John “Sweet” Lapus on returning to ABS-CBN: “It was homecoming para sa akin... Ang laking relief talaga when I saw familiar faces.”

Dahil sa mga kaibigan ni John “Sweet” Lapus, naging madali ang paglipat niya sa ibang network. Sabi niya, “Kaya nga ako nakakabalik sa ABS ngayon because I never burn bridges. The same thing na naging maayos ang aking pag-alis.”


Halos lahat ng mga artistang may entry sa 2012 Metro Manila Film Festival ay naghahangad na mag-number one ang pelikula nila sa box-office.

May prediction na nga si Kris Aquino na ang pelikula niyang Sisterakas ang mangunguna sa takilya sa MMFF this year.

Sa grand press conference ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO last week, naitanong sa cast member ng pelikula na si John “Sweet” Lapus kung ano ang reaksiyon niya sa prediction ni Kris.

“Well, sabi nga ni Bossing [Vic Sotto], ‘Siya na!” nakangiting sagot ni Sweet.

“Ako, naniniwala ako diyan. It’s a wishful thinking na sana tayo ang maging number one.

“Ako kasi, I’m not the type na nagpe-predict. Mahirap mapahiya. So, let’s see na lang.

“Anyway, siguro in five days, malalaman naman na. Pero, hindi mo masabi.

“Sa history ng [Metro] Manila Film Festival, yung No. 3, pagdating ng January, siya ang nagiging No. 1.

“So, mahirap talaga hangga’t hindi natatapos.

“So, malalaman na lang natin kung sino ang nag-number one by mid of January, kunsaan hindi na showing halos lahat ng pelikula.”

Matalik na kaibigan ni Sweet si Kris kaya sabi nga niya, “Pero alam ninyo naman si Kris, magaling kasi ‘yan sa ganyan.

“Kaya si Bossing nga, hindi na nakikipag-argue.

“Kapag sinabi niyang [Kris] ’number one ako or number two lang ako,’ gaganyan ‘yan, di ba, nagkakatotoo?

"Kaya nga sinabi na ni Bossing, ‘Siya na.’

“Pero siyempre, kaming sa cast ng Si Agimat, si Enteng Kabisote at Si AKO, wini-wish din namin na sana maging number one rin ako.”



BACK TO ABS-CBN. Parehong noong December 13 ginanap ang grand press conference ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si AKO, at story conference para sa kabibilangang soap opera ni Sweet sa ABS-CBN, ang Kahit Konting Pagtingin.

Naitanong tuloy kay Sweet kung ano ang nangyari at bumalik siya sa orihinal niyang tahanan, ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang, in-offer-an lang nila ko,” sagot niya.

“Ako ay touched na touched na sa oras ng kawalan, e, yung mga tunay kong kaibigan from ABS-CBN din ang makakaalala sa akin.

“Kanina lang talaga kami nag-storycon. And finally, meron na akong maikukuwento.”

Dugtong ni Sweet, “Yes, finally, I am back home in ABS-CBN… Yes, after almost seven years... six years eksakto.

“2006 ako nag-GMA—after six years.

“Pero, before six years, wala na akong show sa ABS kaya ang bilang ko, after seven years and, finally, I am back in Kapamilya network.

“I am doing Kahit Konting Pagtingin starring Angeline Quinto, Sam Milby and Paulo Avelino and myself.

“Kasama rin namin si Bangs Garcia and Mylene Dizon.”



WAITING. Ang huling show ni Sweet sa Kapuso network ay ang primetime series na Makapiling Kang Muli.

May tatlong buwan din daw siyang naghintay kung may ibibigay sa kanyang kasunod na proyekto ang GMA-7.

Aniya, “Nakipag-usap naman ako sa kanila.

“Yung manager ko naman who takes care of my career in GMA, si Ricky Gallardo, is in constant meeting with them.

“So, ‘eto na. Noong finally, na before ko tinanggap itong offer ng ABS-CBN, nagsabi na kami na, ’You know, full blast, may offer. Pero kayo ang priority ni Sweet.’

"Bilang, technically, I’m Kapuso naman, di ba?

“E, wala naman.

“Very apologetic naman na wala lang daw maibigay at that very moment ang GMA at sinabi naman nila na I have to get the offer of ABS.

“At least, maganda.

“Alam mo naman ako, hindi naman ako nanununog ng tulay.

“Kaya nga ako nakakabalik sa ABS ngayon because I never burn bridges.

“The same thing na naging maayos ang aking pag-alis [sa GMA-7].

“Maganda rin ang nangyari kasi I was able to say goodbyes to people who are, personally, became very close to my heart when I was in GMA.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GOODBYES. Sinu-sino ang mga taong ito na pinagpaalamanan niya?

“Sakto kasi nag-guest ako sa Extra Challenge, hosts sina Richard [Gutierrez] at Marian [Rivera]—na dalawang big stars ng GMA na nakatrabaho ko at naging kaibigan.

“Nag-host ako ng Unilever party, coincidentally, host si Raymond Gutierrez, so nakapagpaalam ako sa kanya.

“Last Saturday, nag-guest ako sa Eat Bulaga!, si Pia Guanio naman.

“Nag-guest ako sa Celebrity Bluff, yung EP [executive producer] ng Showbiz Central na si Mother Mildred Natividad... PM [production manager] na pala siya.

“So, I was able to say goodbye to her personally.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng mga taong pinagpaalamanan niya?

“Of course, they were very sad. But they understand my situation.

“E, ang feeling ko naman, ang friendship naman, hindi lang dahil sa magkasama kayo sa iisang network.

“And they have my personal number and we keep in touch.

“Si Marian nga, sabi nga niya, ilang lakad lang ang GMA sa ABS."

NO CONTRACT. Sa ngayon, wala pa raw kontratra si Sweet sa ABS-CBN.

Pero, sabi rin niya, “Malamang magkakaroon ako ng show contract, pero wala pa akong network contract.

“Wala pa namang offer. It’s really show pa lang.

“Pero alam ninyo, palaging nakakalimutan ng mga tao na merong Talentadong Pinoy Worldwide [sa TV5].

“I’m not leaving Talentadong Pinoy Worldwide.

“Sa ngayon, hindi pa kasi nagmi-meeting, pero alam naman ng ABS na meron akong Talentadong Pinoy.

“Hopefully, in the future, kung i-pull-out man ako doon, I’m pretty sure may kapalit naman ang ABS

“And most likely, kapag pinull-out nila ako doon, they will offer me an exclusive contract.

“Basically, show pa lang naman ang inu-offer nila sa akin at tinanggap ko naman.”

Patuloy pa niyang kuwento, “Kanina nga, ang bilis ng pangyayari.

“After ng storycon, pictorial na kami then look test na kami agad-agad.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY NEW YEAR. Walang-duda na masayang sasalubungin ni Sweet ang bagong taon.

“I was looking... actually, napakagandang blessing. That’s why I was really emotional kanina.

“Nagpunta ako ng ABS, lahat ng kaibigan ko, nandoon… si Direk Ruel Bayani, Direk Erick Salud.

“Hindi nila unit ‘to, pero nag-akyatan silang lahat, sinalubong nila ako.

“Alam n’yo naman na may mga staff ako noong araw, as associate producer ng The Buzz, creative director ako ng Star Cinema.

“Lahat ng mga staff ko dati, aba, mga boss na ngayon! Lahat sila, nandoon na!

“So, touched na touched talaga ako. I was really emotional.

“Partly, yung boss namin, si Deo Endrinal, pinapunta sila doon at sinabing kailangan puntahan ako, e, kinakabahan ako.”

Bakit siya kinakabahan?

“It was homecoming para sa akin.

"Ganoon ako kapag may bago sa akin, kinakabahan ako

“Parang, ’Ano ang magiging reaksiyon nila now that I’m back with the Kapamilya network?’

“Ang laking relief talaga when I saw familiar faces.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN