Kapuso hunk Pancho Magno on receiving indecent proposals: “Kausapin na lang nila ang mommy ko! Sila ang mag-usap para sa negotiations!”

Panay ang papuri ni Pancho Magno sa kanyang direktor sa Magdalena na si Ms. Gina Alajar. Sabi niya, “Magaling mag-motivate si Direk Gina. Hindi ko rin inakala na sa laki kong ito, mapapaiyak niya ako sa mga eksena namin ni Bela [Padilla].”


Pagkatapos rumampa nang naka-underwear lamang ang Kapuso hunk na si Pancho Magno sa nakarang Bench Universe fashion show, wala naman daw siyang natatanggap na indecent proposals.

“Wala talaga, e. Kung meron man, sasabihin ko naman.

“Kaso wala, e. Feeling ko, takot sila sa akin.

“Siguro alam nilang hindi ako papayag kaya hindi na lang nila itinutuloy ang balak nila sa akin!” natatawang sabi ni Pancho.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pancho sa thanksgiving press conference ng GMA Afternoon Prime sa 17th floor ng GMA Network Center last December 17.

Ayon pa sa Magdalena actor, kahit noong hindi pa siya artista ay wala naman naglalakas-loob na lapitan siya o mag-offer ng indecent proposal.

“Siguro nga, hindi talaga ako lapitin ng mga ganyan.

“May mga lalaki or babae na lapitin ng mga indecent proposals talaga, di ba? Ako, hindi siguro.

“If ever na meron man, kausapin na lang nila ang mommy ko! Sila ang mag-usap para sa negotiations!” tawa ulit ni Pancho.

Ang "mommy" ni Pancho ay ang Assistant Vice president for Drama ng GMA-7 na si Ms. Redgie Acuña-Magno.



SURPRISED. Ikinatutuwa naman ni Pancho ang kakaibang role na ibinigay sa kanya sa afternoon series na Magdalena.

Akala niya noong una ay kontrabida lang siya sa serye, pero lumalabas ngayon na magiging ka-love triangle pa siya ng mga bidang sina Bela Padilla at Dion Ignacio.

Sabi ni Pancho, “Nagulat din ako kasi biglang pinag-drama ako sa Magdalena.


“Halos lahat na nga ng mga scenes ko pinagda-drama ako.

“Sa mga past series na ginawa ko—like Amaya, Broken Vow, at Kasalanan Bang Ibigin Ka—hindi mabibigat ang mga roles ko. Yung tamang-tama lang na kaya ko.

“Pero dito sa Magdalena, naiba lahat ng mga nalalaman ko about acting… bigla akong naging seryoso sa role ko.”



EXCEPTIONAL MENTORS. Nagpapasalamat si Pancho sa direktor nila sa Magdalena na si Gina Alajar dahil magaling daw ito sa paghawak ng kanilang mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magaling mag-motivate si Direk Gina,” papuri niya sa director.

“Hindi ko rin inakala na sa laki kong ito, mapapaiyak niya ako sa mga eksena namin ni Bela. Oo!

“At marami akong mga eksena na kailangan kong umiyak—as in may luhang tutulo.

“Nahirapan ako noong una, pero nagawa ko rin naman.

“Salamat sa mga tumutulong sa akin pagdating sa pag-arte.

“Isa nga sa mga masasabi kong malaki ang naitulong sa akin ay si Gabby Eigenmann.

“Idol natin ‘yan pagdating sa pagiging kontrabida… ngayon, bilang isang dramatic actor na.”



SERIOUS ACTOR. Kung noon ay parang subok lang kay Pancho ang pagpasok sa showbiz, ngayon ay parang marami na siyang gustong malaman tungkol sa acting.

Sabi niya, “Inaamin ko na hindi ako ganoon kaseryoso when I started acting for television.

“Parang subok lang ito, pero iba pa rin ang gusto kong gawin.

“But acting grows on you pala, unti-unti, parang gusto mo na siya—marami ka nang gustong matutunan pa.

“Kaya siguro nga, papunta na rin ako dun—yung pagiging seryosong aktor.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN