Dingdong Dantes has "no regrets" when it comes to past relationships

Sa dami na ng roles na ginampanan niya in the past, ano pa ang gustong gawin ni Dingdong Dantes? Sagot ng Kapuso actor, “Sa totoo lang, walang anything specific na masasabi kong gusto ko. Kasi, habang tumatagal, biglang may susulpot diyan na magiging interesting para sa akin. So, I take things as they come. Kung anuman ang opportunity riyan na sa tingin ko, puwede naman akong sumabak at bagay naman at magiging maganda ang resulta, so bakit hindi?"


Ilang araw na lang ang nalalabi at magtatapos na ang 2012.

Marami na ang nagsisimulang magbalik-tanaw kung ano ang mga magaganda o hindi ganun kagandang nangyari sa buhay nila ngayong taon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes sa Star Cinema office noong December 18, isa sa mga unang tinanong namin sa kanya ay kung paano niya ia-assess ang kanyang 2012.

Pero ayon sa Kapuso actor, “Hindi pa, hindi pa siya tapos.

“Ayoko munang mag-assess. Gusto ko, sa huling araw talaga.”

AS THEY COME. Kung tutuusin, ang dami na ring na-accomplish ni Dingdong pagdating sa kanyang career.

Nakaganap na siya ng mga mapanghamong papel, katulad sa 2012 Metro Manila Film Festival entry na One More Try at sa GMA-7 primetime series na Pahiram Ng Sandali.

Ano pa nga ba ang gusto niyang gawin o hindi pa nagagawa?

“Sa totoo lang, walang anything specific na masasabi kong gusto ko.

“Kasi, habang tumatagal, biglang may susulpot diyan na magiging interesting para sa akin.

“So, I take things as they come.

“Kung anuman ang opportunity riyan na sa tingin ko, puwede naman akong sumabak at bagay naman at magiging maganda ang resulta, so bakit hindi?

“I love acting and I plan to do this for a long time,” saad niya.

POSITIVE FEEDBACK. Sa Pahiram Ng Sandali ay maraming magagandang feedback ang natatanggap ni Dingdong dahil sa ipinapakita niyang pag-arte rito. Ano ang reaksiyon niya rito?

Sagot ng aktor, “Nakakabilib kasi na makasama ang magagaling na artista, like si Ms. LT [Lorna Tolentino], Brother Bo [Christopher de Leon], Tita Sandy [Andolong]… lahat. Max [Collins], lalo na.

“Kaya blessed po ako na napasama ako sa mga ganoon kagagaling na actor.”

Kahit unang beses pa lang nilang magkatambal ni Max, sorpresang may chemistry pala silang dalawa.

Sabi ni Dingdong tungkol dito, “Magaling din kasi siya, wala siyang reservation at talagang seryoso siya sa ginagawa niya, which I think is very important.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ONE MORE TRY. Dahil One More Try ang titulo ng bagong pelikula niya ngayon, meron ba siyang naiisip na relasyon niya in the past na sa tingin niya ay “worth giving one more try”?

Karelasyon ngayon ni Dingdong ang Primetime Queen ng GMA-7 na si Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong, “With regards to relationship, I believe naman I was able to handle everything properly in the right manner.

“Kung meron man akong bibigyan ng one more try, siguro it’s that na gusto kong bumalik sa childhood ko. Siguro noong college days ko.

“And siguro, I’d like to experience on how it is to be a fulltime student. Kasi, medyo working student ako noon.

“So, siguro maaaring maraming nabago kung yun ang path ko noon.

“So, it’s not saying that I regret it, but if I were given a chance to do something all over again, I’ll do that.”

Natawa naman si Dingdong nang sabihin namin na hindi kaya may college sweetheart siya noon na naalala niya.

“Sabi ko nga, marami nang kaakibat yun,” sabi niya.

Pagdating sa relasyon, wala siyang regret?

“No regret, no regrets.

“Kasi, everything na napagdaanan mo, natutunan mo, e, siyempre it makes you stronger as a person.

“Lahat ng maling nagawa mo, definitely, you won’t do it again.

“So, maraming learning, mas maganda.”

RELATIONSHIP WITH MARIAN. Sa kabila ng mga hula palagi sa relasyon nila ni Marian tuwing magtatapos ang taon na maghihiwalay raw sila, nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

Sa 2013, ano ang mga plano nila?

Sabi ni Dingdong, “Well, wala pa masyado kasi, ayun, medyo marami pa rin siyang ginagawa.

“Pero definitely, basta may pagkakataon na magkaroon ng short trip gaya ng sabi ko, e, we will grab that opportunity.”

Speaking of short trip, kumusta ang nakaraang biyahe nila ni Marian sa Las Vegas, kunsaan nanood sila ng laban ni Manny Pacquiao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakita rin sa ilang pictures na lumabas sa international publication ang naging reaksiyon nila nang bumagsak sa ring si Manny.

Sabi ni Dingdong, “Masaya saka malungkot.

“Masaya dahil nakapag-bonding kami. Pero, sobrang devastated dahil siyempre sa pagkatalo but, overall, it was a great trip.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN