Melai Cantiveros not affected by "malamig ang Pasko" status: “May kumot naman ako…”

Melai Cantiveros on how she’s going to spend Christmas: “Ang plano ko sa Pasko is, uwi ako ng GenSan…”


Kahit pa tawang-tawa ang mga taong nakakausap ni Melai Cantiveros, nanindigan itong, “Hindi ako komedyana.”

Ito ang tatlong beses niyang sinabi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong December 3, sa Christmas party ng Belo Medical Group.

Ayon pa sa dalaga, “Nahiya naman akong magsabi ng komedyana kasi hindi naman talaga…

“Nasuwerte-suwerte lang ako na naging comedian ba…”

Dagdag pa rito, tinanggal niya raw ang kanyang pagiging mahiyain.

“Siguro pasalamat na lang ako dahil nagkaroon ako ng confidence na para magsalita, yung hindi ako nahihiya na.

“Dati, mahihiya talaga ako.

“Ngayon, parang na-apply ko lang sa showbiz … confident na ako. Naging okay na.”

Sa kasalukuyan, mainstay si Melai sa Banana Split at guest co-host sa Kris TV.

Masaya ba siya sa takbo ng kanyang career?

“Oo naman,” mabilis na sagot ng pang-limang female winner ng Pinoy Big Brother.

“I’m always happy naman sa iba’t ibang career ko ngayon na kung mawala, pagkatapos ng isa, may sumunod agad.

“Sobrang thankful talaga ako sa ABS-CBN.”

PLANO SA PASKO. Uuwi raw ang host-actress sa General Santos City, at doon magno-Noche Buena.

Hindi kagaya noong 2011, malamig daw ang Pasko niya ngayon.

“May kumot naman ako,” natatawang hirit ng dalaga.

“Hindi naman malamig kasi ’andiyan naman pamilya ko. Hindi naman totoo yung malamig. Hindi ako maniwala…

“Wala. Hindi ako maniwala.”

Hindi rin daw siya naghahanap.

Pagdidiin niya, “Wala. Hindi ako maniwala mag-date-date diyan dahil wala pa ngayon, e. Wala muna. Mag-concentrate ako sa [career] ko. Parang ayoko munang mag-date.”

HILING SA BAGONG TAON. Sa pagpasok naman ng 2013, dalawang bagay ang gusto ni Melai na mangyari.

Una, “Siyempre, ang wish mo talaga, gusto mong magkaroon ng more, more projects sa career mo.”

Pangalawa, “Gusto ko, magkaroon muna ng good health para go ako sa career, para marami akong mabigay na blessing sa family ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KATAPUSAN NG MUNDO? “Hindi ako maniwala dun.”

Ayon sa tinatawag ng “Mayan prophecy,” yayanig ang mundo sa December 21, 2012, ang huling petsa sa “5125-year-long cycle ng Long Count calendar.”

Wika ni Melai, “Sinong nagsabi no’n? Yung kalendaryo? Huwag kayong maniwala dun.

“Maniniwala lang ako kapag nagkaroon ng sabi or… ang end of the world naman, hindi naman sinasabi ‘yan, e. Hindi mo naman yun alam.

“Walang nakakaalam nung end of the world o kung kelan yung date.

“Kasi, ang nakakaalam niyan si Papa God, si Lord God lang.”

Paano kung totoo? Ano ang gagawin niya?

“Mag-pray! Kasi dapat ang ginagawa natin, humanda na tayo kung end of the world para kung nasa langit ba tayo o impiyerno, ganun lang yun.

“Pag end of the world na, ang lagi nating isipin mag-pray para sa ‘ting kaluluwa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN