Yassi Pressman on working with Judy Ann Santos: “Doon ko nakita na kahit malaking artista si Ate Juday, she still makes mistakes, yet she laughs at herself.”

Sa ginagawang indie movie ni Yassi Pressman, kasama si Sef Cadayona, inamin niyang nahirapan sila nang husto. Lahad niya, “Kaya we both studied the different choreographies na required sa mga scenes ng movie. Promise, ang hirap! Kasi, we are doing the dance numbers with professional dancers talaga.”


Masayang-masaya si Yassi Pressman dahil nakasama siya sa malaking cast ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO.

Ginagampanan ni Yassi sa pelikula ang papel na Winged Horse Sol, isa sa mga kasama ni Judy Ann Santos na gumaganap bilang si AKO or Angelina Kalinisan Orteza.

Kuwento ni Yassi tungkol sa kanyang role, “Kami po nila Sweet [John Lapus] at Ryzza Mae Dizon ang makukulit na mga diwata na kaibigan ni Ate Juday sa movie.

“Gusto kasi ni AKO na makasama sa tandem nina Agimat [Bong Revilla] at Enteng Kabisote [Vic Sotto]. Gusto niyang makasama sa mga adventures nila.

“Kaya kami nila Pink Kapre Che [Sweet] at Chichay [Ryzza Mae] ang gagawa ng paraan na mapalapit si AKO kina Agimat at Enteng Kabisote.

“Medyo may mga palpak kaming mga ginagawa na ikakapahamak ni AKO.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa press conference ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City last December 13.



MMFF PARADE. First time magkaroon ng pelikula sa MMFF si Yassi kaya excited siyang makasama sa Parade of Stars sa December 23, Sunday.

Sabi ng Party Pilipinas mainstay, “Wala pa ako sa showbiz, napapanood ko na sa TV noon ang Parade of Stars ng MMFF.

“Ngayon, makakasama na ako!

“Nakaka-excite kasi never kong naisip na I would be part of this very big movie project na bida sina Bong, Vic, at Juday.”

Masaya raw ang shooting nila ng pelikula at naramdaman ni Yassi ang pagiging mabait na tao ni Judy Ann Santos.

Kuwento niya, “First time ko kasing ma-meet si Ate Juday sa set ng movie.

“Noong una siyempre, nahihiya ako kasi nga she’s a very big star. Nakaka-intimidate siya.

“Pero noong mag-start na kami ng mga scenes namin, napakabait niya pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At masaya siya sa set kasi tawa siya nang tawa, lalo na kapag nagkakamali siya.

“Doon ko nakita na kahit malaking artista si Ate Juday, she still makes mistakes, yet she laughs at herself.

“Tapos when she gets to the set, parating maraming pagkain.

“She would always cook something for everybody on the set.

“Kaya nakakatuwa na makilala ko si Judy Ann Santos. She’s such a kind-hearted and generous person.

“Kaya hindi nakakapagtaka na marami siyang mga fans na mahal na mahal siya because she is such a down-to-earth person.”



INDIE MOVIE. Ibinalita rin ni Yassi sa PEP na may tinatapos siyang indie film titled Kaleidoscope, kunsaan kasama niya ang kapwa niya Kapuso na si Sef Cadayona.

Tungkol sa pagsasayaw ang naturang indie film na siyang expertise ni Yassi.

Natutuwang kuwento niya, “I really love to dance and noong i-offer nila sa akin ang role sa Kaleidoscope, I said ‘yes’ kaagad.

“Tapos si Sef pa ang makakasama ko... he is a really good dancer.

“Kaya we both studied the different choreographies na required sa mga scenes ng movie.

“Promise, ang hirap! Kasi, we are doing the dance numbers with professional dancers talaga…

“And some are members of cheerleading squads sa iba’t ibang schools.

“Kaya kailangan naming makasabay ni Sef since kaming dalawa lang ang hindi masasabing professional dancers.

“But because we both love to dance, nagagawa naming makasabay sa kanila.

“Nagpapaturo kami sa kanila sa mga mahihirap na steps.

“Thank God at nakukuha naman namin lahat at nabubuo namin ang isang malaking scene.”

Dahil ang Kaleidoscope ay hindi simpleng bagay na pagsasayaw kay Yassi, ang tingin niya rito ay isang career na kailangang seryosohin.

“Akala ko before magaling na akong sumayaw because bata pa lang ako, hilig ko na ang sumayaw.

“Pero noong mapasabay ako sa mga dance pros, dun ko na-realize na hindi pa pala ako ganoon kagaling—I need to know more about dancing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil nga sa movie na ito, I am thinking of enrolling in a professional dance class… to know more about movements—yung maging pro na rin ako someday.

“Gusto kong maging kasing galing ng mga sumasali sa So You Think You Can Dance at sa Dancing With The Stars.”

KONTRABIDA. Napapanood si Yassi bilang kontrabida ni Bea Binene sa morning series ng GMA-7 na Cielo de Angelina bilang si Rhoda.

Inamin ni Yassi na enjoy siyang gumanap na kontrabida pagkatapos niyang gawin ito noon sa Book 2 ng Luna Blanca.

“Medyo short lang ang pagiging kontrabida ko sa Luna Blanca… dito sa Cielo de Angelina, full blast na.

“I really enjoy doing my scenes lalo na kapag kasama ko si Bea.

“Before naman kami mag-shoot ni Bea, nag-uusap muna kami kung ano ang gagawin para aware kami sa mga mangyayari.

“After the take, nagtatawanan na lang kami, parang wala lang.

“In case na medyo nasaktan ko si Bea, physically, kasi minsan natutulak ko siya or nasasabunutan ko siya, nagso-sorry ako kaagad,” sabi niya.

Okay lang daw kay Yassi na i-buildup siya bilang kontrabida dahil idols naman niya ang mga tulad nina Jean Garcia at Cherie Gil.

“I love watching them do their thing. Ang galing-galing nila when it comes to being a villainess.

“Kaya if ever they build me up as a kontrabida, okay lang because gusto ko na para ngang sila Ms. Jean at Ms. Cherie.”

Pero marami silang gusto na makilala bilang kontrabida sa bakuran ng Kapuso network. Kabilang na rito ang close friends ni Yassi na sina Wynwin Marquez, na naging kontrabida sa Blusang Itim at One True Love; at Joyce Ching, na nagkontrabida naman sa Ikaw Lang Ang Mamahalin at Paroa.

Sabi ni Yassi, “Magaling silang dalawa. Iba naman ang pagkakontrabida nila.

“Like what you said, marami ngang gusto na ring maging villainess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang kasi the more the merrier.

“Kailangan lang na may kanya-kanya kami ng style para hindi magkakapareho.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN