Aga Muhlach’s bid for Congress faces another debacle; actor’s camp still not giving up the fight

Sa kabila ng desisyon ng Camarines Sur Regional Trial Court na ipatanggal ang pangalan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez mula sa voters’ list sa bayan ng San Jose, ayon sa kampo ng aktor, ay hindi nito naapektuhan ang kandidatura ni Aga sa pagka-kongresista.


Tila hindi magandang pamasko para sa actor-TV host na si Aga Muhlach at asawa nitong si Charlene Gonzalez ang balitang tuluyan na silang ipinapatanggal ng Regional Trial Court (RTC) ng Camarines Sur sa voters’ list sa bayan ng San Jose.

Sa ulat ng State of the Nation ng GMA News TV kagabi, December 21, kinatigan ng Camarines Sur RTC ang naunang desisyon ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ang desisyong hindi isama ang pangalan nina Aga at Charlene sa opisyal na listahan ng mga botante ng San Jose.

Ayon pa sa report, ipinapatanggal na ng korte si Aga (Ariel Aquino Muhlach sa totoong buhay) at ang asawa nitong si Charlene (Charlene Mae Bonnin Muhlach) sa voters’ registration list ng San Jose, Camarines Sur.

Sa desisyon ng Regional Trial Court 5th judicial region ng San Jose noong December 17, kinatigan nito ang naunang desisyon ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng San Jose, Camarines Sur, na tanggalin ang pangalan ng dalawa sa listahan ng mga botante ng lugar.



SIX-MONTHS RESIDENCY REQUIREMENT. Residency raw ang naging pangunahing rason sa pagpapatanggal ng mga pangalan nina Aga at Charlene sa voters’ list.

Ayon pa sa MCTC, hindi nakapag-comply sina Aga at Charlene sa six-months residency rule para maging lehitimong botante ng naturang lugar.

Ibig sabihin din nito ay hindi puwedeng tumakbo sa 2013 mid-term elections ang Kapatid actor.

Matatandaang nag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Aga bilang kongresista sa ika-apat na distrito ng CamSur sa ilalim ng Liberal Party.

Kinuwestiyon na noon nina Aga at Charlene ang desisyon ng MCTC na tanggalin ang kanilang mga pangalan sa opisyal na botante sa San Jose, kaya iniakyat nila ito sa RTC.

Pero sabi ng RTC, walang merito ang apela ng mag-asawa kaya pinatatanggal na sa listahan ng mga botante ng San Jose ang dalawa.

Mga residente ng San Jose ang petitioners sa naturang reklamo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TULOY ANG LABAN NI AGA. Nakapanayam din ng State of the Nation ang abugado nina Aga at Charlene na si Atty. Romulo Macalintal.

Ayon dito, inaasahan na nila ang ganitong desisyon.

Dagdag pa ni Atty. Macalintal, hindi sila nababahala dahil hindi nito naapektuhan ang kandidatura ni Aga sa pagka-kongresista.

Aniya, “Tuloy ho ang laban ni Aga Muhlach, wala pong katotohanan ang mga balitang siya ay magwi-withdraw. Sapagkat ito pong desisyong ito ay walang katuturan, in so far as we’re concerned.

“Ang desisyong ito ay hindi pa pinal sapagkat ang anumang desisyon ng Regional Trial Court ay maaaring iapela sa Court of Appeals [CA].

“Bago mag-election ay hindi po matatapos ’yan, kaya’t kapagka hindi pa final and executory ang nasabing desisyon, tuloy ang kandidatura ni Aga Muhlach.”

COMELEC: TRO WILL HELP AGA. Dagdag pang ulat ng State of the Nation, iba naman daw ang pananaw ng Commission on Elections (Comelec) sa naturang issue.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, malaking dagok ito sa kandidatura ni Aga. Hindi raw kasi maaaring tumakbo sa eleksiyon ang isang tao kung hindi siya registered voter.

Aniya, “You have to be a registered voter to be a candidate.”

Ibig bang sabihin nito ay madidiskuwalipika na nang tuluyan si Aga?

Sagot ni Chairman Brillantes,“If the denial of this registration becomes final, then we will disqualify him.

“The rule says that in registration, RTC is final, but can still go up, in certiorari, in higher court.”

Magiging final daw ito kung hindi makakakuha ng Temporary Restraining Order si Aga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN