Bea Binene on her detractors: “Kung yung pagpapatawad…siguro. Ako, I’m moving on—I’ve moved on—hindi ko na iniisip yun.”

Aminado si Bea Binene na hindi talaga siya singer pero pumatok ang kanyang unang music album. Paliwanag niya: “Siguro lang po, himala po na nabigyan ako ng chance and opportunity, and it’s a blessing po talaga. Tapos nagka-award pa siya, nag-gold, tapos nag-platinum.”


Nag-platinum na sa second release ang Hey, It’s Me! Bea ni Bea Binene, under Galaxy Records, pagkatapos nitong mag-gold sa unang release.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bea sa backstage ng Party Pilpinas ng GMA-7 studio nitong nakaraang Linggo, December 16.

Dito ay sinabi ng young actress na umabot na sa mahigit 15,000 copies ang benta ng kanyang album pagsapit ng Disyembre.

“Kasi po, ito po yung Christmas edition," simulang paliwanag ni Bea tungkol sa pagkakaroon ng platinum award ng Hey, It’s Me! Bea.

“Meron pong nadagdag na dalawang Christmas songs doon sa dati ko pong album, isa po yung ’Miss Kita Kung Christmas.’

“Sumakto po talaga yung song dahil nga po Pasko, at nagustuhan naman noong mga nakarinig ng kanta, kaya bumili po sila.”

Ngayong certified platinum record-awardee na siya, ano na ang susunod na magiging kaganapan sa kanyang singing career?

“Gagawa na po kami ng bagong album," balita niya.

"Pero pinaplano pa po yung magiging content or yung mga songs na ilalagay.

“Kasi yung unang album ko po, puro mga revival po. Mga next year po ilalabas.

“Siguro po, malalaman ko yung content mga January or February po.”


CHRISTMAS BLESSING. Sunud-sunod ang blessings na natatanggap ni Bea sa kanyang career, regalo ba ito sa kanya ng Diyos para sa mga samut-saring isyu na pinagdaanan niya nitong 2012?

Tugon niya, “Siguro po. Kasi po, I wanted rin po talaga to be a singer. I wanted to have an album. Pero I didn’t expect it.

“Kasi po siyempre, di ba? Hindi naman po ako singer. Bakit ko naman ie-expect na magkaroon ako ng album?

“Siguro lang po, himala po na nabigyan ako ng chance and opportunity, and it’s a blessing po talaga.

“Tapos nagka-award pa siya, nag-gold, tapos nag-platinum.

“I don’t... if you can call it parang regalo from God. Pero siguro po, kasi hindi naman biro yung mga issues sa akin before, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Bea na masayang-masaya siya sa kanyang career ngayon dahil pareho siyang nag-e-excel sa music at acting.

Sa January pa matatapos ang serye niyang Cielo De Angelina, pero nagte-taping na siya para sa guest role sa epicserye na Indio starring Senator Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Sa teen stars ng GMA-7, nangunguna ang pangalan ni Bea, bilang pinakasikat sa mga ito.

“Masaya po talaga ’ko. I’m very, very thankful po ako. Nagpapasalamat ako nang sobra.

“Honored po ako, overwhelmed. Hindi ko ma-explain yung pakiramdam ko.

“Kasi hindi po talaga lahat nabibigyan ng ganitong chance.

“Nagpapasalamat ako sa GMA, sa mga fans ko, sa PolyEast, sa lahat ng mga taong sumusuporta sa akin.

“Hindi naman magiging ganito kaganda yung career ko kung hindi dahil sa paniniwala nila sa akin at support nila sa akin.

“Sana lang po talaga, magtuluy-tuloy lang, at ipinapangako ko na pagbubutihin ko pa po yung trabaho ko.”


FORGIVEN. Napatawad na ba niya yung mga taong gumawa ng issue o kasalanan sa kanya?

“Ahm… kung iisipin ko pa po sila, masyado na akong maraming blessings na dumarating sa akin para isipin pa sila.

“Parang ang daming mga positive na nangyayari sa akin para isipin pa sila.

“Kung yung pagpapatawad… siguro. Ako, I’m moving on—I’ve moved on—hindi ko na iniisip yun.

“Siguro po talaga, part po yun ng mga pangyayari na dapat kong pagdaanan dito sa career na pinasok ko.

“Basta, I’m happy, I’ve moved on and I’m looking forward para po sa mga projects na gagawin ko pa po next year.”

Ano ang plans niya this Christmas?

“Ahm…nag-iisip pa po kami kung ano yung para sa fans.

“Pinaplano namin na mag-outing with the fans anywhere. Baka sa [December] 22 or 23 po.

“Sa mismong Christmas, sa bahay lang po, kasama ng family. Hindi naman po kami nagmi-miss na magsama every Christmas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DAD’S PROBLEM. Matagal nang hiwalay ang nanay at tatay ni Bea. Kasa-kasama ngayon ng young actress ang kanyang ina at mga kapatid.

Kumusta na ba ang papa niya?

“Okey naman po. Sobrang… we’re very, very okay. Sobrang okey po kami.

“Nagpupunta si Papa sa bahay, doon kami kumakain.

“Hinahatid ako ni Papa sa mga shows ko. Naggo-grocery kami ni Papa. So, mga ganoon.”

Sa pagkakaalam namin at base sa bali-balitang nasagap namin, may pinagdadaanan daw ang kanyang ama, na may kinalaman sa investment nito na natangay ng pinagkatiwalaang tao.

“Actually, he’s not okay,” pagkumpirma ni Bea.

“He’s not okay…he’s problematic. Sobrang lungkot niya ngayon.”

Paano niya sinusuportahan o tinutulungan ang papa niya sa situwasyon niya ngayon?

“Tinutulungan namin siya kapag nakikita naming malungkot siya.

“Pinasasaya namin, binibigyan namin siya ng moral support.

“We try to make him happy and kalimutan niya yung kung ano yung iniisip niya.

“Tinutulungan ko siya sa mga kung ano ang kailangan niya at kung ano ang kailangan niyang gawin.

“Tapos, siyempre, nandito kami ni Denise [younger sister ni Bea] bilang family niya, bilang anak niya, para kahit paano mapasaya siya.

“Kasi, kapag umaalis kami, kasama siya. So, napapasaya naman namin siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN