Gabby Eigenmann fondly recalls attending his first Asian TV Awards in Singapore

“Ako naman, sinabi ko na I attended the event for the experience. You are not nominated and invited in this kind of event every day, di ba? Kaya kahit hindi ako pinalad na manalo, I am very thankful to God for the nomination,” pahayag ni Gabby Eigenmann sa kanyang pagdalo sa 17th Asian TV Awards kunsaan na-nominate siya sa kategoryang best supporting actor.


Hindi man pinalad ang Kapuso actor na si Gabby Eigenmann sa 17th Asian TV Awards, kunsaan na-nominate siya bilang best supporting actor para sa Munting Heredera, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa magandang experience na kanyang nakuha sa pagdalo sa naturang awards night sa Singapore last December 6.

Ayon kay Gabby, wala siyang expectations sa pagpunta sa naturang awards night. Gusto lang daw niyang i-enjoy ang moment na makasama niya ang ibang mga kilalang television stars ng iba’t ibang bansa sa Asia.

Ang nanalo sa kategoryang iyon ay ang child actor na si Lucas Luo na bida sa Taiwanese series na Man-Boy.

Kuwento ni Gabby, “Siya lang yung bata sa nominees sa category na best supporting actor. The rest, kasing-edad ko or older.

“From what I gather nga, na magaling daw talaga yung bata talaga, kaya naman siguro deserving siyang manalo.

“Ako naman, sinabi ko na I attended the event for the experience.

“You are not nominated and invited in this kind of event every day, di ba?

“Kaya kahit hindi ako pinalad na manalo, I am very thankful to God for the nomination,” sabi ni Gabby sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Thanksgiving presscon ng GMA Afternoon Prime last December 17.

SMOKING AREA. May nakatutuwang kuwento rin si Gabby sa naturang event noong pumunta siya sa smoking area ng venue.

“Mahaba kasi ang program nila at matagal pa naman kasi ang category ko, kaya nagyosi break muna ako.

“Dun sa smoking area, marami akong nakasabay na um-attend din ng event. Alam kong mga artista sila pero hindi ko naman alam ang mga pangalan nila.

“Natuwa lang ako nang may magtanong sa akin kung ako ba yung actor na nominated from the Philippines. I said yes at kinamayan naman nila akong lahat.

“Noong bumalik na kami sa loob, eksakto at category na ng best supporting actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung ipinakita sa screen yung mga makakalaban ko, sila pala yung mga nakasabay kong nagsisigarilyo sa labas.

“Noong ipinakita naman ako, nagulat ako dahil malakas ang palakpakan.

“Hindi ko naman inaasahan yung response na iyon since first time ko sa awardS night na iyon.

“It feels good kasi ramdam mo na may suporta rin ang ibang bansa sa atin.

“Overall, ang ganda ng awards night nila. Maayos at talagang pinaghandaan nila ito.

“And I am proud to be there and be part of that big event,” nakangiting saad ni Gabby.

SANA AY IKAW NA NGA.Samantala, patuloy ang pagganap ni Gabby bilang Gilbert Zalameda sa afternoon series ng GMA-7 na Sana Ay Ikaw Na Nga.

Extended ang kanilang programa hanggang February 2013 dahil sa magandang ratings ng show.

Sabi ni Gabby, “We are all happy kasi nga hanggang early next year ay may trabaho kami.

“Nagpapasalamat kami sa GMA-7 dahil ipinagkatiwala nila sa aming lahat ang show at nangako naman kami na we will do our best para sa ratings.

“Hindi naman namin inakala na ang show pa namin ang may pinakamataas na ratings sa afternoon block.

“Pero hindi kami dapat makampante. Puwedeng maiba ang mga numbers anytime kaya we are always on our toes.

“Kung ano pa ang ikagaganda ng istorya ng Sana Ay Ikaw Na Nga para hindi kami bitiwan ng mga televiewers, gagawin namin.

“I can’t see the reason why not dahil magagaling ang buong cast, magaling ang director namin [Roderick Lindayag], and our writers are always coming up with great material.

“’Yan ang formula kung bakit successful ang Sana Ay Ikaw Na Nga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN