Psy’s "Gangnam Style" concert in Manila postponed

Hindi na matutuloy ang concert ni K-Pop star at YouTube sensation na si Psy sa MOA Arena sa Huwebes, Disyembre 20. "Due to logistical issues" ang ibinigay na rason ng organizers ng concert. Sa Pebrero ng susunod na taon na lamang daw itutuloy ang concert.


Hindi na matutuloy sa Disyembre 20, Huwebes ng linggong ito, ang concert sa Mall of Asia (MOA) Arena ng K-Pop star at YouTube sensation na si Psy.

Ayon sa official statement mula sa organizers ng event na That’s Ntertainment Productions, Music Management International, at Ovation Productions:

“The organizers of the Gangnam Style event on December 20, 2012 at MOA Arena have collectively agreed to postpone the event to February 2013 due to logistical issues. Psy remains extremely excited about visiting the Philippines and looks forward to performing for his fans in early 2013.”

Kung hindi na-postpone, kasama sana ni Psy na magpe-perform sa MOA Arena ang local Filipino artists na kinabibilangan nina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jose Manalo, Wally Bayola, Pokwang, Chokoleit, Pooh, K Brosas, Ate Gay, at Ai-Ai delas Alas.

Sa panayam sa That’s Ntertainment boss na si Joed Serrano, sa presscon na ipinatawag nito noong nakaraang linggo, sinabi ng events producer na mauunang magpe-perform ang mga nabanggit na local artists bago ni Psy.

Magkakaroon din daw ng tsansa ang local artists na makasama si Psy na mag-perform.

(CLICK HERE for related story.)

Nakilala at sumikat sa buong mundo si Psy noong kalagitnaan ng taong ito matapos na mai-post sa video-sharing website na YouTube ang official music video ng kanta niyang "Gangnam Style."

Tungkol sa isang lugar sa Korea na kung tawagin ay Gangnam at sa mga naninirahang babae rito, ang kanta.

Naging viral ang official YouTube music video ng "Gangnam Style," at sa kasalukuyan ay halos nasa isang bilyon na ang page views nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN