Andrew Wolff reveals what he looks forward to next year: "The World Cup!"

Paliwanag ni Andrew Wolff kung bakit siya nadismaya noong una sa resulta ng Mr. World: “We go all that way and then you get beaten right at the last.”


Last December 18, ginanap sa A Taste of L.A, Quezon City, ang Thanksgiving party ng model-athlete na si Andrew Wolff para sa kanyang pagkapanalo bilang first runner-up sa Mr. World 2012.

Ginanap ang Mr. World 2012 sa Kent, England, noong November 24.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Andrew, very proud ito dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama sa top five ng Mr. World ang Pilipinas.

“Okay na rin kasi nabigyan ng karangalan ang Pilipinas sa ganung larangan,” panimula niya.

Inamin niyang nadismaya siya nung una niyang narinig ang resulta, “Siyempre, lahat naman tayo nadi-disappoint.

“We go all that way and then you get beaten right at the last.”

ONCE IN A LIFETIME EXPERIENCE. Base sa kuwento ni Andrew, higit pa sa kumpetisyon ang naturang pageant.

“Hindi siya basta-basta ramp competition na you have nice abs, nice face. Talagang dyina-judge ka sa lahat ng aspeto ng pagiging lalaki.”

Dagdag pa ni Andrew, bukod sa ramp modeling, maraming challenges ang hinarap ng contestants na sumubok makuha ang titulong Mr. World.

“There’s sports challenges, extreme sports challenge, communication challenges, multi-media challenge. So ang daming challenges.

“They’ll really test how you are as a person, how you are as a team.

“So, yung teamwork with other people, how you communicate and bond as a human being with other contestants and other people...”

NEW PROJECTS. Sa kanyang pagkapanalo bilang first runner-up, meron na bang mga nakalinyang projects kay Andrew?

Sagot ni Andrew, “Wala pa namang concrete na projects.

“Let’s see. Depende po ‘yan sa ALV Talent Circuit kung anong ibibigay na rakets or projects sa kin. Pero kung ano man yung ibigay nila sa ‘kin gagawin ko."

Si Andrew ay nasa pamamahala ng ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria.

Sa taong 2013, excited si Andrew sa pagsali ng Philippine Volcanoes sa World Cup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasali yung Philippine Volcanoes sa World Cup. So, talagang we’ll increase our trainings skeds and fitness levels so we can compete because that will be the last World Cup ever.

“There’s only 24 teams sa World Cup and after that, Olympics na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN