Marian Rivera plays Santa Claus to people close to her

Ano ang gustong iregalo ni Marian Rivera sa kanyang sarili ngayong Pasko? Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Actually, hindi pahinga. Yung tipong ma-relax ko yung sarili ko, makapagpa-facial ako, makapagpa-dentista ako, alam mo yung ganun? Yung tipikal na pampakiyeme lang sa sarili. Kumbaga sa kotse, renovation.”


Dahil Pasko, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian Rivera: Kung siya si Santa Claus, ano ang mga regalong ibibigay niya sa ilang malalapit na tao sa kanyang buhay.

Sa boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

“Bibigyan ko siya ng kahit three days na bakasyon kasi araw-araw din ang trabaho niya. Kawawa din yun… araw-araw.”

Saan niya pagbabakasyunin si Dingdong?

“Ay, nakalagay doon sa ticket niya, ’Anywhere!’

“Anywhere in the world, para mas masaya.”

Sa manager niyang si Popoy Caritativo?

“Kay Popoy? Hmmm… napaisip ako kay Popoy, a! Ano ba ireregalo ko?

“Lahat kasi nandoon na sa kanya. Ang hirap regaluhan nun, e.

“Hindi, kasi si Popoy ngayon, masaya naman siya. Yung lovelife niya… hmmm.

“Hindi ko alam kung may boyfriend siya, pero alam ko maraming nanliligaw sa kanya. Ay, patay ako! Ay!

“Basta masaya din kasi si Momsie [Popoy] ngayon, e, parang wala, e. Ang hirap!

“Palitan na lang yung cell phone niya, iPhone 5! Naka iPhone 4 siya, e."

Kay Dennis Trillo, na leading man niya sa Temptation of Wife at “kapatid” niya bilang talent ni Popoy.

“Siguro bibigyan ko sila ng moment nung anak niya, para makapag-bonding sila.”

In an interview, sinabi ni Dennis na gusto niyang makapag-camping sila ng anak niyang si Calix.

“Ayun, mag-camping sila para, at least, mas mapalapit sila sa isa’t isa.”

Kay Glaiza de Castro, na kasama niya sa Temptation of Wife bilang si Heidi?

“Kay Glaiza… Naku, isa pang stressed ‘yan sa buhay sa Temptation of Wife, kaya bakasyon din para sa kanya.”

Sa kaibigan niyang si Sheena Halili?

“Ay, dinner kaming dalawa. Madaldal kasi kaming dalawa, so sa isang dinner, marami kaming mapag-uusapan.”

Tatanungin ba niya si Sheena kung bakit break na ito kay Rocco Nacino? Bilang kaibigan ni Sheena, alam ba ni Marian ang rason?

“Mahirap sa akin manggaling. Sa kanya na lang,” matipid na tugon ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Katrina Halili?

“Siguro, more on ano… mas masaya pa, dahil alam ko noong nagka-baby siya, ang saya niya, e.

“Siguro, huwag mawala yung happiness niya dun sa anak niya at madagdagan pa yung anak niya.”

Kay Atty. Felipe Gozon, na big boss ng GMA Network?

“Fruits! Kailangan ng tao yun para maging stronger pa lalo.”

Kay Marian Rivera?

“Pahinga nga! One day lang.

“Actually, hindi pahinga. Yung tipong ma-relax ko yung sarili ko, makapagpa-facial ako, makapagpa-dentista ako, alam mo yung ganun?

"Yung tipikal na pampakiyeme lang sa sarili.

“Kumbaga sa kotse, ma-[tune up]...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN