Dennis Trillo on TV5 and ABS-CBN as possible networks after his contract expires with GMA-7: “Okay lang sa akin... Siguro mas pipiliin ko, ABS.”

Dennis Trillo on his dream role: “Gusto kong magkaroon ng role na… medyo nagsawa na ako sa role na may dalawang babae tapos ako lang yung lalaki. Gusto ko naman siguro sa susunod na magkaroon ako ng role na ako naman yung obsessed, na parang… yung baliw, obsessed na naghahabol sa babae. Iyon yung gusto ko, na parang obsessed ako dito, parang mabaliw-baliw ka na dun sa isang tao..."


Isang taon na lang ang natitira sa kontrata ni Dennis Trillo sa GMA-7.

Magre-renew ba siya, o may chance na lumipat siya sa TV5 o bumalik sa ABS-CBN? Nire-recruit ba siya ng ibang istasyon?

“After ng contract na yun, siyempre may mga negotiations, e. So, hindi ko pa alam.

“Marami pang puwedeng mangyari sa isang taon, so tingnan na lang natin,” pahayag ni Dennis nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Paano kung magdesisyon ang manager niyang si Popoy Caritativo na ilipat siya sa TV5 or ibalik siya sa ABS-CBN?

“Okay lang sa akin... siguro mas pipiliin ko, ABS,” sagot ng aktor.

So, babalik siya sa ABS-CBN?

“Siguro, kung sakali.”

Bakit sa ABS-CBN at hindi sa TV5, na balitang mas malaki ang bayad sa mga artista?

Sabi ni Dennis, “Oo nga, pero ano kasi, e, siyempre yung iisipin mo, yung mileage mo bilang artista.

“Maganda yung mga nangyayari sa ABS, di ba? Shows nila, maraming nanonood.

“So, baka iyon, kung sakali.”

Kasalukuyang napapanood si Dennis sa primetime series ng GMA-7 na Temptation of Wife.



CHRISTMAS WITH CALIX. Tinanong din ng PEP si Dennis kung paano siya magse-celebrate ng Pasko, lalo na ngayo’t single siya ulit dahil break na sila ni Bianca King.

“Christmas, ano lang din, same as last year.

"Kasi, every year, tradition naman ng pamilya na gawin kung ano yung nakaugalian taun-taon. Na bisitahin lang yung mga relatives, sa father side, sa mother side. Kakain kami dun.”

Christmas Day ay sinusundo niya raw si Calix, na anak nila ni Carlene Aguilar. December 24 ay kay Carlene ang bata.

Ano naman ang ireregalo niya kay Calix?

“Iniisip ko pa kasi halos lahat ng mga toys, meron na siya, ang dami ko nang nabigay.

“So, meron siyang ni-request sa akin, na gusto niyang mag-camping, ma-experience yung outdoors, matulog sa tent, kaming dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi dati, ginagawa namin yun ng daddy ko. So, parang ngayon, gusto kong ma-experience niya yung outdoors.

“Kasi, lagi ngayon na exposed siya sa mga games, sa mga TV, cartoons, gusto ko maramdaman niya din yung enjoyment kahit wala yung mga bagay na yun, di ba?

“Gusto kong maghanap ng isang lugar na ano, e, may body of water—like beach or waterfalls—kung saan puwedeng mag-camp kasi mahilig din siya mag-swimming.”

JENNYLYN MERCADO. Kumusta na sila ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado? Magkaibigan na ba sila?

“Okay na naman,” maikli niyang tugon.

Kailan sila huling nagkita?

“Hindi ko na maalala, e. Usually pag Party Pilipinas, nagkikita kami.”

Maganda ang takbo ng relasyon ni Jennylyn sa boyfriend nitong si Luis Manzano. Ano ang masasabi niya rito?

“Okay lang… wala akong masyadong alam!” ang natatawang reaksyon ni Dennis.

Willing ba siyang makatrabaho si Jennylyn sa movie or TV project.

“Kung meron sigurong magandang project.”

Kung pelikula na silang tatlo nina Luis at Jen, tatanggapin niya?

“Hindi ko alam—baka, siguro.”

DREAM ROLE. Ano ang dream role ni Dennis?

“Gusto kong magkaroon ng role na… medyo nagsawa na ako sa role na may dalawang babae tapos ako lang yung lalaki.

“Gusto ko naman siguro sa susunod na magkaroon ako ng role na ako naman yung obsessed, na parang… yung baliw, obsessed na naghahabol sa babae.

“Iyon yung gusto ko, na parang obsessed ako dito, parang mabaliw-baliw ka na dun sa isang tao...

“Medyo may pagka-stalker, mga ganun naman, para maiba naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN