Rocco Nacino on possible romance with Lovi Poe: “Kung anuman ang mangyayari, hindi ko hawak yun."

Rocco Nacino on leading lady Lovi Poe: “She’s special, of course, siya ang ka-partner ko sa soap, and we’ve been good friends for three years na. Ang maganda dun, paganda nang paganda ang friendship namin, nakatulong yung show. Yeah, it’s great, always have a good time with her. Ang gaan niyang katrabaho, ang gaan sa set."


Naituturong dahilan ng breakup daw nina Rocco Nacino at Sheena Halili ang kapareha ng aktor sa afternoon soap na Yesterday’s Bride na si Lovi Poe.

Ayon sa lumabas na balita, pinagseselosan daw ni Sheena ang nakikitang closeness at sweetness nina Rocco at Lovi, na naging dahilan daw ng madalas na pag-aaway ng dalawa na nauwi sa hiwalayan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa Christmas party ng Kapuso network for the press last Thursday, December 13, na ginanap sa Studio 7 ng GMA compound.

Dito ay binigyang-linaw muli ng Kapuso actor ang pagkakadawit ng pangalan ni Lovi at ang tunay na estado ng relasyon nila ni Sheena.

Saad ni Rocco, “Walang kinalaman si Lovi dun.

“Walang hiwalayan, hindi naman kami ni Sheena.

“Yeah, may communication naman, puro out-of-town ang taping nila, so we don’t get to see each other much.

“Magkaibigan talaga kami ni Sheena. Everything is still the same.

“We have work, sa Angeles kami madalas, nakakauwi na ako mga 9 ng umaga. So itutulog ko na lang.

“May trabaho pa ako, tapos I’ll go to the gym pa, so wala akong vacant time.”

Hindi naman itinatago ni Rocco na lumalabas sila minsan ni Lovi.

“Yeah, umaalis kami. Yun ang maganda dun. Sa work nagkikita kami, sa labas nagkikita rin kami, kaya lalo kaming nagiging close.

“Dinner lang, kuwentuhan lang—minsan kami, pero mas madalas with friends.”

Aminadong special para sa kanya ang aktres, pero nilinaw ni Rocco na magkaibigan lang sila nito.

“Ay, hindi, hindi… we’re just friends.

“I don’t know, naniniwala ako, whatever happens, happens.

“Kung anuman ang mangyayari, hindi ko hawak yun.

“She’s special, of course, siya ang ka-partner ko sa soap, and we’ve been good friends for three years na.

“Ang maganda dun, paganda nang paganda ang friendship namin, nakatulong yung show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, it’s great, always have a good time with her. Ang gaan niyang katrabaho, ang gaan sa set."

YESTERDAY’S BRIDE. Masaya naman si Rocco sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa soap nila ni Lovi na Yesterday’s Bride.

“I’m really happy na mainit ang pagtanggap ng tao sa show namin.

“Kahit I can say na maganda yung ratings, na magagandang ang feedbacks ng maraming tao at mataas ang ratings—kulang pa, e.

“I want to reach higher pa. I want the whole show to reach higher pa.”

May pressure daw sa part niya ang pagbibida sa soap, pero isa raw itong magandang pressure para pagandahin pa nila ang show.

Marami pa raw dapat abangan ang publiko sa Yesterday’s Bride.

Sabi ni Rocco, “Naku, marami, marami…

“Parang nae-excite ako itong week and next week, kasi sobrang daming pasabog next week.

“Kaya sa mga scripts, excited akong magbasa.”

Ngayong hapon, December 16, ay magsasagawa ng charity work si Rocco sa Ward 7 ng Philippine General Hospital.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN