Bela Padilla admits dating Maxene Magalona’s ex-boyfriend

Pag-amin ni Bela tungkol sa status nila ni Neil Arce: "Yeah, we’re seeing each other. But he’s also very busy now. Well, let’s just say we’re both happy right now. Parang ganun, ganung level. It’s nice to have him around."


Maganda ang ipinapakita sa ratings ng afternoon soap ni Bela Padilla sa GMA-7 na Magdalena.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Lunes, December 17, sinabi ni Bela na hindi niya iniisip ang pressure ng pagiging bida sa nasabing show.

Wika niya sa presscon ng GMA Afternoon Prime sa 17th floor ng GMA Network Center, “Pero narinig ko nga, sobrang ganda nung ratings ngayon.

“Hindi ko in-expect na aabot kami ng ganito kataas na ratings. So parang overwhelming pa rin lahat for me.

“Siyempre, lahat naman ng artista gustong dumating sa point na magli-lead sila.

“But I didn’t think na my first show na lead ako would be such a success.

“So I’m really very thankful to everyone who watches Magdalena, to everyone who really follows the series.

“I mean, I’m not saying it because it’s my show, pero kasi talagang maganda kasi yung story ng Magdalena."

Nagpapasalamat din si Bela na mahuhusay ang mga katrabaho niya sa soap kaya naman naging matagumpay raw ito.

Sabi niya, “That’s one thing I have to be thankful for—na lahat ng co-actors ko that they picked for me are very, very, good.

“So it’s not hard for me anymore to react.

"Kasi, imagine, sometimes I have to do 70 sequences a day, 75 sequences a day.

“So it’s such a blessing that the people I get to work with are so fast. So nagiging madali yung trabaho.

“And nagiging ano yun , e, weight na natatanggal sa shoulders ko dahil magaling yung co-actors ko, napapadali yung trabaho ko. And nababawasan yung pressure.”

FROM PRIMETIME TO AFTERNOON PRIME. Wala bang inggitang nagaganap sa pagitan ng Kapuso actors kung sino ang nabibigyan ng soap sa primetime at sa afternoon?

Sagot ni Bela, “No, not really. ’Cause I was able to try primetime in Endless Love and Machete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So naka-try na din ako magkontrabida and mag-lead sa primetime. So now, nag-try na rin akong magkontrabida and lead sa afternoon.

“And I have to say, really, there’s not much different.

"It’s just we have to work faster sa afternoon ‘cause our budget is smaller.

“So mas konti dapat yung tapings namin. Ganun lang. Kailangan lang mas mabilis ka magtrabaho.

“Pero feedback-wise... actually, I think I have more feedback now that I’m doing afternoon.

“People on Twitter, on Facebook, a lot of people kasi watch the Afternoon Prime of GMA.

“So I was happy I was given a chance to take a lead sa [afternoon]."

Hindi ba niya itinuturing na isang “demotion” ang malipat mula sa primetime patungong afternoon prime?

Mabilis na sagot ni Bela, “No, not at all. So many good actors are in the afternoon now.

“Like, Ms. Heart Evangelista is gonna do an afternoon show soon, na siya yung lead with Isabel Oli.

“So, if that’s the case, I’m sure she wouldn’t do it. Pero it’s not downgrade, e.

“Like what I said, a lot of people watch our afternoon shows.

“Kaya it’s actually more exciting for us kasi iba yung market namin.”

ADULT ROLES. Naging cover girl ng March 2012 issue ng FHM si Bela, na naging kontrobersiyal pa nga dahil sa issue ng racism.

Nitong Oktubre lang ay ibinigay kay Bela ang title role na Magdalena, na itinuturing na isang mapangahas na karakter.

Ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy na ang pagganap niya ng mga sexy at adult roles?

Ani Bela, “I don’t consider it adult, kasi I consider it a serious kind of show.

“Parang, when they told me it’s gonna be sexy, parang I thought I was gonna be wearing skimpy outfits all the time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero when I got to the set, actually wala pa ‘kong isinusuot na sexy sa Magdalena.

“Pinaka-sexy ko lang na nasuot, mini-skirt na dress. And I wear that all the time.

“So, hindi talaga siya out of the ordinary na sexy. Dahil yung lang yung story.

“Ang in-expect ko, sobrang sexy. Pero actually, yung situation niya lang ang nagiging sexy.

“Hindi naman talaga nagpapakita ako or si Magdalena ng balat,” paglilinaw pa niya.

Hindi pa rin daw gumagawa si Bela ng bed scene sa Magdalena.

Aniya, “Uhm, wala din po, e.

"Kasi, usually, biktima lang siya, lagi siyang nare-rape, ganun. Hindi naman din nila mapakita dahil TV.

“So it’s always like, after, makikita mo na lang siyang umiiyak after. So we’re not doing anything out of the ordinary.

“Actually, I’m watching the other soaps also ng afternoon, minsan may mga eksena pa silang mas sexy.

“Mas seryoso lang yung content nung sa ‘min. Parang mas kailangan lang ingatan kasi maraming tao ang nakaka-relate,” wika niya.

STATUS: DATING NEIL ARCE. Kinumusta naman ng PEP ang personal life ni Bela nitong nagdaan taon.

Kuwento niya, “It’s been interesting for me.

"I think right now, I’m one of the most driven people you’ll meet here in showbiz.

“I’m not saying it because it’s me, but because I think it’s a fact.

“I think I’m turning into a workaholic, like I cannot breathe when I’m not at taping. Yung ganung level ng... I really want to work.

“Which is why I didn’t expect na I would give even a little time to think about my lovelife.

“But when I did, actually it turned out well. But I’m taking things slowly—this [career] is still my number one priority.”

Totoo ba ang bali-balitang nakikipag-date siya kay Neil Arce, ex-boyfriend ni Maxene Magalona?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin niya, “Yeah, we’re seeing each other. But he’s also very busy now.

“Well, let’s just say we’re both happy right now. Parang ganun, ganung level.

“It’s nice to have him around.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN