JC de Vera wants to renew his contract with TV5

Ang dahilan ni JC de Vera kung bakit gusto pa niyang i-renew ang kontrata niya sa TV5: “Kaya gusto ko mag-stay kasi until now, every time na may ibinibigay silang show, nakaka-experience ako ng mga bago, mga kakaiba. So, I feel na once na mag-renew ako, itutuloy nila ‘yon, bibigyan ako ulit ng drama, bibigyan ako ng action... variety talaga.”


Marso sa susunod na taon ay matatapos ang kontrata ni JC de Vera sa TV5.

Gayunman, wala pa siyang alam kung magre-renew ba siya ng kontrata o kung lilipat ba siya sa ibang network.

Naikuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment press noong Miyerkules ng gabi, Disyembre 19, sa Christmas party ng Enchanted Garden na may nabanggit sa kanya ang Vice President for Entertainment ng TV5 na si Perci Intalan.

“Nakausap ko si sir Perci [Intalan] nung party, may ano sila... plans. Siguro isa pa bago matapos yung contract.

“Basta ang sabi ni Sir Perci by the next quarter, so ibig sabihin, after New Year, umpisa na agad ‘yon.

“So sana, sana para hindi matagal yung bakante.”

Kasama si JC sa book two ng “ecoserye” ng Kapatid network na Enchanted Garden, at noong December 18 ang last taping day nila na naganap sa isang warehouse sa Cainta, Rizal.

HAPPY WITH TV5. Kung si JC daw ang tatanungin, gusto niyang mag-renew ng kontrata sa Kapatid network.

“Gusto ko, gusto ko talagang mag-renew!” bulalas ng aktor.

“Pero nagde-depend pa rin siya sa negotiations nila ni Tita Annabelle [Rama, his manager].

“Pero sa side ko, ako talaga, gusto ko.”

Bukod sa hindi siya nawawalan ng proyekto sa Kapatid network, masaya rin si JC sa pacing ng kanyang career.

Marami raw kasi siyang nakakasamang bagong artista, at iba’t ibang karakter pa ang kanyang nagagampanan.

Aniya, “Ano kasi sila, e, willing sila to give projects na para sa isang actor, e, maggu-grow.

“A... kaya gusto ko mag-stay kasi until now, every time na may ibinibigay silang show, nakaka-experience ako ng mga bago, mga kakaiba.

“So I feel na once na mag-renew ako, tutuloy nila ‘yon, bibigyan ako ulit ng drama, bibigyan ako ng action, variety talaga.

“So ako, nae-excite ako sa mga bagong ideas nila, although siyempre, nasa stage sila ng pag-experiment ng mga bagay-bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ako, sa side ko, as an artist nila, siyempre masaya ‘yon para sa akin kasi kung anu-ano yung binibigay nila sa akin, e.

“So for me, maggu-grow ako as an artist [at] marami akong natututunan talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN