PART 2: Regine Velasquez not worried about losing Asia’s Songbird title: “Mas gusto ko nga yung Mrs. Alcasid, mas gusto ko pa ngang title yun, e.”

“You know I never claimed to be Asia’s number one or Asia’s best singer ever. I never claimed that and I will never claim that. And kung sa tingin ng tao parang feeling nila I don’t have it anymore, then you know, wala. But still, I’m gonna do my best kasi may mga tao pa rin naman na naniniwala sa akin at parang madami pa naman sila. So, sila na lang yung ie-entertain ko,” sabi ni Regine Velasquez tungkol sa tanong kung mawala


“I’m really looking forward to it,” sabi ni Regine Velasquez tungkol sa Australian trip nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid at anak nilang si Nate.

“The girls are really, really excited! Sa sobrang pagka-excited nila, naglinis na ng mga kuwarto nila yung dalawang bagets.

“They’re very excited to see Nate kasi alam nila lumalakad na, nagsasalita na, nangungulit na. So, they’re very, very excited,” paglalahad pa ng Songbird sa presscon niya nung December 19 sa Cravings Il Terrazo, Quezon City.

Umalis na kahapon, December 21, sina Regine patungong Australia.

“Alam mo kasi talagang pinlano namin na medyo...kasi, usually, when we go there, we only stay for four or five days. Parang it’s so bitin.

“Now that we have Nate, parang we wanted them to spend more time para...kasi nung nagpunta kami ng Singapore, parang ang ikli. Four days lang. So nag-iyakan sila pag-alis.

“Actually, lahat kami umiyak. So, sabi namin ni Michelle [Van Eimeren] pinlano namin na mas mahaba talaga yung Christmas vacation, that’s why it’s ten days.

“And usually, when we get there, we’re gonna stay in Sydney for two days ‘tapos were gonna go to Robertson, and yung Robertson dun sila nakatira. Thirty to forty minutes away from Sydney.”

Ang Robertson ay isang maliit na bayan o township sa New South Wales (NSW), Australia.

Kilala sa pagkakaroon ng matabang lupain para sa mga pananim, naging popular din ang maliit na bayang ito sa Southern Highlands ng NSW dahil dito nag-shooting ang 1995 movie na Babe, isang pelikula tungkol sa nagsasalitang biik.

(Source: Sydney Morning Herald/Travel/Robertson)

“Para siyang probinsiya ‘tapos puro vineyards, so, makaka-relax ka. Sobrang nakaka-relax talaga,” patuloy ni Regine.

“So, kung mainit sa city, doon, medyo malamig. So hindi siya yung, hindi naman siya yung uncomfortable na lamig pero yung sapat lang, yung tama lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahinga lang daw talaga ang gagawin nila sa Australia.

“Usually, kasi ang big deal sa kanila is Christmas morning, yung Christmas Eve.

“Yung noche buena dito, matutulog lang kami,” ang natatawang sabi pa ni Regine.

“So, usually, ‘pag andun kami, magtatawag lang kami, we greet everybody lang or text. ‘Tapos ang big deal talaga is the 25th. Iyon, the whole day kumakain, ‘tapos bukasan ng gifts.

“Hindi ko sure kung may plano kaming mag-beach, e. Maraming beaches dun, pero hindi ako sure kung makakapag-beach kami.

“And I’m not sure kung kaya ko nang mag-bathing suit,” at muling tumawa ang Asia’s Songbird.

“Sa New Year, we’ll be here, uuwi kami ng 31st. Uuwi kami ng umaga or gabi ng 30th, ‘tapos nandito kami ng 31st ng hapon.

“Eight hours lang naman yun, e, it’s not so long, ‘tsaka straight flight,” sabi naman ni Regine tungkol sa travel time by plane mula Manila to Australia at pabalik.


GIFT FOR NATE. May Christmas gift na ba sila para kay Nate?

“Hindi. Ang daming natatanggap, hindi ko na binilhan,” sabay-tawa muli ni Regine.

“Tinatanong nga ako kung anong Christmas gift. Sabi ko, huwag na laruan, damit muna, kasi habang bata pa siya na puwede pang bigyan ng damit, damit na lang.

“Kasi ang bilis kalakihan ng damit.

“And I, also, don’t buy him a lot, kasi nga saying, e, di ba?

“So, sabi ko mga pantulog, mga shorts, mga ganun, mga pambahay.

“Ang shoes ang dami din, kinakalakihan din kaagad. So, mas okay pa yung damit kasi parang nahihipan lang ng hangin.”

Ang mga kinalakihang damit na ni Nate ay may kinapupuntahan naman, ayon kay Regine.

“Tinatanggal ko na, ‘tapos I keep yung mga favorites ko. Two or three, I keep it, ‘tapos yung iba, dino-donate namin.

“’Tapos ang dami niyang toys, nuknukan ng dami ng toys. E, ‘pag toddler hindi pa naman marunong maglaro. So, inaano lang, hinahagis, kinakain.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DONE WITH SHOWS. Bago umalis papuntang Australia, tinapos ni Regine ang mga dapat gawin.

“Lahat, kaya medyo pagod ako ng konti kasi dire-diretso na.

Sarap Diva...nag-taping kami for H.O.T TV ‘tapos nag-taping ako ng Party Pilipinas, dire-diretso.

“Wala pa naman akong offer na soap or movie, so, right now, I’m doing three shows.

“Actually, okey sa akin yung three shows na yun, kasi parang yung dalawa...

“Sunday lang naman ako nagtatrabaho, yung Sarap Diva kasi twice a month lang ako nagte-taping. So, the rest of the week, I’m home taking care of Nate.


SPENDING MORE TIME WITH NATE. Speaking of Nate, tungkol sa kanyang anak ang New Year’s resolution ni Regine.

“I want to spend more time with Nate, kasi nung naging busy ako hindi ako masyadong, parang bibigyan ko lang siya ng konti- konting time.

“Kaya lang mahirap maging New Year’s resolution yun, kasi magtatrabaho na naman ako ulit.

“But I will do my very best talaga to spend more time with him.”


MORE SONGS, MORE OUTFITS TO SHOW. Sa January 5 ang Silver Rewind sa SM Mall Of Asia Arena.

Uuulitin ba niya ang pabulosang outfits na naisuot na niya?

“Yung iba siguro. Iba na kasi nakita na, e. Like yung opening outfit, parang anung-ano na siya. Pero kasi ang dami ngang hindi nakita, e.

“Pero maraming hindi nasuot, maraming hindi nakanta, maraming hindi narinig.

“Maraming bago kasi nga hindi pa nakita, e. Ang dami talagang bagong arrangements, e. Ang daming kanta na hindi pa nakakanta ulit, e. Kaya excited pa rin ako.”


LOSING ASIA’S SONGBIRD TITLE. Sa nangyari sa unang Silver na kung saan nawalan siya ng boses at pumiyuk-piyok dahil sa viral infection, what if sabihin ng iba na hindi na siya bagay sa titulong Asia’s Songbird?

What if mawala na sa kanya ang Asia’s Songbird title?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E di mawala,” ang tumatawang sinabi ni Regine.

“Hindi naman sa akin galing yung Asia’s Songbird [title], e. Parang, binigay lang sa akin. Parang…

“Hindi, kasi parang mas gusto ko nga yung Mrs. Alcasid, mas gusto ko pa ngang title yun, e.

“E, di mawala.

“You know I never claimed to be Asia’s number one or Asia’s best singer ever. I never claimed that and I will never claim that.”

“And kung sa tingin ng tao parang feeling nila I don’t have it anymore, then you know, wala. I can’t do anything about it kasi opinyon nila iyan, di ba?

“But still, I’m gonna do my best kasi may mga tao pa rin naman na naniniwala sa akin at parang madami pa naman sila. So sila na lang yung ie-entertain ko,” at muling tumawa si Regine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN