Luis Manzano on keeping relationships: “It’s just realizing kung gaano kaimportante yung tao sa iyo, kung gaano kasaya—kung gaano ka kasaya sa kanya.”

Ibinunyag ni Luis Manzano kung paano niya napapanatili ang tibay ng relasyon niya kay Jennylyn Mercado. Sabi niya: “The only thing I’m doing is loving her. So, whatever that entails, kasama na yun. Pero hindi ko nga masabi kung paano ako nagiging mabait, or maalaga—pero yun ang ginagawa ko.”


Plantsado na ng Kapamilya actor-TV host na si Luis Manzano kung saan at paano niya ise-celebrate ang darating na Pasko.

Nilahad ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang detalyadong magiging kaganapan ng Pasko niya.

Naganap ang kuwentuhan namin sa launching ni Cristine Reyes bilang endorser ng Calayan Surgicentre na sinabayan ng Christmas party with the press, noong Lunes ng gabi sa poolside ng Manila Intercon.

Sabi niya, “As usual on the 24th [of December] kasama ko ang pamilya ko and sa 25th kasama ko ang mga barkada ko.

“For the past five to six years, yun ang ginagawa namin,” paglalahad ni Luis.


WITH JENNYLYN MERCADO. Saan naman sa mga araw na ito papasok ang kasintahan niyang si Jennylyn Mercado?

“Ahm... I think, hopefully, both nights. Pero siyempre, si Jen she wants to spend Christmas with her family.

“Kung sakali man na maaga silang matapos sa kanilang selebrasyon, Jen is more than welcome sa bahay ko.

“Or maybe on the 25th, sa simula, doon sa kanila or doon sa bahay ko, para doon sa party na sinasabi ko with my barkada.”

May plano ba sila ni Jen sa New Year?

“Actually, hindi pa namin napaplano ni Jen.

“Pero sa New Year naman we always have this mini-tradition na we spend it at the house of one of my barkadas.

“Ang problema naman kay Jen, takot sa paputok. E, yun ang gusto naming gawin.”

Ano ang magiging arrangements ni Luis with Jen sa New Year gayong ayaw naman pala nito ng mga putukan?

“Last year, I spent New Year with Jen sa isang hotel kasama ang family niya.

“Kasi doon ginawa, kasi baka si Jazz [anak ni Jen], matakot. So, we had a quiet New Year.

“So, we’ll see kung kaya nilang lumabas nitong New Year.”

Wala ba silang planong mag-out of town or out of the country?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro mag-a-out of town kami after Christmas. Siguro a few days after Christmas ‘yan.

“Pero within the Philippines, kasi ang dami naming trabaho.”


BACK TO WORK. Kailan babalik sa trabaho si Luis?

“I’ll be working until the 23rd. Sagad-saragan talaga. Schedule-wise, I think on December 30th, meron na ako.”

Paano niya isisingit ang bakasyon nila ni Jen?

“I think yung span is between December 26 up to 30.”

Marami ang nakapansin ng magandang aura, kasiyahan, at pagkakaroon ni Jennylyn ng panatag na personal life buhat nang nagkarelasyon sila ni Luis.

Nasambit tuloy namin kay Luis, napakagaling kasi niyang mag-alaga ng kasintahan at relasyon.

“Siya ang dapat na nagsasabi noon,” mabilis naman niyang reaksyon.

“Ako naman, wala naman akong ibang ginagawa kundi ang magmahal. Kung yun ang resulta noon… e, di good!”

Pero sa deskripsyon ni Jen sa interviews, sinasabi nitong talagang napakabait daw ni Luis at maalaga.

Paano ba inaalagaan ni Luis si Jen?

“Ang tagal ko nang binubuhat ang sarili kong bangko! Ha-ha-ha… Dapat siya ang mag-elaborate, e,” masayang sambit ni Luis.

“Kasi kung ako… the only thing I’m doing is loving her. So, whatever that entails, kasama na yun.

“Pero hindi ko nga masabi kung paano ako nagiging mabait, or maalaga—pero yun ang ginagawa ko.

“Kung anuman ang kasama dun, e... yun!”


MORE CAREFUL. Sadya bang maingat na siya ngayon sa relationship para hindi na maulit na masira at magkahiwalay sila ng girlfriend?

“Hindi. Kasi yung mga nangyari din naman, it happened for a reason.

“So, kumbaga, in any relationship naman, nag-iingat ako. Pero paminsan-minsan nagkakamali rin naman tayo.

“We stumble, we rise, and we learn,” saad niya.

Paano nag-iingat si Luis sa relationship niya ngayon?

“Actually, it’s just realizing kung gaano kaimportante yung tao sa iyo, kung gaano kasaya—kung gaano ka kasaya sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kung mas ma-appreciate mo yun, everything will fall into place.”

Gaano ba siya kasaya kay Jennylyn ngayon?

“Sabi ko nga everytime we start an interview about Jen, nakangiti na ako.

“So, that in itself says it leaves me inspired na after how many months of being together and a year of being together, napapangiti pa rin ako.”

May kakaiba ba kay Jennylyn para alagaan at ingatan niya nang ganito?

“Kung sinasabi niyang maalaga ako, times five ang pagiging maalaga niya.

“Kumbaga, kain nang kain yung pagiging maalaga ko… Yes!”

Paano ba siya inaalagaan ni Jen?

“Grabe! Sa pagkain, sa lambing…asikaso. Kumbaga, lahat ng departamentong yun, busog ako.”

Masasabi ba nating ’pag nawala pa sa kanya ang isang Jennylyn Mercado, ang tanga-tanga ng isang Luis Manzano?

“Oo naman… oo naman. Sabi ko nga, never pa akong naalagaan nang ganito.

“I’m not comparing naman. Pero iba yung feeling ko na, ‘Ang sweet naman nito!’ Parang ganoon.”

Paano ba yung sinasabi niyang maalaga si Jennylyn?

“Simple thing like, itsi-check lang niya ako.

“Ang sweet noong fact na gumagawa siya ng paraan para makausap si Mommy [Batangas Governor and Star For All Seasons Ms. Vilma Santos-Recto].

“Na kahit wala akong kinalaman…yun bang, ‘Tawagan mo si Mommy.’ Wala, walang ganoon.

“Everything we do, kumbaga, nakikita ko yung importansiya ko sa kanya and hopefully, kahit paano nasusuklian ko rin.”


OWN FAMILY. Hindi pa ba handang lumagay sa tahimik or magkaroon ng sariling pamilya si Jen?

“Hindi. Long way to go pa for Jen. Ako yung may edad na.

“Pero at the same time, alam ko naman na Jen has so many things to do.

“Especially, ina si Jen. At the end of the day, ang obligasyon ni Jen ay ang pamilya niya.

“Alam kong marami pa siyang gustong gawin para sa pamilya niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya lumamig ang relasyon nila dahil sa tagal at baka kapag may nangyari mauuwi sila sa hiwalayan?

“Oo naman, pero kapag inunahan mo rin naman, medyo hindi maganda ang resulta.

“Especially, yung sa kanya, iba rin yung may inaalagaang anak rin. Napakataas ng respeto ko sa pamilya niya.”

May takot ba si Jen na matali sa isang tao? O sa kasal?

“I think, we all have our fears in marriage and at the same time, we all have our own faith in marriage that it will work.”


NEW YEAR’S RESOLUTION. Meron bang New Year’s resolution si Luis?

“Hindi naman ako naniniwala doon, e. Kung may mali sa iyo, o hindi tama, baguhin mo.

“Bakit ka maghihintay ng isang araw, isang petsa?”

Meron na ba siyang regalo kay Jen?

“Meron na, pero hindi ko siyempre puwedeng sabihin.”

Something to wear ba ito?

“Alam mo, puwede mong isulat ‘yan. Napakagaling magbigay ng regalo ni Jen.

“Pero kung ano yung ikinagaling niya, ganoon ako ka-flop!”

Mas generous yata si Luis pagdating sa pagbibigay ng regalo?

“Parehas lang. Mas magaling lang talaga siya mag-isip—ako, flop!

“Nahuhulaan niya, meron na siya… Ako yung hari ng flop sa pagbibigay ng regalo—siya taas! Reyna!”


EXCHANGE GIFTS. Ano ba ang iniregalo ni Jen kay Luis noong nakaraang taon?

Matamang nag-isip nang husto si Luis para i-recall ang regalo sa kanya ng girlfriend.

“Hindi ko alam… pero I think, nagpalitan kami. Parehong relo ang regalo namin.

“Kung hindi ako nagkakamali, ha? Or birthday yun? Hindi ko na maalala, e.”


CAREER. Paano niya susumahin ang itinakbo ng career niya nitong 2012?

Tugon ni Luis, “I’m very, very happy. Nanalo na naman ng award din… things fell into place.

“Pero ‘etong 2013 looks even brighter.

“Yung mga kailangan kong gawin, ngayon pa lang hindi ko alam kung paano ko mapagkakasya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I’m excited this 2013.”

Maisisingit pa ba niya ang paggawa ng serye o pelikula?

“Dalawa ang ginawa ko last year—Moron 5, at saka yung This Guy’s In Love With You, Mare.

“I’m very happy with This Guy’s… Kung tama ako, second highest grossing after Private Benjamin.

“Itong 2013, I’ll be doing four or five shows—Minute to Win It, Pilipinas Got Talent, Deal or no Deal, Asap, Sarah G. Live and Myx

“So, madami-dami ang gagawin ko.”

Saan naman papasok yung acting?

“Siguro hopefully, mga mid-2013.

“Pero salamat naman dahil mataas ang tiwala sa akin sa hosting na may bago na naman akong solo na Minute To Win It

“Na isang successful game show na may tiwala sila sa akin at ibinigay ito.

“I just wanna enjoy that trust muna.”


SAVINGS. Sa dami ng trabaho ni Luis at sa laki ng kinikita niya, may pinag-iipunan o pinaghahandaan?

“Masarap ang maraming pera… aminin na natin, di ba? Papakaipokrito pa ba tayo? Marami tayong gustong bilhin.

“Masarap naman talagang maraming pera, kasi nakikita mo yung pinupuntahan ng trabaho mo, e.

“Hindi naman maganda yung trabaho ka ng trabaho, wala ka namang nakikita.

“Masarap yung nagtrabaho ka at nakikita mo yung pinaghihirapan mo.”

May balak ba siyang magpatayo ng building?

“Actually, yung mga kinikita ko, iniipon ko lang naman sa negosyo.

“Hopefully, I’ll think of another business din. So… sana.”

Meron na bang naipong isang bilyong piso si Luis?

“Teka… Sandali…” pabirong nagkuwenta sa isip si Luis.

Sabay bawi, “Hindi… loko lang. I have a long way to go pa.”

Maaaring hindi lang niya napapansing umakyat na sa ganitong amount ang naipon niyang pera dahil sa naipundar na niya sa negosyo.

Kagaya ng pagkakaroon niya ng sariling taxi franchise.

“Oo, nasa business nga pero ang layo pa. Ang layo pa sa one billion… pangarap ko ang one billion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya kuripot?

“Hindi. Alam mo, honestly, hindi ko maintindihan kung bakit ako sinasabihan ng kuripot?

“My friends know na hindi ako kuripot. People from the industry know na hindi ako kuripot.

“Ang alam ko, mommy ko yata ang nagsimula.

“At sa lahat ng…ina ko pa? Ina ko pa? Ang nanira sa akin?” pagbibirong litanya ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN