JM de Guzman on complaints against him on Angelito set: "Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin, ginagawa ko naman ito para sa kanila."

Aminado si JM de Guzman na may naramdaman siyang pressure sa pagganap bilang lead star ng afternoon soap na Angelito Ang Bagong Yugto. Saad ng Kapamilya actor, “Unang-una, hindi lang yung pangalan, yung first time na nung nagsimula ako, nung dati pumipila lang ako sa projects, biglang nagkaroon ako. Para sa akin, ang hirap din niyang i-digest din. Gusto kong ibigay yung buong puso ko, lahat, pero siyempre hindi maiiwasan din na sa sobrang pressure, nagkaka


Noong Biyernes, December 14, ay ipinalabas na ang huling episode ng ABS-CBN afternoon soap na Angelito Ang Bagong Yugto.

Bago pa man mawala sa ere ang nasabing programa, may balitang lumabas na masama raw ang loob ni JM de Guzman sa wala-sa-planong pagtatapos ng pinagbidahang serye.

Umere ang Angelito Ang Bagong Yugto ng limang buwan—mula July 16 hanggang December 14.

Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si JM tungkol sa balitang ito.

Saad ng aktor, “Hindi naman masama, wala naman ako sa posisyon kasi aktor lang din ako, kinuha lang din ako ng ABS.

“Pero mas maganda sana kung may trabaho pa rin kami.

"Pero umaasa pa rin ako na sana mabigyan pa rin sana kami ng trabaho.”

Para kay JM, nagtagumpay naman ang Angelito kung ano ang talagang layunin nito.

“Hindi ko alam… tingin ko, yung motibo ng istorya natumbok namin.

“Istorya ng batang ama, kung ano ang dapat niyang gawin, kung ano ang gagabay sa kanya para gawin niya yung tama.”

LOW RATINGS. Ano naman ang masasabi ni JM sa usap-usapan na ang mababang ratings daw ng Angelito ang dahilan kung bakit ito agad nawala sa ere?

“Ako, ginagawa ko kung ano ang in-assign sa akin.

“Kung may problema man sa ratings, hindi lang ako yun, kami yun, buong team yun—from the creative, directors…

“Kung iniisip ko rin yun, parang may block ka sa sarili mo, di lalabas na totoo.”

Ang Angelito ang isa sa iilang serye na ang bida ay lalaking artista, hindi kagaya ng karamihang soaps na sa bidang babae umiikot at nakatutok ang istorya.

Aminado si JM na sobrang pressure ang naranasan niya sa role sa Angelito mula sa simula pa lang hanggang sa huli.

Aniya, “Siyempre, nandun pa rin.

“Unang-una, hindi lang yung pangalan. Yung first time na nung nagsimula ako, nung dati pumipila lang ako sa projects, biglang nagkaroon ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin, ang hirap din niyang i-digest din.

“Gusto kong ibigay yung buong puso ko, lahat, pero siyempre hindi maiiwasan din na sa sobrang pressure, nagkakamali ka.”

Sobrang mami-miss daw niya ang mga nakasama rito.

“Nakakalungkot kasi yung pinagsamahan namin nung since Book 1, mahaba-haba, so nakakalungkot na matatapos na. Pero masaya din.

“Parang pangalawang pamilya ko sila. Yung kulitan, yung basagan…

“Si Jason [Francisco], nangungulit, yung direktor namin na ang dami kong natutunan.

“Basta lahat, sila Charee [Pineda], John [Prats], Kaye [Abad], si Felix Roco, sila Matt Evans, Direk Al Tantay, sila Tita Snooky [Serna]… lahat.”

SARILING MUNDO. Sa kabila nito, may usap-usapan na inirereklamo raw si JM ng mga kasamahan niya sa set dahil sa kakaiba niyang ugali bilang isang artist na parang may sariling mundo.

Paliwanag ni JM, “Hindi ko naman sila masisisi.

“Ako kasi, bago ako mag-start, sinugal ko na talaga, magri-risk ako.

“Sabihin na nila kung ano ang gusto nilang sabihin sa akin, ginagawa ko naman ito para sa kanila.

“As much as possible, gusto ko yung magawa kong proyekto, yung outcome nun, sigurado ko sa sarili ko na buong puso kong ibinigay at hindi ako natakot.

“Kung magkamali man, alam kong mapapatawad ako kasi maganda yung intensiyon ko.

"Hindi naman ako titigil na patunayan na maganda ang intensiyon ko, para din sa akin yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN