James Yap refuses to comment on ex-wife Kris Aquino’s claim they’re not good friends; says reason for misunderstanding is “maliit lang na bagay.”

“Basta kung ano man yung mga misunderstanding na nangyari sa amin, ayaw ko nang mag-comment, dahil isipin ko na lang na may anak kami. Ayoko naman na paglaki ni Bimby o ni James ay susumbatan kami na, ‘Bakit kayo nag-away sa..? Kailangan pang ipaalam sa public?’ Di ba? Na, ‘Puwede bang ayusin n’yo na lang dalawa?’ Ayoko na darating yung time na ganun na pagsabihan kami ng anak namin,” pahayag ni James Yap tungkol sa s


Naging mainit na naman ang pangalan ng star basketball player na si James Yap nitong nakaraang linggo.

Nag-react kasi ang ex-wife niyang si Kris Aquino sa pahayag niya sa isang interview.

Sa interview na iyon, sinabi ni James na “good friends” na sila ni Kris.

(CLICK HERE for related story.)

Pero pinabulaanan ito ni Kris sa kanya ring sariling interview.

(CLICK HERE for related story.)

Ani Kris, “No, that’s not true.”

Nitong Lunes, December 10, sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa practice nila ng San Mig Coffee Mixers sa may San Juan City upang makapanayam.


PLANS FOR THE HOLIDAYS. Kapansin-pansin ang malugod na pagtanggap ni James sa amin para sa panayam.

Kilala kasing mahiyain at bihirang humarap sa interview ang basketbolistang tubong-Negros Occidental.

Inusisa muna ng PEP si James kung ano ang mga plano niya sa darating na Pasko.

“Wala pa. Actually, kapag makapasok kami ng semis, wala akong time, kasi may game,” tugon niya.

Hindi rin daw sila makakapag-celebrate ni Bimbi, ang kanyang anak kay Kris, ng Pasko.

“Aalis sila, e. Di ko lang alam kung anong day, pero aalis sila papuntang Europe,” sabi pa niya.

Pero regular naman daw ang bonding nila ni Bimby.

“’Pag may time siya, usually sa bahay nila, pero medyo matagal na rin kaming hindi nakalabas, kasi nga may pasok siya, e.

“So, noong mga last week ‘ata, doon ako sa kanila.”

Kung hindi man sila magkasama ni Bimby sa panahon ng Kapaskuhan at kung walang game, gusto sana ni James na umuwi ng Negros Occidental.

“Kung may time, uuwi talaga ako. Kasi gusto ko mag-spend ng time sa family ko sa Escalante, and siyempre sa mga kaibigan ko dun. Masaya kasi doon.

“Although sa Christmas nga, kung wala kaming game, uuwi ako, kasi para makita ko naman yung mga relatives, friends, and family ko. Lahat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


AT PEACE. Napadako naman ang usapan tungkol sa pagiging tahimik ng buhay niya ngayon, particularly sa kanyang lovelife na palaging binabantayan ng publiko.

Natatawa niyang patanong na sagot, “Tahimik ba? Masaya nga, e. Kasi tahimik, e.”

Hindi raw muna siya naka-focus sa lovelife, lalo na ngayong may laro sila ng team niya.

“Focus muna ako ngayon sa laro.

“Focus muna ako sa ngayon, dahil ongoing yung conference namin. And then, nasa kalagitnaan na kami ng mga crucial game.

“Actually, ano na nga, e, quarterfinals na this coming Thursday [noong nakaraang Huwebes, December 13] against Petron.

“So, sobrang lakas nila. So, naka-focus kaming lahat.”

Nanalo naman ang team ni James sa Petron Blaze Boosters sa laban nila sa Smart-Araneta Coliseum nitong nakaraang Huwebes, sa final scores na 90-84.

Sa pagiging focused niya sa basketball, paano na ang personal niyang kaligayahan?

“Well, parang ito yung... Iniisip ko na lang na napapasaya ko yung mga tao, napapasaya ko yung mga fans na sumusuporta sa amin, di ba?

“So, yun na lang yung lagi kong iniisip,” sagot ni James.

“Time sa sarili? Okey naman dahil nag-e-enjoy naman ako. Nag-e-enjoy naman ako sa paglalaro ng basketball. Marami naman akong mga kaibigan.”


STILL AT ODDS WITH KRIS? Dahil sa very game si James sa mga katanungan sa kanya, tinanong na ng PEP kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Kris na hindi pa sila “good friends” sa ngayon.

Natawa naman si James sa narinig na tanong.

“Ano, ano? Kailan niya sinabi yun?” balik-tanong ng dating mister ni Kris.

Sinabi naman ng press kung kailan ibinigay ni Kris ang kanyang pahayag hinggil sa sinabi ni James noon na “good friends” na nga sila.

“Ah, sa [presscon ng] movie niya, sinabi niya ba yun?

“Ah, kasi nauna yung interview ko,” sabi ni James na halatang hindi nakarating sa kanya ang mga sinabi ng dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ah, well, no comment na ako diyan.

“Basta kung ano man yung mga misunderstanding na nangyari sa amin, ayaw ko nang mag-comment, dahil isipin ko na lang na may anak kami.

“Ayoko naman na paglaki ni Bimby o ni James ay susumbatan kami na, ‘Bakit kayo nag-away sa..? Kailangan pang ipaalam sa public?’ Di ba?

“Na, ‘Puwede bang ayusin n’yo na lang dalawa?’”

Dagdag pa niya, “Ayoko na darating yung time na ganun na pagsabihan kami ng anak namin.

“So, kung ano man yung nasabi niya, di ko na lang…

“Basta, ayoko na lang sagutin. Basta mahalaga, naka-focus lang ako talaga sa anak ko, and wala nang iba.

“Kung alam mo yung mga misunderstanding na mga nangyari…” pagbitin na lahad ni James.

“I’m sure, hindi naman kami for life na magkaaway, e.

“Kasi meron kaming anak, bali-baliktarin man, meron kaming Bimby.

“So, di puwede yun. Hopefully, maayos…” Ang kanilang pagkakagalit ni Kris ang ibig niyang sabihin.

“Actually, maliit lang na bagay. Yun lang siguro maayos…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN