Paulo Avelino does not consider himself a "threat" to other Kapamilya actors

Ipinagtanggol ni Paulo Avelino ang sarili sa isyung lumaki na raw ang ulo niya matapos ng matagumpay niyang pagganap sa Walang Hanggan. Sabi ng Kapamilya actor, "If it’s siguro, someone wants to take a picture at nagmamadali, ako naman, I try my best to have a picture. Minsan naman, may kailangang puntahang work. E, ako, I drive. I don’t have a driver. Minsan, nagmamadali talaga.”


Maraming mga isyu na ikinakabit ngayon sa Kapamilya actor na si Paulo Avelino.

Walang duda na nagsimula ang mga negatibong isyung ito nang mabigyan si Paulo ng malaking break sa nagtapos nang primetime series na Walang Hanggan, kunsaan unang napansin ang kakayahan niya bilang isang aktor.

Sabi nga ng iba, kung hitik ang bunga ng isang puno ay pilit itong babatuhin.

Sa live interview sa kanya ng The Buzz noong Linggo, December 16, sinagot ni Paulo ang ilan sa mga isyung ito.

Ang unang itinanong sa kanya ay ang sinasabing “threat” siya sa ilang Kapamilya actors.

Sagot ni Paulo dito, “Sa akin, parang hindi naman po dahil, kumbaga, tulad ng sabi ko nga po, ang dami ko pang kakaining bigas para pumunta sa level ng husay nila sa pag-arte.”

May isyu rin kay Paulo na namimili na raw siya ng projects na gagawin at tatanggapin.

Sagot niya rito, “Yun po, I think, actors, there are no small roles or big roles for them.

“But yung sa nangyayari po ngayon, medyo magulo rin po kasi ang schedules, medyo puno rin po.

“So, I had to say no rin po sa mga projects na gusto kong gawin.”

Mas choosy ba siya sa mga roles na ginagawa niya ngayon?

"Scheduling matters po, hindi na po talaga kayang gawin," pag-ulit niya.

Ano yung mga roles na pina-prioritize niyang gawin?

“Well, sa akin, as of now, konti pa lang ang nao-offer, e. So, I don’t really get to choose that much.

“Drama, but I just want to do something different all the time.”

Nandiyan din ang isyung lumaki na raw ang ulo niya. Ano ang reaksiyon dito ni Paulo?

Sabi niya, “Hindi ko kasi alam kung ano ang specific matter.

“Like what I said kanina, if it’s siguro, someone wants to take a picture at nagmamadali, ako naman, I try my best to have a picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan naman, may kailangang puntahang work.

“E, ako, I drive. I don’t have a driver. Minsan, nagmamadali talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN