Senator Bong Revilla claims he and wife Lani Mercado lost a daughter because of contraceptives

Hindi pabor si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pagpasa ng Reproductive Heath Bill. Ang isang sinasabing dahilan ng senador ay dahil pumanaw ang kanyang anak na si Maria Alexandra sanhi ng kumplikasyon sa puso, bunga ng paggamit ng kanyang asawang si Representative Lani Mercado ng contraceptives bago niya ipagbuntis ang kanilang yumaong anak.


Tuluyan nang naipasa ang Reproductive Health Bill—o mas kilala sa tawag na RH Bill.

Kahapon, Disyembre 18, ay pumasa sa Kongreso (133-79) at Senado (13-8) ang RH Bill.

Ito ay matapos ng ilang buwang diskyusyon, hindi lamang sa pagitan ng mga mambabatas kung hindi maging sa Simbahan.

Ngunit sa proseso ng pagtatalo kung dapat nga bang apurbahan ang RH Bill o hindi, isang rebelasyon ang nagmula kay Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Ayon sa actor-politician, namatayan siya ng isang anak na babae dahil sa paggamit ng maybahay niyang si Cavite Second District Representative Lani Mercado ng contraceptives.

Pagbabahagi ng senador, “Lani and I lost a daughter due to a complication caused by the use of contraceptive pills.

“Her name was Maria Alexandra.

“She was born in 1990, ngunit 26 na araw din siya na buhay. Ipinanganak po siya na butas ang puso.”

Bago raw ipagbuntis ni Lani si Alexandra ay hindi ito nagmimintis sa pag-inom ng birth control pills.

Sabi pa ni Senator Bong, ang pangyayaring ito ay nagpapatunay na, “Hindi lamang po pumalpak yung pills, ipinanganak pa siya [Alexandra] na may malubhang karamdaman.”

Ito ang dahilan kung kaya’t, sabi niya, “I, in my good conscience, cannot vote in favor of the RH Bill.”

NOT THE FIRST TIME. Hindi ito ang unang beses na itinurong dahilan ang contraceptives sa pagkamatay ng isang sanggol, at ginawang argumento sa pagtutol sa pagsasabatas ng RH Bill.

Matatandaan na noong Agosto, naging emosyunal si Senator Vicente “Tito” Sotto sa kanyang privilege speech, matapos ikuwento ang pagkamatay ng limang-buwang anak na lalaki nila ni Helen Gamboa, na si Vincent Paul.

Katulad ng kaso ng anak ni Senador Bong, nagkaroon din daw ng kumplikasyon sa puso si Vincent Paul.

Ang itinurong dahilan daw ng kanilang doktor ay ang paggamit ni Helen ng contraceptives.

(CLICK HERE for related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NOT THE SOLUTION. Bukod sa pagpanaw ng kanyang anak, iginiit ni Senator Bong na hindi mabibigyang solusyon ng RH Bill ang ilang problema ng bansa.

Aniya, “Instead of building more schools, procuring more books and hiring more teachers to solve their education backlog, the RH Bill sees the solution in simply in reducing students, para mabawasan daw ang problema sa kalusugan, imbes na pag-ibayuhin ang serbisyong medical. Bawasan na lamang ang nangangailangan ng serbisyo.

“Para matugunan ang problema sa pabahay, sa halip na magpatayo ng bahay, bawasan na lang ang nangangailangan ng tahanan.

“Instead of government doing its job in addressing the needs of the people, let us just eliminate those who have needs.”

Sa huli, sinabi ng senador na ang kanyang boto ay “bilang tinig ng mga mamamayan na nasasapawan ang boses.

“More importantly, I stand, Mr. President, as the voice of the unborn child.

“[Ang] akin pong boto ay dikta ng aking konsensya at sa aking paninindigan kung ano ang tama.”

BONG’S SPEECH. Narito ang kabuuang speech ni Senator Bong Revilla Jr. kagabi, Disyembre 17, bilang pagkontra sa pag-aapruba ng RH Bill.

“May kaniya-kaniya po tayong paniniwala at paninindigan sa usaping ito. Mayroon po kayong opinyon, at mayroon din po ako. Ang mahalaga, respetuhin natin ang opinyon ng bawat isa. Magtiwala po tayo sa ating sistema, na ang kalalabasan ng botohang ito ay makakabuti para sa ating bansa. Having said that, Mr. President, I, in my good conscience, cannot vote in favor of the RH Bill.

“Hindi ko po matatanggap na sa pamamagitan ng batas na ito, ang sanggol na walang kalaban-laban, na hindi pa ipinapanganak ay sisintensiyahan na natin ng kamatayan. Life is a gift, a blessing, Mr. President, not a curse. I say this because of experience.

“Lani ang I lost a daughter due to a complication caused by the use of contraceptive pills. Her name is Maria Alexandra. Ipinanganak po siya noong 1990, ngunit dalawamput-anim na araw lamang po siya nabuhay. Ipinanganak po siya, Ginoong Pangulo, na butas ang puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before Lani gave birth to her, she properly and religiously [was] taking pills. Hindi lamang po pumalpak ‘yong pills, ipinanganak pa siya na may malubhang karamdaman.

“Up to this point, Mr. President, I still think of what could have been of my daughter Alexandra.

“Mr. President, dito lamang po sa bulwagang ito, tatlo sa dalawamput-apat na senador ang nawalan ng anak, dahil sa komplikasyon dulot ng kontrasepsyon. Sa bilang na ito, halos lahat ay dahil sa diprensya sa puso.

“I do not believe, Mr. President, that the RH Bill will deliver any of its promises, the way they sense them out. There is a saying that you can only bring the horse in the water, but you cannot force the horse to drink.

“Gagastos po ng bilyung-bilyong piso para bumili ng contraceptives, pero hindi naman natin maisisiguro na gagamitin ito. At kung gagamitin man ang mga ito, wala namang kasiguraduhan na makakamit ng programa ang nilalayon nito— ang pigilan ang paglago ng populasyon upang mabawasan ang kahirapan.

“Instead of building more schools, procuring more books and hiring more teachers to solve their education backlog, the RH Bill sees the solution in simply reducing students, para mabawasan daw ang problema sa kalusugan, imbes na pag-ibayuhin ang serbisyong medical, bawasan na lamang ang nangangailangan ng serbisyo. Para matugunan ang problema sa pabahay, sa halip na magpatayo ng bahay, bawasan na lang ang nangangailangan ng tahanan. Instead of government doing its job in addressing the needs of the people, let us just eliminate those who have needs.

“Naiintindihan ko po, Ginoong Pangulo, na kailangan po nating kumilos para tugunan ang mga problema ng bayan. Ngunit, Ginoong Pangulo, kailanman ay hindi ako makapapayag na sabihin na ang problema ng bayan ay ang sarili niyang mamamayan.

“Kaya naman, Ginoong Pangulo, tumayo po ako sa inyong harapan at sa inang bayan bilang tinig ng mga mamamayan na nasasapawan ang boses. More importantly, I stand, Mr. President, as the voice of the unborn child. Akin pong boto ay dikta ng aking konsensya at sa aking paninindigan kung ano ang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mr. President, I vote no to RH Bill.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN