Jessy Mendiola says bouncing-check issue about her is "weird"

Ipinagtataka ng Kapamilya star na si Jessy Mendiola ang isyung tumalbog daw ang tsekeng pambayad ng kanyang bagong sasakyan. Sabi ni Jessy, “I make sure na wala akong tatalbog na tseke. I mean, I am paying a car, but I make sure I’m always on time, minsan nga earlier pa, e. Ang tita ko ang nagha-handle ng finances ko, yun lang. I have a new car, it’s a van, malapit na siyang matapos na bayaran. Takot ako sa mga ganyan, e.”


Isang isyung ipinupukol ngayon kay Jessy Mendiola ay ang pagtalbog daw ng dalawang tsekeng ibinayad niya para sa biniling bagong sasakyan.

Ayon sa balita ay inirereklamo raw ang Kapamilya young actress at ang pamilya nito ng kolektor ng RFC Radiowealth Financing Company, ang financing company na kinuhanan ni Jessy ng pambayad sa kanyang van.

Ayon pa sa report, pinuntahan pa sila sa dati nilang tirahan pero nakalipat na raw ang aktres at pamilya nito.

Kahit daw sa ABS-CBN ay hindi makausap si Jessy dahil hinaharang agad ito ng guard at nagsasabing hindi raw basta-basta nakakausap ang mga artista doon.

Sa nakaraang feeding program ng Star Magic sa Quezon Memorial Circle ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy.

Labis ang pagtataka ng aktres sa lumabas na balita.

Aniya, “Ang weird naman!

“Sana kung mayroon mang tinalbugan ng tseke, sana sa akin naman nakarating, ako yung tinawagan talaga.

“If ever naman na may tatalbog, hindi naman ako tatakbo.

“I make sure na wala akong tatalbog na tseke.

“I mean, I am paying a car, but I make sure I’m always on time, minsan nga earlier pa, e.

“Ang tita ko ang nagha-handle ng finances ko, yun lang.

“I have a new car, it’s a van, malapit na siyang matapos na bayaran.

“Takot ako sa mga ganyan, e.”

Totoo bang pinupuntahan daw siya ng ahente ng kinuhanan niya ng tseke, pero hinaharang daw ito ng mga guwardiya ng ABS-CBN?

Sabi ni Jessy, “If ever na pupunta sila ng ABS, if ever makontak nila ang handler ko, ang handler ko naman ang magsasabi sa akin.

“It’s so impossible. My handler is always there in ABS, my RM [road manager].

“If ever there is a problem, puwede nilang sa kanila masabi para ma-relay sa akin. Pero so far, wala pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s Star Magic, they can go there… Weird, ha.”

Ang Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na pinamumunuan ni Mariole Alberto, ang nagha-handle ng career ni Jessy.



MATTEO GUIDICELLI. Samantala, mainit namang tinatanggap ng publiko ang afternoon soap ni Jessy at ng kapareha niyang si Matteo Guidicelli sa ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents Paraiso.

Marami ang nakakapansin na ang mga roles nila sa Paraiso ay tila nag-level up sa magkapareha bilang leading lady at leading man.

Sabi ni Jessy tungkol dito, “Para kaming mag-best friend, magkapatid na ewan, na nagbibiruan kami.

"Pero nagiging vocal naman kami na, ‘Uy, Matteo, yung buhok mo ngayon. Uy, ganito ka.’

“Kami kasing dalawa, nagko-contest kami, ‘O, may gym sa ibaba, tara takbo tayo.’ Nagiging healthy yung lifestyle namin.”

JM DE GUZMAN. Tinanong din ng PEP si Jessy kung anong suporta ang ibinibigay niya sa nali-link sa kanyang si JM de Guzman.

Napabalita kasing nasaktan daw ang young actor sa pagtatapos agad ng afternoon soap nitong Angelito, Ang Bagong Yugto.

Sabi ni Jessy, “Ang alam ko, after Angelito, may gagawin siya.

“Nakita ko siya nung Star Magic Gives Back concert. Sabi ko, ‘Uy, mag-e-end na ang Angelito pero may movie ka, yung Pedro Calungsod.’

“Sabi niya, ‘Oo nga, e.’ After naman ng Angelito, may kasunod namang trabaho.”

Hanggang ngayon ba ay nakakalabas pa silang dalawa ni JM?

Sabi ni Jessy, “Hindi ako makalabas ngayon…

“Kahit sila Matteo nag-aaya, hindi ako makasama kasi sobrang busy namin sa PHR, naghahabol na kami, so walang time.”

Pero special pa rin ba sa kanya si JM?

“Oo naman, he’s special.

“JM is a very good person, I think mayroon talaga siyang mararating sa life niya, sana lang mag-focus siya sa work niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN