Ryza Cenon continues Christmas charity; says she cannot afford to be lazy and choosy about her roles

Medyo may kalungkutan ang Pasko ni Ryza Cenon ngayong taon dahil sa hindi nila pagkakasundo ng kanyang ama. Kuwento niya, “Malungkot nga po ako kasi matagal na kaming hindi magkasundo ng daddy ko… Nagalit po siya sa akin nang hindi ko siya mapahiram ng malaking perang kailangan niya.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang second StarStruck Female Ultimate Surivor na si Ryza Cenon nung December 20, Huwebes, sa 17th floor lounge ng GMA Network Center.

Ano ba ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“As of now, wala po akong regular drama series," sagot agad ni Ryza.

“Although this year, nakapag-guest ako sa My Beloved with Marian Rivera and Dingdong Dantes, sa Luna Blanca at sa Aso Ni San Roque na I played the role of Dr. Grace Santos.”

“At nagsimula na akong mag-taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga as Sandra Sebastian.

“Hindi ko pa lang po puwedeng sabihin kung ano ang character ko sa afternoon prime…

“Pero magsisimula na akong mapanood sa Week 17 hanggang sa matapos ito sa Week 20,” patuloy ni Ryza


"PAMBANSANG GUEST." Dapat sana’y gagampanan niya ang role bilang younger version ng character ni Ayen Laurel sa Temptation of Wife. Kaya lang ay hindi ito natuloy dahil naka-braces siya.

“E, flashback ang kukunan,” paghihinayang pa niya.

Kaya sa role niya sa Sana Ay Ikaw Na Nga, kinailangan na ring ipatanggal muna niya ang kanyang braces.

Dahil walang regular show at palagi na lang guestings ang ginagawa, biniro tuloy si Ryza na siya ang artistang may titulong "Pambansang Guest."

Tinatawanan na lang daw ni Ryza ang ganitong biro. Totoo naman daw kasi.

“Wala pong problema sa akin iyon. Ang mahalaga, may work ako,” nakangiti pang wika ni Ryza.

“Okey na rin po iyon sa akin dahil nakakaganap ako ng iba’t ibang klase ng role.

“Hindi po ako puwedeng maging tamad at maging choosy sa roles na gagampanan ko, dahil kailangan kong makaipon.

“Tuloy na ang pagpapatayo ko ng sarili kong house sa January, 2013…

“Doon sa loteng nabili ko in Tandang Sora, malapit sa Fernwood, in Quezon City.

“Happy ako kapag may mga offers na dumarating, kahit sa mga regional TV shows ng GMA…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumikita na ako, nakakarating pa ako sa iba’t ibang lugar ng bansa natin.

“’Tapos, kasama po ako sa epic telenovela ni Senator Bong Revilla sa GMA, ang Indio.

“Kapatid ako ni Jennylyn Mercado, hindi pa ako nagte-taping…

“Pero ang kasama ko na rito si Senator Bong kaya hopefully, mahaba ang role ko at hindi guest lang.”


CHARITY. Nakagawa na ngayong taon ng isang indie film si Ryza, ang Migrante under Joel Lamangan.

Ngayong January raw ipalalabas sa iba’t ibang lugar ng mundo ang pelikula na maraming OFWs o Overseas Filipino Workers.

Dahil naman sa kanyang charity works, dati nang sa kalye inaabutan ng Pasko si Ryza.

Ganun pa rin ba niya i-spend ang kanyang Pasko ngayong taon?

Tugon niya, “Opo, pangatlong taon ko na itong ginagawa. Umiikot po ako sa Quezon Avenue, East Avenue, at Kalayaan Avenue in Quezon City.

“Namimigay ako ng mga luto nang pagkain sa mga families o mga bata na nakikita kong walang kinakain sa Noche Buena at nasa kalye lang.

“Pansit, bread, and drinks ang ipamimigay ko sa December 24.”

Hindi kataka-takang may puso si Ryza sa mga bata at pamilyang walang kinakain dahil mag-isa na lamang siyang namumuhay ngayon.

Ang lola niya na dati niyang kasa-kasama ay nasa kanila na sa Nueva Ecija.

Pero may catering service sila ng kanyang auntie at happy siya dahil nakikilala na ang catering service nila.

Saad niya, “Wala po kaming restaurant, catering service lang.

“Iyong birthday party ni Mark [Herras] last December 14, kami ang nag-cater sa kanya.

“Marami na rin pong kumukuha sa amin, kaya hindi ako talaga puwedeng huminto sa pagtatrabaho…

“Dahil may mga catering kami na kailangang dagdagan ko ang puhunan dahil medyo malaki ito kaysa dati.”


DAD’S HOME. Kumusta naman ang daddy niya na nasa Abu Dhabi, tinutulungan ba siya nito lalo na kung time na wala siyang work?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Malungkot nga po ako kasi matagal na kaming hindi magkasundo ng daddy ko.

“Wala na po siya sa Abu Dhabi, narito na siya with his family in Cavite.

“Nagalit po siya sa akin nang hindi ko siya mapahiram ng malaking perang kailangan niya.

“That time pa naman na wala talaga akong work, kaya nag-offer lang ako ng amount na kaya ko…

“At hindi naman kalakihan ang pera ko sa time deposit, pero gusto niya, i-withdraw ko iyon at ipahiram ko sa kanya.

“Naghanda pa naman ako ng food namin dahil matagal na kaming hindi nagkikita at nagkakausap pero ini-snub lamang niya ang pagkain at umalis na.

“Nakita ko tuloy sa kanya ang ex-boyfriend ko na kaya ako nakipag-break, kasi wala siyang ambisyon.

“Kapag may kita, gastos nang gastos—hindi marunong mag-ipon.”


WITH CELEBRITY FRIENDS. Plano ni Ryza na magpaligaya ng mga kabataang pasyente bago mag-Bagong Taon. Ito na rin ang magsisilbing birthday celebration niya.

Kahapon, December 21, ang aktuwal na petsa ng birthday ni Ryza.

Sabi niya, “Kaya ngayon, inaabala ko na lang ang sarili ko sa work ko, sa catering service namin."

Sa December 28, ise-celebrate ni Ryza ang kanyang birthday kasama ang mga batang pasyente Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City.

“Makakasama ko roon ang mga fans ko to give goodies to the children at magkakaroon din kami ng show para sa kanila.

“Nag-promise ang mga friends ko, sina Chynna Ortaleza, Mark Herras, Down To Mars, at iba pang friends na tutulong daw sa akin.

“Kaya ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa kanila dahil tiyak na mapapasaya namin ang mga batang naka-confine sa hospital.”

For that, wish namin ang success at more blessings kay Ryza for her good heart!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN