Regine Velasquez announces Valentine concert with husband Ogie Alcasid and ex-couple Martin Nievera and Pops Fernandez

Muling nagbalik-tanaw si Regine Velasquez sa nangyari sa kanyang Silver anniversary concert noong November 16: parang... it’s very humbling. Despite my condition at that time, walang tumayo, walang nag-boo. That was my fear, e. I guess lahat ng performers, yun ang fear na pag hindi mo magawa yung mga dapat mong gawin, aalisan ka ng tao. Hindi nangyari yun, e. Instead, I was given love and support. And they were all there, they stayed."


Sa dami ng mga nag-alala sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, nang mawalan siya ng boses sa anniversary concert niya na Silver noong November 16, nanatili namang cool ang kanyang ama na si Mang Gerry.

Marami kasi ang nagtatanong kung ano ang naging pakiramdam ni Mang Gerry nang makita ang pagluha ng panganay na anak habang pinipilit nitong kumanta nang maayos kahit wala na ngang lumalabas na boses sa kanyang bibig.

Kaya isa ito sa tinanong kay Regine sa presscon ng repeat concert niya kaninang tanghali, December 19, sa Cravings restaurant sa Il Terazzo, Tomas Morato, Quezon City.

Sagot ng singer-actress, "Si Papa ko, wala naman siyang sinabi.

“He said lang na, ‘Ganun talaga, na nangyayari talaga yun, nagkakasakit ka.’

“But, kilala niya rin ako. Alam niyang first time kong mawalan ng boses.

"Kasi, may mga times na nawawalan ako ng boses pero nakakakanta pa rin ako, e.

“So, kahit siya, na-weirduhan din siya, e.

"But talagang ganun, nangyayari talaga yung mga ganyang pagkakataon."

Sa concert ni Regine last month ay kalmado at cool na cool lang si Mang Gerry habang emosyunal si Regine sa hinandog na awitin para sa ama.

Sabi ni Regine tungkol dito, "Forever cool naman yun. Lagi naman ‘yang ganun lang, e.

"Pero nung nakita na niya sa TV, parang naiiyak siya, parang… lalo na yung ipinapakita na yung sa portion niya, naiiyak siya.

"Actually, umiyak siya."

Masaya naman si Regine sa magandang estado ng kalusugan ngayon ng kanyang ama. Tinanggalan na raw ito ng nurse dahil maayos na nga ang kalagayan nito.

MOST AFFECTED. Sino ba ang mas naapektuhan sa nangyari sa kanya sa concert?

"Siguro yung asawa ko," pagtukoy ni Regine sa mister niyang si Ogie Alcasid.

“Kasi yung asawa ko, the whole time na natataranta ako at hindi ko alam ang gagawin ko, siya yung nandun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi I didn’t wanna bother my parents anymore, e. Actually, wala sila doon, e.

“So, alam lang nila, they’re very aware kung ano ang nangyayari.

"Pero si Ogie talaga, the whole time, was with me. Even after, e.

“Medyo, parang… siyempre, after, ako yung iyak nang iyak. So, kailangan pa niya akong aluin uli."

LEARNING EXPERIENCE. Masasabi bang learning experience niya ito?

"Ah, yes!” bulalas ni Regine.

“Kagaya ng sinabi ko before na I’ve learned that, you know…

“Kasi meron akong attitude noon na, ‘Sige, mag-concert tayo.’

“Although I wasn’t saying it, pero parang deep inside, na parang inaano ko, ‘Sige, I’m gonna show to people that I can still do it.’

"But then, I realized it wasn’t about me. You know, it wasn’t about me proving to everybody that I can still sing.

"Kasi alam na nila yun, sabi nga ni Vice Ganda.

“Hindi ko na nga alam kung bakit ako nagkaroon ng ganung attitude.

“I think kasi, maraming tao rin ang nagsasabing, ‘A, she doesn’t have it anymore.’ Ang tagal ko na kasing hindi nagku-concert e.

"So, yun ang na-realize ko na it’s not about me proving to everybody that I can still sing.

"It’s about just celebrating with the people who’ve been with me in twenty-five years… and thanksgiving.

“Thanking God for this wonderful talent and share it with everybody—nakalimutan ko kasi yun, e."

Hindi kaya God’s intervention na rin yung nangyari sa concert niya para mapatunayan ni Regine na marami talaga ang tunay na nagmamahal sa kanya?

"Yeah, yun din. Kasi nga, after the concert, umiiyak ako not because nagsisisi ako… dahil nagsisi ako doon sa ginawa kong nagkakakanta ako at nagpipiyok ako.

“For the first time nga, hindi ko pinagsisihan, e... Normally, pagsisisihan ko yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahihiya ako kasi I wanted talaga to give my audience a good show but I was not able to do it.

"Pero wala akong pinanghinayangan kasi sobra akong na-overwhelmed doon sa love na ibinigay sa akin ng audience ko.

"And also, parang... it’s very humbling.

“Despite my condition at that time, walang tumayo, walang nag-boo.

"That was my fear, e. I guess lahat ng performers, yun ang fear na pag hindi mo magawa yung mga dapat mong gawin, aalisan ka ng tao.

"Hindi nangyari yun, e. Instead, I was given love and support.

“And they were all there, they stayed."

THE VOICE. Kahit daw si Ryan Cayabyab, na isa sa dalawang conductor-musical director ni Regine sa concert, ay hindi makapaniwalang hindi siya makakanta nang maayos.

Saad ni Regine, "E, kasi, we’ve been rehearsing and narinig niya yung boses ko.

“Talagang it wasn’t… in good shape or top shape naman ang aking voice.

"So, nagulat kami kung ano ang nangyari."

Ano ba ang nangyari at nawala nang ganun kalala ang boses niya?

Sabi ni Regine, "Two weeks before the concert, my son got sick.

“And I took care of him. Medyo I wasn’t feeling well.

"But because I was drinking all these juices of Nadine Tengco…

“Di ba, nagda-diet nga ako? But I was drinking juice, parang nalalabanan ko pa. Kasi nga, ang daming nutrients nung juice, e.

“But then, like a week before the concert, I had to stop na dahil feeling ko, dapat wala nang diet. I have to eat regular meal.

"Dapat pala, I shouldn’t have stopped drinking juice para nalabanan ko pa rin yung sakit.

"E, biglang bumaba siguro yung immune system ko kaya…

“Pero parang uso talaga, kasi si Direk Rowell [Santiago, direktor ng concert niya], nawalan din ng boses… yung sister ko, there’s another person."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magpapahinga ba siya muli pagkatapos ng repeat ng kanyang concert?

"Rest muna ako dahil sa dami ng ginagawa ko, bihira na talaga akong mag-concert. Hindi na gaya ng dati na kakanta dire-diretso. I rarely use my voice."

Hindi kaya nagtampo ang boses niya?

"Kasi nga ang tagal na hindi ako kumanta, ‘no?

“Hindi naman, nagkasakit lang talaga ako.

"Pero sabi ng voice… throat doctor ko—kung anuman yung tawag doon—my body went through a lot. Yung hormones.

"So, parang susceptible pa rin for anything.

“Kasi siyempre, yung hormones ko, bumababa. Iba-iba pa rin, e.

"It’s still trying to get back to normal.

“Biruin mo, I gained a lot of weight. Tapos, hindi ako kumanta for a year and a half.

"So, marami pa ring nangyayari sa katawan ko na mahirap i-explain. Yun ang sinasabi ng doctor ko kaya ganun."

FREE CONCERT. Nakakagulat ang deklarasyon ni Regine na libre ang kanyang repeat concert, na gaganapin sa January 5 sa Mall of Asia Arena.

Kaya ang tanong ng PEP kung dinesisyunan niya ba ito isang gabi bago naganap ang concert niya o sa kalagitnaan ng kanyang show.

"Sa gitna mismo!" natatawang sabi niya.

"Kaya nga tumambling si Cacai [Velasquez-Mitra, kapatid at business manager niya]. Kasi kami ang producer nun.

“’Ha? Saan tayo kukuha ng pang-produce nito?’ Kung ano na lang ang naisip ko.”

Paliwanag pa niya, "Pero she supported me, e. After niyang tumambling ng 20 times, pumunta siya sa backstage. ’Are you serious about the free concert? Because if you are, you have to announce they have to keep their tickets.’

"So, in-announce ko kasi serious ako. Kaya eto na yun."

Yung mga guests ba niya ay free rin ang talent fee nila?

"Kahit naman noong una, free rin, e," mabilis na sagot ni Regine.

Ang mga guest ni Regine sa unang concert ay sina Ogie, Janno Gibbs, at Lani Misalucha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa repeat daw ay kabilang na sa mga guest niya sina Jaya, Rachelle Ann Go, La Diva, at Gloc 9.

Hindi na raw kasama si Lani, pagbabalita ni Regine.

"Unfortunately, si Lani, umalis na. Pero babalik talaga sana siya for my concert. Kaya lang, may schedule siya ng January 5."

PLANS FOR 2013. Ano ang plano niya sa 2013? Kasama ba rito yung matagal nang sinasabing bagong serye niya sa GMA-7?

"Hindi ko alam. I mean, na soap? Hindi ko alam.

“Wala pa naman silang ino-offer.

"Pero right now, my plan is to finish what I’ve started, which is Silver, and that’s it.

"Hindi ko pa nga naisip kung ano ang gagawin ko next year, e.

“Pero may Valentine concert kami next year, yung Foursome. So, yun lang muna."

Magsasama sa isang concert si Regine at ang mister niyang si Ogie, at ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Tungkol naman sa planong magdaos ng Pasko sa Australia, ibinalita ni Regine na ngayong Biyernes, December 21, na ang lipad nilang mag-asawa kasama si Baby Nate.

Babalik sila sa December 31 para dito sa Pilipinas nila sasalubungin ang 2013.

Pagdedetalye pa ni Regine, "We’re leaving on Friday. We’ll be spending our Christmas there.

“The girls are very excited," pagtukoy niya sa dalawang anak na babae ni Ogie na sina Sarah at Leila.

"Because they’ll be with Nate again. Sobrang na-miss nila si Nate. Ang cute nga, e.

"Hindi nila alam na naging destroyer na si Nate, so good luck!

"Nag-iba na. Kasi nung nakita nila, sobrang lambing, ang sweet...

“Sweet pa rin naman, pero naging destroyer na siya, naging monster na siya!"

Pagbalanse naman niyang kuwento, "Siyempre, you’ll try to stop him naman, e. Saka, meron naman siyang yaya.

“Meron naman siyang ate na… kasi yung house namin, kahit i-baby proof namin, hindi namin ma-baby proof.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, hindi talaga siya child-friendly na bahay. Kasi hindi talaga namin ini-expect nga na magkaka-baby kami.

"Kaya kahit anong gawin namin, wala talaga, kaya meron na lang nakadikit na nakadikit sa kanya."

Tiniyak ni Regine na hindi raw mangyayari na mai-flush ni Nate ang mga alahas niya sa toilet, gaya ng nangyari sa ilang alahas ni Alma Moreno nong bata pa si Vandolph na itinapon nito ang brilyante ng ina sa toilet bowl.

Kuwento rin ng talent manager na si Annabelle Rama, na noong maliit daw ang isa sa mga kambal niya (Richard o Raymond Gutierrez), nakita niyang ginagawang holen ang bato ng brilyante niya malapit sa pool kaya naloka raw siya.

Pero sabi naman ni Regine, "E, hindi naman siya [Nate] pupunta doon, ‘no! Naku, iniipon ko nga yun para sa kanya!"

Base sa napag-usapang itinerary, isa o dalawang gabi raw plano ng grupo na magtungo sa Sydney.

"Maglilibot lang kami doon. Kasi usually, pag pumupunta kami doon, diretso na kami sa Robertson.

“Kasi yung Robertson, parang province yun, e. Thirty to forty minutes away from Sydney by land.

“And baka mag-beach kami," banggit ni Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN