Miss Universe 2012 First Runner-Up Janine Tugonon to go back to selling fish upon her return to the Philippines: “Malaki kasi yung profit doon, e.”

Taos-puso raw ang pagpapasalamat ni Miss Universe 2012 First Runner-Up Janine Tugonon sa mga Pilipinong sumuporta sa kanya: “Sobrang thank you, mahal na mahal ko kayo. Buong Miss Universe, gulat na gulat sila sa suporta ng Pinoy, lalo na dun sa pageant venue.”


Hindi man nakuha ang Miss Universe 2012 title, game na game pa ring nag-autograph at nagpa-picture si Janine Tugonon sa kanyang Pinoy at foreign fans sa Las Vegas Airport kahapon, December 21, bago siya sumakay ng eroplano pabalik sa Pilipinas.

Sa report ng TV Patrol, kagabi rin, ikinuwento ni Janine na maluwag sa kanyang kalooban ang pagtanggap sa desisyon ng judges ng Miss Universe 2012 pageant.

Tanggap din daw niya na ito ang gusto ng Panginoon sa kanya.

“Kahit anong ibigay Niya, dapat tanggapin natin.

“Kasi top two naman at kailangang maging masaya tayo doon,” saad ni Janine.

Hindi naman daw niya makakalimutan ang karanasang mapasali sa Miss Universe.

Magandang alaala raw ang kanyang pamamalagi sa Las Vegas para sa kumpetisyon at ikukuwento pa raw niya ito sa kanyang mga magiging anak.

Sa pagbanggit niya tungkol sa pagkakaroon ng anak, pahiwatig na ba ito na may balak na siyang mag-asawa?

Nakangiti niyang sagot. “Grabe naman, Hindi pa naman.”

Wala rin daw plano si Janine na iwanan ang kanyang negosyo na pagtitinda ng isda.

Aniya, “Actually, gagawin pa rin namin yun pagbalik ko. Malaki kasi yung profit doon, e.”

Nagpasalamat naman si Janine sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya, lalung-lalo na ang mga Filipino sa Las, Vegas.

“Sobrang thank you, mahal na mahal ko kayo.

“Buong Miss Universe, gulat na gulat sila sa suporta ng Pinoy, lalo na dun sa pageant venue,” lahad pa ng 23-year-old beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN