Mikael Daez on team-up with Andrea Torres in Sana Ay Ikaw Na Nga: "We are being watched because of the series itself—at hindi dahil sa gusto nila kaming magkatuluyan."

Ito ang pahayag ni Andrea Torres sa mataas na ratings ng panghapong serye nila ni Mikael Daez sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga: “Hindi namin ini-expect na kami ang may pinakamataas na ratings sa afternoon slot. Parang hindi kami makapaniwala. Noong ibigay sa amin ang role na Cecilia at Carlos Miguel, wala kaming masyadong expectations ni Mikael—basta gagawin lang namin ang trabaho na ipinagkatiwala sa amin. Ngayon, nagbunga rin nang maganda ang


Masayang-masaya sina Andrea Torres at Mikael Daez dahil sa patuloy na pagtaas ng ratings ng pinagbibidahan nilang afternoon drama series sa GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Sa latest AGB Nielsen ratings sa National Urban Television Audiences Measurement (NUTAM), mula September 3 to December 7, nakakuha ang Sana Ay Ikaw Na Nga ng 15.8 percent laban sa mga katapat nitong ABS-CBN programs na Kung Ako’y Iiwan Mo (10.1 percent) at Precious Hearts Romance Presents Paraiso (9.6 percent), at TV5 Koreanovelas na Love You A Thousand Times (4.3 percent) at Pink Lipstick (4.9 percent).

Kaya sa ginanap na Thanksgiving press conference para sa GMA Afternoon Prime shows last December 17, sa GMA Network Center, taus-puso ang pasasalamat nina Andrea at Mikael sa mga sumusuporta sa kanilang drama series.

Nadagdagan nga ang saya nila nang ma-extend hanggang February 2013 ang Sana Ay Ikaw Na Nga.

Sabi ni Andrea, “Sobra ang pasasalamat namin ni Mikael dahil nga sa magandang pagtanggap nila sa Sana Ay Ikaw Na Nga.

“Hindi namin ini-expect na kami ang may pinakamataas na ratings sa afternoon slot. Parang hindi kami makapaniwala.

“Noong ibigay sa amin ang role na Cecilia at Carlos Miguel, wala kaming masyadong expectations ni Mikael—basta gagawin lang namin ang trabaho na ipinagkatiwala sa amin.

“Ngayon, nagbunga rin nang maganda ang lahat ng pagpupuyat namin ni Mikael at ang buong cast and crew ng Sana Ay Ikaw Na Nga.”

Ayon naman kay Mikael, hindi biro kapag nasa taping na sila dahil more than 50 sequences ang tinatapos nila bawat taping day.

Pahayag ng model turned actor, “Sagaran ang trabaho namin sa set at ang maganda, no one is complaining.

“Masaya kasi kaming lahat working for the show dahil masyado kaming inspired sa magandang ratings namin araw-araw.

“Kapag ibinalita na sa amin ang bagong ratings at mataas ulit kami, pati ang energy namin ay tumataas.

“That’s why kahit na inaabot kami ng umaga sa set, okey lang kasi it’s worth it, because we are doing it all for the show, dahil gusto naming ma-maintain ang magandang ratings nito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


NO ROMANTIC INVOLVEMENT. Para kina Andrea at Mikael, pinapanood ang kanilang afternoon drama series dahil sa maganda at kaabang-abang na kuwento nito kahit walang romantic involvement sa kanilang dalawa in real life.

Lagi raw inaabangan ng mga sumusubaybay sa Sana Ay Ikaw Na Nga ang paghaharap nina Cecilia at Olga—na parehong ginagampanan ni Andrea.

Kuwento ni Andrea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pinakamadugo na mga eksena ay kapag nagkakaharap na ang dalawang characters niya.

Nadadagdagan ang oras ng taping nila dahil dalawang beses daw kukunan parati ang mga eksena with Cecilia and Olga.

Sabi ng young actress, “Naka-adjust naman na kaming lahat sa takbo ng taping namin.

“Kapag ang scene ay with both Cecilia and Olga, alam na naming matagal itong matapos, pero handa na kami para diyan.

“Mabilis naman kasi si Direk Roderick Lindayag na makunan ang mga scenes namin.

“Hangga’t maaari ay ayaw naming ma-take two or take three. Kailangan take one lahat.

“Kaya sa rehearsals pa lang, inaayos na namin para tuluy-tuloy ang taping at walang aberya.”

Pabor naman si Mikael na hindi sila nape-pressure ni Andrea na magkaroon ng totohanang relasyon. Tanggap daw ng mga manonood na hanggang sa TV series na lang sila puwedeng magkatuluyan.

Aniya, “For me, it’s really better na walang nag-e-expect na maging kami or makita kami kunsaan-saan.

“Yung istorya nila Carlos Miguel at Cecilia ang tinututukan nila.

“Doon na nga lang sa characters namin sila nagwi-wish na sa bandang huli, sila Carlos Miguel at Cecilia pa rin.

“Kaya nakagaan sa amin ni Andrea na we are being watched because of the series itself—at hindi dahil sa gusto nila kaming magkatuluyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN