Jake Cuenca on his chances with Lovi Poe: “Mahirap mag-expect, e… I just let things fall into place.”

Tungkol naman sa napapabalitang panliligaw ni Rocco Nacino kay Lovi Poe, ito ang pahayag ni Jake Cuenca: “I don’t know, wala akong alam sa ganyan, e. But as far as I’m concerned, para akong kabayo, nakapokus lang…”


Kasama nga ba si Jake Cuenca sa “SMC”?

SMC ang acronym ng pinausong samahan ng mga loveless sa darating na Pasko, ang “Samahan ng Malalamig ang Christmas.”

Tila isa nga si Jake sa magiging “miyembro” ng SMC dahil wala itong lovelife.

At kahit na nagpahayag na siya sa The Buzz noon ng pagmamahal sa Kapuso actress na si Lovi Poe, wala pa rin daw kinahihinantnan ang panunuyo niya rito.

Sinabi kasi ni Lovi sa isang interview na kahit flattered siya sa sinabi ni Jake ay magkaibigan lang talaga sila.

(CLICK HERE for related story.)

AMAZING WOMAN. Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertertanment Portal) at Cinema News si Jake sa nakaraang feeding program na inihanda ng Star Magic at ng ABS-CBN Channel Head na si Cory Vidanes para sa Bida Kapamilya event, nung nakaraang Sabado, December 8, sa Quezon City Circle.

Dito ay nagbigay ng kanyang reaksyon ang aktor tungkol sa mga naging pahayag ni Lovi.

“Okey naman, sakto lang,” una munang nasabi ng 24-year-old actor.

“Wow, I guess I’m flattered also. Flattered din talaga ako na-recognize niya, pero wala naman akong sinasabi na di totoo, e.

“Lovi is an amazing woman. She’s a beautiful girl. Kahit naman sinong lalake, magsasabi ng ganun, kasi sobrang bait, sobrang ganda.

“For me, I’m really amazed with her.”

Dahil sa sinabi ni Lovi na pagiging magkaibigan pa lang talaga ang nangyayari sa kanila ni Jake, itutuloy pa ba niya ang panunuyo rito?

Nararamdaman ba niyang may pag-asa siya kay Lovi?

“Tuloy pa rin ang pakikipagkaibigan,” pagtutuwid naman ni Jake.

“Mahirap mag-expect, e. But again, just like I’ve said in an interview, I just let things fall into place, hinahayaan ko na lang.

“Hayaan ko na lang mag-fall into place ang mga bagay-bagay.”

Tungkol naman sa mga emotional tweets niya patungkol kay Lovi ang tinanong kay Jake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktor, malaki raw ang epekto ng pagkakaroon niya ng dalawang teleserye na ginagawa sa mga nakaraang posts niya sa Twitter.

“I think it’s because of having two soaps at the same time. I think I have this sort of identity crisis.

“To tell you the truth, people are saying nagawa ko ng effortlessly yung dalawang series—but no, it’s so hard.”

ROCCO WOOING LOVI? Ano naman ang masasabi niya sa napapabalitang panliligaw raw ni Rocco Nacino kay Lovi?

“I don’t know, wala akong alam sa ganyan, e.

“But as far as I’m concerned, para akong kabayo, nakapokus lang,” patungkol niya kay Lovi.

“Di ko alam, e. I’m not really updated with this stuff.

“But again kung mayroon mang manligaw sa kanya, di ako, magugulat din.”

WORKING WITH UGE. Masayang ibinalita naman ni Jake na may sinisimulan na siyang pelikula kasama si Eugene Domingo.

“Nagsimula na yung [shooting ng] movie namin ni Ms. Eugene Domingo. Maganda, title Tuhog.


“Dark comedy, drama comedy.

“Blessed, sobrang blessed ako, hangang-hanga ako sa kanya.

“Marami na akong proyektong nagawa in the past, pero never akong na-intimidate.

“Pero kay Ms. Uge, nakita ko pa lang ang presence niya at ang galing niyang umarte, sobrang naglu-look forward ako.

“Kasi alam kong marami akong matututuhan sa kanya.

“To be her leading man means a lot to me.

“Ang isa sa pinakahinahangaan kong babae sa industriya is si Ms. Eugene Domingo.

“Di ko comfort zone kasi ang comedy. First time kong mag-comedy.

“May elemento pa rin ng drama, may element pa rin ng pang-love story, pero wala ako sa comfort zone ko, kasi nga comedy, e.

“Kaya ako nagpapasalamat kay Ms. Eugene Domingo, kasi inaalalayan niya talaga ako.

“Inamin ko sa kanya ‘yan, day one pa lang. ‘Ms. Uge, di po ako sanay mag-comedy pero hopefully after this movie mayroon akong matutunan at magawa ko ng tuluy-tuloy,’” sabi raw niya sa award-winning comedienne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROJECTS FOR NEXT YEAR. Sa pagtatapos ng Kung Ako’y Iiwan Mo at sa balitang malapit-lapit na ring pagtatapos ng Kahit Puso’y Masugatan, may mga nakalinyang serye na gagawin pa si Jake sa ABS-CBN.

“Nasa proseso kami ng namimili kami ng mga proyekto.

“May mga ino-offer na susunod na telesreye. Siguro malalaman ko na ‘yan next year. Pero may mga offers, so I’m really excited for next year.

“Pero sa ngayon, hanggang sa March pa ang Kahit Puso’y Masugatan, e.

GIVING BACK FOR ALL THE BLESSINGS. Isa si Jake sa Star Magic talents sa nakisaya at sumuporta sa feeding program ng Star Magic.

Para sa aktor, isa ito sa paraan para maibalik niya sa mas di nakaluluwag nating mga kababayan ang blessings na nakuha niya sa loob ng buong taon.

“Siyempre, sobrang saya ko sa Star Magic, kasi ang dami nilang ginawa this year, ang daming events, gumawa pa sila ng pelikula.

“I mean this is giving back, because this is a great year for Star Magic.

“Basta Star Magic calls me, I’ll be there. Pamilya ko talaga ang Star Magic. Pag tumawag sila, definitely, nandun ako. Nandito ako.

“Siyempre, Christmas is a time for giving. Siyempre pagdating ng Pasko, perfect time for giving back, for charity.

“Pero para sa akin, more or less, one way or another, we all have to make an effort to help someone, kasi siyempre Pasko.

“Dapat talaga may time tayo para tumulong sa iba, kasi that’s the spirit of Christmas,” saad pa ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN