, hindi ko alam ang mangyayari. So, kung pasukin ko man ang isang bagay na ‘yan—which is, ang dami ngang nagtatanong—kung papasukin ko man po ‘yan, ang sasabihin ko, pag-aaralan ko muna.”


“Ako po si Banjo dito, yung pinagtatrabahuhan namin, which is yung polo club, kami yung… Kasama ko yung tatay kong nagtatrabaho dito.

“Kaming dalawa yung kinalakihan ng mga bida nating babae,” umpisang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Aljur Abrenica.

Dinalaw si Aljur ng PEP kamakailan sa set ng shooting ng pelikulang Sosy Problems sa Celebrity Sports Plaza sa Capitol Hills.

Ang apat na bidang babae sa GMA Films entry na ito sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay sina Heart Evangelista, Bianca King, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos.

Ang aktor namang si Robert Arevalo ang gumaganap na tatay ni Aljur sa pelikula.

“Ang trabaho ko dito, all-round boy ako dito,” patuloy ni Aljur.

“Life guard, valet, hardinero, stable boy, lahat.

“Kumbaga dito na ako lumaki. Yung trabaho namin ng tatay ko, halos lahat, gamay ko na. So, ako yung head.”

Lifeguard din siya sa pelikula. So, ibig sabihin nito, maghuhubad din siya sa ilang mga eksena?

“Hindi naman [lahat ng eksena], nakahubad. It depends, it depends kay Direk [Andoy Ranay] kung gusto niya akong paghubarin.”

THE SOSY GIRLS. Dalawa ang kapareha ni Aljur sa Sosy Problems.

“Si Heart at si Solenn, sila yung mag-bestfriend na pag-aagawan ako.”

Kanino siya mapupunta sa ending ng pelikula?

“Surprise, surprise yun!”

Naging leading lady na niya si Heart dati sa Temptation Island. Ano ang mga pagbabago kay Heart bilang co-star?

“Bilang katrabaho, wala namang nagbago kay Heart. Same pa rin, professional pa rin.

“Ang nagbago lang kay Heart is yung character niya dito.

“Kasi nung Temptation Island, sobrang…si Virginia P siya dun, yung character niya dito, sobrang sosy. Malayung-malayo.”

Sa Temptation Island, bilang Virginia P, ginampanan ni Heart ang role ng isang college student na sumali sa isang beauty pageant para magkapera at maging independent mula sa kanyang pamilya.

“Ang gagaling nilang lahat, silang apat. Ang kagandahan pa nun silang apat, magbabarkada, nagpapa-sosy-han sila on set. Kahit off-cam, iyon yung… Lagi silang in character.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Solenn nakasama rin niya sa Temptation Island, si Bianca sa The Last Prince, at si Rhian sa pelikulang My Kontrabida Girl.

“’Tapos may ginawa pa kami ni Bianca na short film para dun sa thesis niya sa school.”

Isang film student sa La Salle-Saint Benilde si Bianca.

“Parang short film directing, siya ang nagdirek. Hindi ko alam ang detalye, basta thesis iyon,” sabi pa ni Aljur tungkol kay Bianca.

“And then si Rhian, nagka-movie na kami, nagka-soap na kami. So, talagang si Rhian, isa na sa kino-consider ko na malapit sa akin.”

Pagkatapos ng Sosy Problems at Coffee Prince, ano na ba ang susunod na proyekto ni Aljur sa GMA?

“Waiting pa rin po,” sagot ni Aljur.

“May mga naririnig na, pero yung final na manggagaling sa mga boss, wala pa po.”

PACQUIAO’S LOSS. The day na nakausap namin si Aljur—December—ay araw rin ng laban ni Manny “Pacman” Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa Las Vegas.

At bilang isa ring Kapuso na tulad ni Manny, ano ang naramdaman ni Aljur sa pagkatalo ng Pambansang Kamao?

“May kasabihan diyan, e. Parang, in every man’s success, merong downfall talaga minsan. And we all know naman na yung ginawa ni Pacquaio, extraordinary na.

“Eight divisions, kinuha niya lahat ng belt. So, kahit natalo si Pacquiao ngayon, para sa kanya siguro ano lang yun, parang ano lang sa kanya yun...”

Opinyon ni Aljur, minsan talaga’y kailangang dumaan ang isang tulad ni Saranggani Province Congressman Pacquiao sa ganung klaseng pagkatalo.

“’Tapos baka…hindi araw-araw Pasko, sabi nga nila.

“And kada pagkatalo mo o napatumba siya, kapag bumangon siya, mas malakas na siya ngayon.

“Mas alam na niya kung ano ang gagawin niya.

“Iyon para sa akin ang ibig sabihin nun.

“And balik ako dun sa mga na-accomplish niya. Wala nang nakagawa nun, at yung pagkatalo ni Pacquiao, hindi ibig sabihin talo talaga siya sa puso ng mga Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Panalo pa rin siya para sa amin, para sa akin panalo pa rin si Pacquiao dahil yung ginawa niya, e, history na yun.

“At kung lalaban man siya ulit, ang suporta ko nasa kanya pa rin hanggang ngayon.

“At napakabait ni Pacquiao and marami siyang responsibilidad. Siguro kailangan niya munang…

“Para sa akin bilib kasi ako sa taong yun, ang dami niyang ginagawa, e.

“Hindi ko alam kung paano pa nagpapahinga yun. Pulitiko, artista, singer pa.

“So, may dahilan ‘yan, may dahilan ‘yan. Pero, para sa akin, mananatili siyang kampeon.”

ALJUR IN POLITICS. Nabanggit na rin lang ang pagiging pulitiko, si Aljur ay inalok na rin palang tumakbo sa pulitika.

“Meron na. Nakalimutan ko yung posisyon, e.”

Tinanggihan daw ni Aljur ang alok na tumakbo sa darating na eleksyon.

Hangang ngayon, iyon pa ba ang stand niya, na ayaw niya?

“Hindi naman sa ayaw ko, alam ko naman kasi sa sarili ko na hindi ko kaya.

“Unang-una, hindi ko forte ‘yan, hindi ko pa pinag-aaralan yung ano na ‘yan, kung ano man ‘yan.

“Ang hirap pasukin niyan. Baka kasi ‘pag nandiyan na, may mangyari lang, magtanung-tanong pa ako, hindi ko alam ang mangyayari.

“So, kung pasukin ko man ang isang bagay na ‘yan—which is, ang dami ngang nagtatanong—kung papasukin ko man po ‘yan, ang sasabihin ko, pag-aaralan ko muna.”

Hindi niya raw talaga sinasabing ayaw niyang pumasok sa pulitika. Kailangan lang niyang maging handa.

“Oo, kasi sa akin ngayon, talagang hindi. Pero, in the future, hindi ko alam. Malay natin na baka magkainteres po ako, tapos mag-aral po ako ulit.

“Pag-aaralan ko po yung mga dapat pag-aralan para makapasok sa pulitika.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN