Angeline Quinto says finally meeting her real mother is one of the best gifts this year

Tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Angeline Quinto na hindi naman niya isinasara ang kanyang puso. Darating din daw iyon sa kanya. Sa ngayon ay abala lang muna siya sa pagtatrabaho.


Matagal na panahon din bago nakilala ni Angeline Quinto ang tunay niyang ina na si Rosemarie Mabao o Nanay Susan.

Kung kaya’t nung sa wakas ay nakilala na niya ito, tila nabunutan siya ng mabigat na dalahin sa puso dahil unti-unti nang nabubuo ang kanyang pagkatao.

(CLICK HERE for related story.)

Ayon nga kay Angeline sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nung nakaraang Linggo, December 16, isa ito sa magandang regalo na natanggap niya ngayong taong ito.

“Nagkita sila sa ASAP. So, sobrang masaya ako kasi akala ko, di okey ‘pag nagkita sila. Pero sa awa naman ng Diyos, naging maayos naman,” simula ni Angeline.

Ang tinutukoy ng singer-actress ay ang pagkikita ng umaruga sa kanyang si Sylvia “Mama Bob” Quinto at ni Nanay Susan.

“Nung nagkita sila nagkuwentuhan, ‘tapos nabanggit niya yung sa tatay ko, pero hindi pa talaga handa ito na magkita sila uli.”

Si Mama Bob at Nanay Susan pa lang daw ang nagkakausap.

“Oo, nagkakausap sila. Alam kong okey talaga sila kasi sobrang tagal ng panahon at alam nila na nasa mabuti akong kalagayan sa ngayon. So, okey talaga sila.”

Ang kulang na lang daw talaga para tuluyang mabuo ang pagkatao niya ay ang pagkakasundo ng kanyang Nanay Susan at ama niyang si Pop Quiros.

“Oo naman, pero para sa akin, mas magiging complete yun ‘pag naging okey na ang nanay ko at ang tatay ko.”


THE BEST GIFT. Magandang regalo naman para sa kanya ang naibibigay niya ang kaluwagan ng buhay sa mga taong mahal niya dahil na rin sa magandang takbo ng career niya ngayon.

“Para sa akin yun na ang regalo ko sa sarili ko.

“Dati di naman nararanasan ng pamilya ko ‘yan. So, masayang-masaya ako na kung ano ang makakaya ko, naibibigay ko naman ngayon sa kanila.

“Si Mama Bob, gusto niyang ma-enjoy yung nangyayari sa pamilya namin, gusto niyang magkaroon uli ng parang family reunion, kasi di na nasundan yung dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre sa akin basta kaya ko ang gusto niya, ibibigay ko.

“Kay Nanay Susan naman, gusto ko ng dinner para sa aming dalawa. Kasi yung tatay ko hindi pa talaga ito handa na magkita sila ng personal.”


CHRISTMAS PLANS AND WISH. Ano naman ang plano ni Angeline sa Pasko?

“Gusto ko sana sa Pasko madala ang mama ko [Mama Bob] at ang kapatid ko sa Hongkong. Kasi di pa sila nakakapunta ng ibang bansa.

“Nakapunta sila noong nakaraan lang sa Boracay, pero di ako nakasama kasi medyo marami akong ginagawa.

“Pero masayang-masaya ako na nakapag-Boracay siya kasama ang kapatid ko.

“Sana matuloy [sila sa Hongkong], kasi medyo pinapa-rush ko ang passport nila.”

Ano naman ang Christmas wish niya?

“Sa totoo lang parang wala na nga akong mahiling, kasi siguro kung mayroon man, magtuluy-tuloy lang ito, kung anuman ang mayroon ako, para naman mas marami akong mapasayang tao.

“Sana mas maraming trabaho, para sa pinapatayo kong bahay.

“Regalo ko sa sarili ko nung birthday ko isang van, tulad ng kay Yeng [Constantino]. ‘Tapos may pinapagawa akong bahay.”

Nasa plano rin ng Star Power: Search For The Next Female Pop Superstar grand champion na bilhan ng sariling bahay ang kanyang Nanay Susan.

“’Pag nakaipon uli, kasi marami akong bayarin ngayon.

“Basta ‘pag nakaipon uli, si Nanay Susan naman ang bibilhan ko.”


ZERO LOVELIFE. Ngunit sa kabila ng matagumpay na career, zero ang lovelife sa ngayon ng singer.

Pero aniya, hindi niya isinasara ang pinto ng kanyang puso para sa pakikipagrelasyon.

“Sa ngayon sobrang dami ng trabaho, ayokong sayangin yung opportunities.

“Malay natin, next year, ayoko namang madaliin.

“Hayaan ninyo, ‘pag may naka-jackpot sa puso ko, kayo ang unang makakaalam. Promise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN