Divine Lee on Baron Geisler’s denial of "kissing" incident: "A simple apology would have been better kasi nakasakit ka."

Ito ang mensahe ni Divine Lee kay Baron Geisler, na ninakawan siya ng halik noong MVP Ball. “Well you know what, number one is nakaka-offend naman. You know, a simple apology would have been better kasi nakasakit ka. I don’t think anybody deserves na ginanun mo na nga kami ’tapos sasabihin mo pa sinungaling kaming lahat. Yung sa akin is more a call out na, ’Ano ang magiging laban kung makikipag-argue sa taong may sakit?’"

<


Ang pagnanakaw ng halik ni Baron Geisler ang naging topic nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang press si Divine Lee kahapon, December 19.

“Actually nung una, hindi ako makapaniwala kasi okay naman kami, e, ni Baron. Pag nakikita ko siya, hi-hello ganyan.

“Ang naging problema lang is parang… di ba may sakit siya? “Parang bipolar ’ata siya.

“So nung ginawa niya sa akin, hindi ako maka-react dahil andun yung mga big boss. Ayoko namang gumawa ng eskandalo,” umpisang kuwento ng dalaga tungkol sa insidenteng naganap sa MVP Ball noong December 19.

Amoy alak ba si Baron nung nangyari yung panghahalik sa kanya?

“Hindi ko na naamoy dahil nagkagulo na rin ako nun. Pero I mean on a normal day, hindi naman niya gagawin... ni Baron ’yan, di ba,” pagpapatuloy pa ni Divine.

Hindi niya sinampal si Baron?

“Hindi, hindi. Sinabihan ko lang siya ng, ‘Bastos ka!’ Siyempre sa loob ko… una, shock, e, kasi kaibigan ang tingin ko sa kanya.

"’Tapos yung parang ganun ako, sabi ko, ‘My god, bastos ka...’ ’tapos tumalikod na ako.”

Pagkatapos nun, kaagad niyang hinanap mga kaibigan.

“... medyo kagulo na rin, e, ’tapos nagsumbong na ako kay IC [Mendoza] sabi ko, ‘IC si Baron, ginanun ako!’”

Paano ba yung pagkakahalik sa kanya ni Baron?

“E, di pag ganun, ’eto bebeso ako, di ba? Humarap ’tapos nakabukas pa ang bibig," ang muwestra niya tungkol sa nangyari.

“Kaya sabi ko, ‘Bastos ka!’

“Wala naman ’atang dila pero nakabukas yung bibig. Naalala ko may laway pa ako dito [sa pisngi]!”

Hindi ba pumasok sa isip niyang magdemanda?

“Alam mo, okay legally... Think of it this way, na kung mag-legal action ka, ang daling sabihin na bipolar siya, e. Di wala rin namang mangyayari.

“Ang sa akin sana, magpagamot na lang. Andiyan ang pamilya niya.

“Ang dami namin. Apat kaming medyo na-victimize that night so sana gumawa na sila ng hakbang, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

VICTOR BASA’S REACTION? Ano ang naging reaksiyon ng boyfriend ni Divine na si Victor Basa?

“Hindi, actually si Victor yung medyo iniwas-iwas ko kasi wala siya nun dahil ano na siya, e... Channel 7 na siya, di ba?

“So wala siya nung MVP [Ball], nagte-taping siya. Nag-text ako sa kanya na parang, ‘Love, may isyu!’

“Tapos sabi niya, ‘What issue?’

“Tapos naka-smiley face pa. Sabi ko, ’Mamaya na,’ sabi ko, ‘Aalis muna kami ng party.’ Sabi niya, ‘Uuwi ka na?’

“Sabi ko, ‘Hindi, magsama-sama muna kami, may pag-uusapan kami nila IC.’

“Nung pag-uwi, kinabukasan na nun, nagtanong siya, ‘Ano ba ang nangyari?’

“So very, very light, kinuwento ko muna lahat nung iba, ’tapos nung sa akin. ’Hindi, kasi parang ano, e, humarap siya nung bineso ko!’

“Hindi ko diniretso kasi magwawala naman yung isa.

“So sabi ko kay Arnold [Vegafria, their manager], sinabi ko sa lahat, sa handler ni Vic, ‘Kayo na muna ang kumausap para kumbaga hindi na ganun kagalit.’

“So sinabi niya na parang, ‘You know pinalampas ko na siya dati.’

“Pinalampas siya ni Victor dati, nagka-presscon, ’tapos I think he wasn’t okay. Si Baron wasn’t okay, so sabi ni Victor, ‘Halika, dito ka lang sa gilid.’

“Para hindi daw marinig siyempre ng press na kung anu-ano na ang tinatanong ni Baron.

“Sabi ni Baron, ‘Bakla ka, e!’ Ginanun siya.

"Sabi ni Victor, ‘Bahala ka sa buhay mo! Sige, magkalat ka diyan!’

“So nag-sorry si Baron, even sa show si Nanay Cristy [Fermin], inayos niya. Tumawag si Baron, nag-sorry sa akin, nag-sorry kay Victor, okay na kami.

“Nung last na nagkaroon siya ng problema sa TV5, sa Ang Latest, ipinagtanggol ko pa siya, kasi nga may sakit, e.

“Pero iba pala kapag ikaw na talaga yung tinarget, di ba?

“Parang, sabi ko, you know, parang from last night. Okay lang sana kung nag-sorry na lang siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung naging problema is sinabi pa niya sinungaling kaming lahat ngayon, nasa PEP. (CLICK HERE to read story)

“Yung sa PEP sabi niya na parang iyon nga, na hindi daw nangyari ginagamit namin siya para sa career or something.”

Idinenay ni Baron na hinalikan siya?

“Dinenay niya lahat!

“Marami kasing tao pero hindi ko na tinanong na, ‘Uy, nakita ninyo?’

“Parang, alam mo yun, dahil shocked na ako.

“Pero yung nag-aaway sila ni Edgar [Allan Guzman], nung minumura niya si Edgar, ako si Danita [Paner], si Alex [Gonzaga], si IC, andun kami lahat, yung mga drivers. ’Tapos nung inaaway niya si IC, I think si Alex yata yung andun, hindi ako sure kasi lumabas kami.

“Inaawat na ni IC si Edgar ’tsaka si [Baron].

“Sabi kay Edgar, ’eto yung nakakatawa, parang, ‘May seniority dito, bakit hindi mo ako pinapansin, binabastos mo ako sa Kidlat!’" patungkol diumano ni Baron sa seryeng pinagbibidahan ni Derek Ramsay na inakala niyang co-star din nila si Edgar Allan.

“Sabi ni Edgar, ‘Wala naman ako sa Kidlat.’

“So parang medyo, kagulo na siya.”


MESSAGE FOR BARON. Ano ang mensahe niya kay Baron?

“Well you know what, number one is nakaka-offend naman. You know, a simple apology would have been better kasi nakasakit ka.

"I don’t think anybody deserves na ginanun mo na nga kami ’tapos sasabihin mo pa sinungaling kaming lahat.

“Yung sa akin is more a call-out na... ’Ano ang magiging laban kung makikipag-argue sa taong may sakit?’

“Wala naman, e, di ba? So parang sa akin, alam mo kung may mga ganyang lugar, huwag ka nang pumunta kasi napapahamak mo yung sarili mo ’tapos ngayon, one lie is covering up another lie. Parang ganun ang nangyari.”

So masasabi ni Divine na si Baron ang sinungaling?

“E, ano pa nga ba?" walang gatol na sagot ng TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, ang dami naman namin dun, di ba? I think hindi ko alam kung naaalala niya yung ginawa niya but marami namang nakakita.

“Sinabi nga ni Victor, you know what, parang si Victor he felt it na, e... na he will deny that.

“Sabi ko, ‘Alam mo as much as possible nga ayoko nang pag- usapan. Pero, it so happened na umaga, ang dami nang tumatawag sa akin. So alangan namang magsinungaling ako, di ba?

“Tapos sabi niya, ‘He will deny that kasi most of the people who are drunk or bipolar, they deny it and they don’t remember.’

“So iyon na nga ang nangyari.

“’Tsaka inisip ko, on a normal day, Baron is not like that. Sa akin pag nagkikita kami, maayos naman kami. Naiinterbyu ko pa siya, e. So nagulat ako na ganun.

“Sana nga si IC na lang ang hinalikan niya baka nag-enjoy pa si IC,” natatawang sinabi pa ni Divine.

“Tawagin niya akong cheap, okay lang, di ba?”

Tungkol sa naging reaksiyon ng boyfriend niya, ayon kay Divine, “Hindi siya nagsalita. Mainit yung ulo, e. So after a while, inupuan ko na, sabi ko, ‘I hope… alam mo love, parang huwag mong patulan kasi wala naman siya sa proper frame of mind.’

“Tapos sinabi niya, ‘You know what, no girl or nobody deserves that,’ sabi niya... ‘from anybody.’

“Sabi niya, ‘Someone has to really take charge na kay Baron.’

“Tapos sabi ko, ‘Yeah, pero hindi mo responsibilidad yun kaya huwag mo nang gawin.’

“’Pero you can’t help, kasi lalaki ako, girlfriend ko yun, e.’" sagot daw ni Victor kay Divine.

“Di ba? So, medyo matagal kaming nag-usap hanggang eventually sinabi ko na lang, ‘Alam mo ayoko talaga ng gulo, happy network ito, e!’

“Sabi ko parang, ‘Pagbigyan mo na lang dahil alam mo,’ sabi ko, ‘buti nga yun lang, e. May iba hinawakan niya.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di ba, kung anu-ano, di ba?”

Wala siyang balak magreklamo?

“Wala namang mangyayari if I go through it legally kasi bipolar siya, e. So iyon yung argument niya, what will happen?”

Kaya, pinili na lang niyang magbigay ng advice: “Alam mo, really the first thing is i-admit niya na may problema.

“Pag na-admit niya yung problema, mas madali sanang masolusyunan o magamot.

“Pero kung halimbawa ganyan, he’s painting all of us to be liars, nakakaloka naman yun, girl! Ang dami namin.”

Paano kung humingi ng tulong sa kanya si Baron na magpapagamot?

“Hindi, hindi naman kami ganung ka-close.”

Pero iisa ang manager nila ni Baron, si Arnold Vegafria.

“Nag-usap pa kami ni Derek [Ramsay], sabi ko, ‘Derek, alam mo ba si Baron, ganyan-ganyan.’ Kasi parang kuya-kuyahan siya ni Baron, di ba?

“Sabi ko, ‘Derek, nakakaloka lang yung ginawa ni Baron!’

“’Tapos sabi niya, ‘Ay naku, kung andun lang ako napagsabihan ko!’

“E, wala kasi siya dun sa mismong nangyari, e.”

Nag-sorry na ba si Baron?

“Yun nga, e, ginawa nga kaming sinungaling, mag-sorry pa kaya?”

Ayon pa kay Divine, mababaw lang ang kaligayahan niya. Kung magso-sorry daw si Baron sa kanya ay tatanggapin niya ang paghingi nito ng tawad.

Kung ide-describe niya si Baron in one word…

“Helpless!"

Dugtong niya, “He needs help.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN