Zanjoe Marudo gets inspiration from girlfriend Bea Alonzo

Zanjoe Marudo says he never competes with girlfriend Bea Alonzo when it comes to their respective career. He explains, “Hindi ko naman iniisip na gusto kong maging mas magaling sa kanya. Ang kalaban ko naman ay ang sarili ko."


Mula sa nakakatawang episode nila ng girlfriend na si Bea Alonzo sa 24/7 In Love, susunod na mapapanood si Zanjoe Marudo sa dramatic film na One More Try, entry sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Sa press conference na inihanda ng Star Magic para kay Zanjoe kahapon, December 17, sinabi nitong mainam ang pagsi-shift niya sa comedy at drama para maipakita sa mga tao ang kakayahan niya sa pag-arte.

“Kung mag-work siya, maganda para sa akin, magkadikit na magkadikit. Makikita ng mga tao yung mga characters ko,” sabi ni Zanjoe.

Aminado ang 30-year-old Kapamilya actor na napalaban siya sa pag-arte sa mga kasamahan niya sa pelikula kahit na maituturing na ito ang una niyang drama movie.

Kasama niya sa cast ng One More Try sina Angel Locsin, Angelica Panganiban, at Dingdong Dantes—na pawang nanalo na ng acting awards.

Talaga raw pinagbutihan na ni Zanjoe dahil, aniya, “Unang-una, ako yung hindi sanay sa ganitong klase ng project at yung tatlo, kilala na natin na magagaling talaga at mahuhusay pagdating sa mga ganyang klase ng pelikula.

“Nakakatuwa na nagtiwala yung Star Cinema, yung direktor ko, na kaya kong gawin yung role na ibinigay nila.

“Ayaw ko namang maging huli na ito.

“Binigyan ninyo ako ng opportunity, gagamitin ko na.

“Tutal uhaw na uhaw na naman ako sa mga ganyang uri ng project.

“Matagal na rin akong naghihintay na masali sa mga ganyan.”



BEA ALONZO’S REACTION. Para sa ilan, nakikita nilang magandang impluwensiya para kay Zanjoe ang girlfriend niyang si Bea Alonzo, lalo na pagdating sa pag-arte.

Sabi ng aktor tungkol dito, “Magandang bagay ‘yon kung totoo yung mga ganung nangyayari.”

Naikuwento rin ng Banana Split mainstay na, “Si Bea, siya yung isang taong nae-excite, e, kapag may mga magagandang nangyayari sa akin. Una siya sa mga natutuwa.”

Kaya naman excited daw si Bea na panoorin ang One More Try sa darating na Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gandang-ganda siya sa trailer,” sabi ni Zanjoe.

“Excited na siyang panoorin dahil bago nga ang istorya.

“Magse-set nga kami ng isang araw kasama ang family and friends para panoorin ito kasi ayaw rin niya palampasin ito.

“Excited din siya dito sa movie na ito.

“Sa 24/7, lagi niya akong pinupuri.”



NO COMPETITION. Bagamat pareho silang artista ng kanyang girlfriend, wala naman daw nagaganap na kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa.

Ani Zanjoe, “Ako kasi naman, parehas lang naman kami ng gustong mangyari, e.

“‘Yon ang maganda, hindi yung parang nagkukumpetisyon kami.

“Gusto niyang maging magaling sa bawat ginagawa niya.

“Ako rin, gusto kong maging magaling sa bawat ginagawa ko.

“Hindi ko naman iniisip na gusto kong maging mas magaling sa kanya.

“Ang kalaban ko naman ay ang sarili ko.

“Siyempre, nag-uusap kami, nagko-comment kami sa mga trabaho namin.”

Bukod sa trabaho, sinabi rin ni Zanjoe na naging magandang impluwensiya sa kanya si Bea pagdating sa pananaw niya sa buhay.

“Si Bea kasi mataas ang pangarap, so nakaka-inspire na kasama ka.

“Hindi siya okay na sa ganito, okay na sa gano’n.

“Mataas ang pangarap na kailangan mong sabayan. Hindi naman sabayan... parang suportahan.

“Puwede ka rin naman palang mangarap…

"Ako kasi, napakasimple ko. Ako, okay na ako sa simpleng buhay.

"So, nagma-match kaming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN