Cristine Reyes on Rayver Cruz replacing Joross Gamboa in Bukas Na Lang Kita Mamahalin: “Wala ako sa posisyon. Hindi ako gagawa ng kahit anong bagay para magpatanggal ng kahit sinuman.”

Itinanggi ni Cristine Reyes ang mga bali-balitang ipinatanggal niya si Joross Gamboa sa upcoming teleserye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, at ipalit dito ang nobyo niyang si Rayver Cruz. “Iyon din ang ’kinakasama ng loob ko. Bakit kami isinasabit ni Rayver? Nananahimik kaming dalawa. Hindi po ‘yon totoo, kasi ang role ni Rayver, sa kanya talaga ‘yon,” wika ng Viva actress.


Ang tuluy-tuloy na blessings sa kanyang career ngayong 2012 ang isa sa maraming bagay na ipinagpapasalamat ni Cristine Reyes.

Una na rito ang primetime drama series na Dahil sa Pag-ibig, kung saan kasama niya sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, at Maricar Reyes.

May cameo role din siya sa pelikulang The Reunion, na pinagbidahan nina Xian Lim, Enchong Dee, Enrique Gil, at Kean Cipriano.

Kasama rin siya sa 38th Manila Film Festival (MMFF) entry na El Presidente, kung saan katambal niya si Governor ER Ejercito.

Bukod pa rito, kabi-kabila ang kanyang endorsements, at bago magtapos ang taon ay humabol pa ang Calayan Surgical Corporation sa listahan ng mga endorsements na hawak niya.

“Wala na akong mahihiling pa, sobrang blessed na ako!” wika ni Cristine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Enetrtainment Portal) kagabi, Disyembre 17, sa Christmas Party at endorser launch ng Calayan sa Hotel Intercon sa Makati City.

CONTINUALLY REACHING OUT. Samantala, sinasabi ng marami na ang Pasko ay ang magandang panahon upang makipag-ayos sa mga taong nakasakitan ng loob.

Matatandaang nitong Abril, umabot sa demandahan ang hindi pagkakaunawaan ni Cristine at nakatatanda niyang half-sister na si Ara Mina.

Ito’y kaugnay ng paninira umano ni Cristine kay Ara sa kanilang mga kamag-anak, at gayundin ang kanyang pananakot umano sa kanyang kapatid sa pamamagitan ng text messages.

(CLICK HERE for related article.)

Kaya naman tanong ng isang miyembro ng press kay Cristine, itong Pasko rin kaya ay magkaayos na silang kapatid?

“Kahit naman hindi Pasko o New Year, dapat talaga mag-reconcile,” nakangiting sagot ng aktres.

“Kasi para naman ‘yon sa ikabubuti ng lahat, para hindi naman mabigat sa dibdib.

“Kaya hindi mo dapat hintayin ang Pasko o New Year para mag-reconcile.”

Hindi naman daw tumigil si Cristine mag-reach out kay Ara.

Pero tila hindi pa ito handang kausapin siya, kung kaya hinihintay na lamang daw ni Cristine na “mag-soften ang heart niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PACKAGE DEAL? Samantala, dumako naman ang usapan sa balitang diumano’y pinatanggal ni Cristine si Joross Gamboa upang maipasok ang nobyong si Rayver Cruz sa upcoming teleserye niyang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Ayon kasi sa kumakalat na balita, ang role daw ni Joross sa teleserye ay napunta kay Rayver dahil ito ang kagustuhan ng aktres.

Makakasama nila dito si Gerald Anderson.

Naging seryoso ang mukha ni Cristine nang dumako sa usaping ito, at mariing itinanggi ang kumakalat na balita.

Aniya, “Ngayon lang ako magsasalita dito.

“Iyon din ang ’kinakasama ng loob ko. Bakit kami isinasabit ni Rayver? Nananahimik kaming dalawa.

“Hindi po ‘yon totoo, kasi ang role ni Rayver, sa kanya talaga ‘yon.

“Ang role ni Joross, alam ko, ‘yong role ni Thao [Reyes]. So hindi ko alam bakit ako nadawit sa issue.”

Dinagdag pa ng aktres na kung sila nga ni Rayver ang tatanungin ay ayaw nilang magkasama sila sa iisang teleserye.

“Kasi nananahimik kaming dalawa,” wika ni Cristine.

“Nagpaalam sa amin ang unit ni Sir Deo [Endrinal] kung puwede daw si Rayver.

“Kasi sabi namin ni Rayver, last na ‘yong Reputasyon na magkatrabaho kami, para mayro’n naman kaming separate work, di ba?

“Talagang nanindigan kami na, ‘Sir Deo, ‘wag na,’ sabi namin, ‘ayaw po talaga namin na magkasama kami sa work.’"

Ang Repustasyon (2011) ay ang afternoon drama series na pinagbidahan ni Cristine, kasama ang nobyong si Rayver at si Jason Abalos.

Pagpapatuloy ni Cristine, “Pero since na nag-i-insist sila and wala silang mahanap, si Rayver lang talaga ‘yong fit for the character, so sino ba naman kami para kumontra, di ba?

“Kaya hindi talaga puwede ‘yong sinasabi nila na role ‘yon ni Joross.”

Nabanggit naman ni Joross sa panayam ng PEP ang isang dahilan kung bakit siya nawala sa teleserye.

Pagbabahagi ng aktor, “Sinabi na nila sa akin, sinabi sa akin ng manager ko, si Kuya Noel [Ferrer]... Ang sabing dahilan, hindi pa raw ready [si Cristine] na ako ay makatrabaho.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE for related article.)

Ngunit sinabi rin ni Joross na natanggap na niya ito at okay naman sila ni Cristine, bagay na sinang-ayunan ng aktres.

Pero itinanggi ni Cristine ang sinabi ng aktor na ang dahilan ng pagkakatanggal ng binata ay dahil hindi pa handa ang aktres na makatrabaho siya.

Ani Cristine, “Hindi ko talaga alam saan galing ‘yon.

"And wala ako sa posisyon. Hindi ako gagawa ng kahit anong bagay para magpatanggal ng kahit sinuman.

“Kasi bilang artista, masakit ‘yon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN