CHRISTMAS FORUM: Jake Cuenca, Sam Milby and other kapamilya stars share their Yuletide plans

Kapamilya stars take time off to celebrate Christmas with their families.


Ngayong araw, ipinagdiriwang ng bawat Pilipino ang Pasko.

Ito ang isa sa pinakaaabangang pista ng bawat Pilipino pagkat panahon ito ng pagkakasama ng buong pamilya.

Para naman sa mga celebrities, bihirang pagkakataon ito upang makapag-break sa makamundong showbiz at makapagpahinga kasama ang kani-kanilang pamilya.

At habang busy ang lahat sa kanilang plano ngayong Pasko, alamin naman natin kung paano ito ipinagdiriwang ng ating mga idolo.

ERIK SANTOS. Kilala si Erik Santos sa pagiging sobrang malapit sa kanyang pamilya, lalo na sa mga magulang. Taon-taon, sinisigurado nila na buo ang kanilang pamilya tuwing Pasko.

Ani Erik, “Siyempre, Noche Buena, sabay-sabay kami kumain.”

“With family, as in sa Pasko talaga, kasi every Christmas talagang nagfa-family reunion kami and sa family reunion may mga games.”

ROBI DOMINGO. Kung nakapagpahinga si Robi Domingo last Christmas, mukhang busy naman ang kanyang Pasko ngayon dahil sa trabaho. Out of the country vacation sana ang plano nila ng kanyang pamilya.

“Before, we were hoping to go on an Asian cruise pero there are some commitments na binigay ng ABS-CBN para sa ‘kin so I would have to stay here and, you know, do my job.”

Hindi man natuloy ang kanilang bakasyon, sapat na raw ang makumpleto silang magkapamilya ngayong Pasko.

“The thing with a family is it’s a great thing already.”

Aniya pa, “Hindi na kailangan ng mga kahit anong regalo para, alam mo yun, para pasayahin ka sa Pasko.

“Kailangan mo lang yung kapamilya mo.”

JESSY MENDIOLA. Gaya ni Robi, bakasyon grande rin sana ang balak ni Jessy Mendiola ngayong Pasko ngunit hindi muna raw ito matutuloy dahil sa kanyang trabaho.

Ayon kay Jessy, “Gusto ko magbakasyon sa ano, e, kahit three days lang with my family.

“Gusto ko puntahan Morroco, out of the country talaga.”

“Ngayon, ang dami ko kasing work, so baka ma-hold muna ang vacation.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman kaya ang pinakaaabangan niya tuwing Pasko?

“Gift-giving siyempre, tapos may mga socks, dun nilalagay yung gifts, ganyan, the usual. Very Filipino naman ang aming Pasko.”

GERALD ANDERSON. Pinoy style naman ang Pasko ni Gerald Anderson kasama ang kanyang pamilya.

“Dito lang ako sa Pinas, siyempre kasama ko yung pamilya ko, of course, and yung Noche Buena magse-celebrate.”

Dagdag pa niya, “Basta magkasama kami kahit ano man yung ginagawa namin siguro, kasi iba-iba minsan, e, minsan nagdidinner lang kami, minsan nag-a-out of town kami, so it depends, basta magkasama lang kami ng [pamilya].”

Anong inaabangan niya tuwing Pasko?

“Gift-opening siyempre, gift opening,” buong galak niyang sinabi.

SAM MILBY. Espesyal naman ang araw na ito para kay Sam Milby dahil unang beses na ipagdiriwang ng kanyang ama ang Pasko sa Pilipinas.

Aniya, “Magpapasko yung Dad ko, so first time na magkasama kaming buong pamilya dito sa Pilipinas. Ayun, my Mom is here na.”

Kuwento pa ni Sam, nakapagbakasyon na rin sa bansa ang kanyang ama. “Last time he was here, he went to with my Mom to El Nido, Palawan.

“Wala silang ginawa e, kasi my Dad was nag-relax lang talaga, he’s 78 na pero malakas pa rin.”

JAKE CUENCA. Laking pasasalamat naman ni Jake sa lahat ng projects na natanggap niya ngayong taon. Kabilang diyan ang paggawa ng dalawang teleserye nang sabay. Kaya naman, ngayong Pasko nais ni Jake na makapagpahinga siya.

Kuwento ni Jake, “Baka umalis ako, I’m planning to leave kasi rest day ko nun. It’s either, baka Asia lang and kung sakali baka mag-Europe.”

“Konti lang, meron lang akong one week. Again, I need that time alone, kasi it’s been a very busy year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN