Nadine Samonte on long-term relationships: “Hindi na boyfriend-material ang hinahanap ko kasi—it’s husband-material.”

Dahil sa mga nagdaan niyang relasyon ay magiging maingat na raw si Nadine Samonte sakaling umibig siyang muli. Paliwanag niya: “Yung may boyfriend ka na naman, ipapakilala mo na naman ang buong buhay mo, another adjustment na naman. Tapos, kapag nagkahiwalay, masasaktan ka, wala na naman, magpapakilala ka na naman.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine Samonte sa taping ng upcoming TV5 primetime series na Kidlat noong Lunes, December 17, sa Pasig City.

Gaganap dito si Nadine bilang si Lara, isa sa leading ladies ng bidang si Derek Ramsay.

Kumusta naman sila ni Derek?

“Okay naman,” nakangiti niyang sabi.

“Yung unang scene namin, siguro naka-ilang takes kami, pero wala kaming ginawa kung hindi ang tumawa nang tumawa.

“Bawat scene… wala lang… baliwserye nga ito!” biro pa ni Nadine.

Parang close na raw sila agad kahit unang serye pa lang nila itong pinagsamahan ni Derek.

Dagdag pa ni Nadine, ang mga eksena raw kasi niya, sa parte ng mga Megatons kunsaan ang kasama niyang madalas ay sina Derek at Baron Geisler.

“Oo nga e. Wala, palagi lang kaming umaalis na tatlo… si Baron. Kain lang kami sa labas.

“Pagkatapos ng eksena, kapag lunch break, lunch kami sa labas.

“Tapos, babalik ulit kami sa set, hinahanap na kami. Kakain lang kami.”



ATTRACTION. Hindi naman magtataka si Nadine kung sakaling magkakaroon ng anggulong mali-link sila ni Derek.

Sabi niya, “Hindi naman siguro maiiwasan na mali-link kami lalo na at ka-loveteam ko siya.

“Talagang ganoon naman yata. Every show, puwedeng nili-link o ma-link.

“Hindi ko alam dito, but there is a possibility, I think. Oo, kasi, sa role rin.”

Posible rin bang magkagusto siya kay Derek?

“May possibility na magkagusto si Lara kay Voltaire!” natatawang sagot niya.

Si Nadine naman, kay Derek?

“Hindi ko alam, tingnan natin,” nakangiti niyang sabi.

Sa ngayon daw kasi ay iba na ang hinahanap ni Nadine sa isang lalaki—hindi na raw basta "boyfriend-material."

“Kasi ako, I don’t look sa physical. I look sa inner side.

“Doon ako tumitingin sa isang tao. Hindi na boyfriend-material ang hinahanap ko kasi—it’s husband-material."



TURN-OFF. Madalas ay naiintriga si Derek na “babaero” bukod sa iba pang mga isyu o intrigang kinasusuungan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte ni Nadine, nakaka-turn-off ba ito o mas nakaka-challenge ang ganitong image ng kapareha?

Tugon niya, “Siyempre, kung hindi mo kilala yung tao, tapos may mga tsismis na ganoon, siguro sa ibang tao, maniniwala sila.

“Pero the more na makilala mo yung tao, at least, doon mo malalaman kung totoo o hindi.

“I don’t know him well talaga, pero I can see naman sa kanya na kung ano ang ginagawa niya, he’s serious about it.”

Ang tingin niya ba kay Derek, hindi seryoso?

“I don’t know. Hindi pa naman kami nagkakausap ng personal issues o personal na kuwentuhan.

“More on laro-laro lang. Hindi ko pa nakikita.”

Physically, attracted ba siya kay Derek?

“Naa-attract ako sa ugali niya, e.

“Yung very makulit niya, very nang-aasar siya. Palagi niya akong inaasar,” sabi ni Nadine.



TRAUMA. Napagod o na-trauma ba siya sa nakaraan niyang relasyon?

Sagot ni Nadine, “Hindi naman, nakakapagod lang magpakilala ulit.

“Alam ninyo yung may boyfriend ka na naman, ipapakilala mo na naman ang buong buhay mo, another adjustment na naman.

“Tapos, kapag nagkahiwalay, masasaktan ka, wala na naman, magpapakilala ka na naman.

“Yun na ang sinasabi ko, I don’t want to play games.

"I don’t want na hindi seryoso na, ayoko ng ganoon.

“Pero siguro, it’s not yet time rin.

"Mahirap kasi na isang tao lang ang ready, yung isa, hindi.”

Ayaw na niya ng trial and error?

“It’s not trial and error, e.

"Sa pakikipag-boyfriend, marami kang natututunan.

“Mas lalo kang nagiging strong para sa next relationship mo. Alam mo yun?

"Mas okay ka na, mas better relationship.

“Pero kasi, for me, ako yung taong family-oriented, I want everything serious.

“Ayoko nung, ‘Oo, naglalaro tayo, masaya tayo.’

"Okay sa akin yung ganyan. Pero pagdating sa mga bagay na having a family, having ganito, staying together, being together… I’m serious about it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POLITICIAN. Dito na namin ipinasok kay Nadine ang intrigang may karelasyon diumano siyang pulitiko.

“Hay naku, ako, ayoko nang patulan ‘yang tsismis na ‘yan! Nakakatawa lang.

“Kasi, hindi naman siguro siya makakatulong sa akin at hindi rin naman ako makakatulong sa kanya.”

Itinama naman ng entertainment press si Nadine na sinabi ng pulitikong ito na si Nadine ang siguradong makakatulong sa kanya kapag patuloy silang ma-link.

“A, ewan ko sa kanya!” natatawang sagot na lang ni Nadine.

Personally, naapektuhan din siya ng isyu?

“Siyempre at first, kapag hindi totoo ang tsismis, nakakairita talaga.

“Pero ayaw mo na lang patulan kasi, the more na pinapatulan mo ‘yan, the more that they’ll talk about it.

“Lalaki nang lalaki! Maiiba-iba na ang salin ng kuwento.

"Ayoko ng ganoon. Kilala ninyo naman ako, di ba?”



HARD WORK. May balita ring bigay raw ng pulitikong inili-link kay Nadine ang condominium unit ng aktres.

Sabi ni Nadine tungkol dito, “Sobrang nakakatawa talaga yun. Kasi, 2008 [pa] lang, nasa akin na ang condo.

“At saka, alam ninyo ang lahat ng ipinundar ko... kaya hindi ako yung ano, para humingi sa iba? No way!

“Nagpapagod ako… nagpapakapuyat.

“At saka, very vocal ako sa pagsasabing ayokong mag-artista, pero ginagawa ko ito for my family.

“Wala namang breadwinner, ako lang. So, tiyaga-tiyaga, tapos ikukuwestiyon nila na bigay ng iba?

“Yun ang masakit sa akin, sobra!

“Actually, puwede pa nga akong magpakita ng mga katibayan, pero for what pa?

“Useless. It’s so useless. Ayokong pumatol sa isyung walang kakuwenta-kuwenta.

“I know the truth. Hindi ko naman puwedeng i-please ang mga taong paniwalaan ako.

“Kung ayaw ninyong maniwala, e, di ‘wag. Keber!”



GOOD YEAR. Tulad ng mga nakaraan niyang Pasko, sa bahay lang daw siya kasama ang pamilya sa Laguna.

Paano ilalarawan ni Nadine ang kanyang 2012?

“Itong 2012, actually, kahit maraming... for example, Valiente, first project ko yun with Direk Joel Lamangan, big deal na yun sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung stage play [The Seagull] na kinuha nila ako, sa UP, sobrang laking achievement din.

“Tapos itong Kidlat, so masasabi ko na hindi kulang kung hindi, sobra pa sa ine-expect ko.”

Naitanong din ng PEP kay Nadine kung mamimigay siya muli ng Christmas gifts sa mga naging kaibigan niya sa dati niyang home network na GMA-7, gaya noong nakaraang taon.

“Oo naman, hindi naman ako nakakalimot,” sagot niya.

Sino ang nami-miss niya sa Kapuso network?

“Si Marian [Rivera]!” natatawang sabi niya.

“Napanaginipan ko pa siya noong isang araw. Hindi ko na matandaan kung ano, hindi ko alam kung bakit.”

Nagkakausap pa rin ba sila ni Marian?

“Kung minsan. E, kasi, sobrang busy naman niya.

“Kaya nga tinweet ko si Gabby [Eigenmann] noong isang araw, sabi ko, ’Kumusta na si YanYan [Marian]?’”

Nagkasama sina Nadine at Marian sa Darna (2009) at Endless Love (2010).

Sa pagpasok ng 2013, ano naman ang expectations ni Nadine?

“Marami akong ine-expect. Kasi, first week of January, I’ll be out.

“Aalis ako, pupunta akong Germany. I’ll be back after two weeks."

Ang makakasama raw niya sa pag-alis ay ang kapatid niyang babae na maiiwan at magtatrabaho na sa Netherlands.

“So, first time akong makakapunta sa place na… sobrang dream ko kasi, in my 25thbirthday, na pupunta ako sa place kung saan ipinanganak ako—sa Austria yun.

“Excited na ako, sobra akong excited. Yung parang makikilala mo ang pagkatao mo, yung ganoon?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN