Heart Evangelista brimming with positive vibes for 2013; "enjoying the moment" with Senator Chiz Escudero

Asked about the future of her current relationhip, Heart says, “Hindi ko iniisip ’yan. Like what I said, I really have no expectations about everything and that what makes it better now. I’m just really enjoying the moment.”


Positibo para kay Heart Evangelista ang lahat ng mga nangyayari sa buhay niya—mapa-personal o propesyunal man.

Makikita nga ito sa magandang aura at magandang disposisyon niya sa buhay ngayon nang makausap siya ng ilang entertainment press sa ginanap na press conference ng GMA Films entry para sa 2012 Metro Manila Film Festival, ang Sosy Problems (It Girls Just Wanna Have Fun), sa 17th floor ng GMA Network Center.

Sabi nga ni Heart, “I really feel so blessed these days.

"In a way, bonus na yung mga nangyayaring iba sa buhay ko, but as a person, as my own, I think I developed a certain character that has made me independent, stronger, appreciative of everybody around me, with everything that I have.

“So, I’m just like that.

“You reach a point na maliliit na bagay, makes you happy and when something grand comes your way, meron pa pala.

"I think the only thing that makes it different is that, I’m just content with my life and I have so much bonus pa from different areas of my life.”

Paano nga ba niya ina-assess ang 2012 niya?

“2012 is great,” sabi ni Heart.

Kahit na sa taon ding ito naganap ang breakup sa pagitan nila ng dating boyfriend na si Daniel Matsunaga?

“Oh, I don’t feel it!” natawang sabi niya.

“I feel 2012 is like a time in my life na parang I closed one chapter and which is exciting.

"When you turn one page, may next and that’s one thing I learn with changes in your life.

"You know, it happens for a reason, for a good one.

“God doesn’t want anything for you but good things.

“So, nae-excite ako. I’m sure, it’s gonna be better.”

Sa pagpasok naman ng 2013, ano ang mga expexctations niya?

“I don’t have expectations in my life. I don’t have deadlines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa niya, “Ang New Year’s resolution ko, develop pa more of my life when it comes to being a better person, healthier, more appreciative pa and to help more.”

HAPPY FOR DANIEL. Ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel ay nali-link ngayon kay Kris Aquino. Sinasabing nagiging malapit daw sa isa’t isa sina Daniel at Kris.

Naitanong nga kay Heart kung ano ang reaksiyon niya sa pagiging malapit daw ng dalawa ngayon.

Ayon naman kay Heart, “I don’t care about anything, about anyone as long as you’re happy.”

Pero okay ba sila ni Daniel?

Sagot ni Heart, “Yeah, we’re friends. We’re really good friends.

“Yeah, we call each other from time to time. No problem talaga.”

GOING STEADY. Kinumusta rin namin kay Heart ang relasyon niya kay Senator Chiz Escudero na kasama niya sa ginanap na premiere ng Sosy Problems kagabi.

“We’re very good,” ang naging paglalarawan niya sa relasyon nilang dalawa.

Ilang buwan na nga ba silang dalawa?

“Well, I’ve known him na for seven months, almost eight.

"I think, it’s working for us na hindi namin tinatago, mas pribado lang sa part ko.

"But I think, it’s working for us.”

Ano ang kaibahan ngayong isang senador naman ang kanyang boyfriend?

“I don’t feel that he’s a senator. Hindi ko nararamdaman that he’s a senator.

"Kaya siguro, parang pakiramdam ko, Ay, oo nga no?, parang Senator ka nga pala.’

"Hindi siya nagba-bodyguard, wala siyang entourage.

“Hindi siya flashy, hindi siya magastos.

“Hindi siya bumibili ng mamahaling bagay.

"Minsan, kapag nakikita niya akong nagsa-shopping, sinasabi niyang, ’Don’t you feel bad?’

"So, I mean, everything that I get from him, it’s making me better.”

Noong tinanong siya ng boyfriend if she doesn’t feel bad sa pagsa-shopping niya, ano ang naging tugon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes!” natatawang pag-amin niya.

AGE GAP? Ngayon lang nagkaroon ng boyfriend si Herat na mas malaki ang agwat ng edad sa kanya.

Mas okay ba sa kanya yun?

“With this situation, it depends siguro.

"Not everybody because they’re older, I guess. But because I got a really good guy, so I think that works for me.

"Nag-click yung aming personality.”

Ano ang mga naging impluwensiya sa kanya ni Senator Chiz?

“Marami, e," sambit niya.

“Kunwari, you know, when it comes to being simple. Buying something super expensive.

"He tells me about how I should handle the situation, ’Oo nga pala.’

“Kasi minsan, masyado akong tactless.

"You might think about it, yung mga ganoon.”

NO EXPECTATIONS. Napa-“Oh, my gosh!” naman si Heart nang tanungin kung handa na ba siyang maging politician-wife.

Sabi pa niya, “Hindi ko iniisip ’yan.

"Like what I said, I really have no expectations about everything and that what makes it better now."

Kumusta ang pakikitungo ng mga magulang niya kay Senator Chiz?

“My parents kasi, they will always be the same. But it started with Daniel.

"They always want the best for me and even the best, best.

"But it doesn’t exist. It’s not in this world.

“So, with Daniel, they started with Daniel, hinayaan na lang nila ako. I never heard anything from them—and it’s still the same now.”

Kung tungkol sa pagiging handa naman niya kung sakali ay yayain siyang magpakasal na ng boyfriend, wala raw siyang sine-set na oras o timeline pagdating sa bagay na ito.

Saad ni Heart, “Like what I said, wala akong deadline, e.

"Kasi, kung may deadline ka, lahat naka-peg.

"Dati ganoon ako, lahat naka-peg.

"Pero now, you know, I go with the flow.

"If it’s not time, it will not come.”

Hindi pa ba nagyayayang magpakasal si Senator Chiz sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay hindi, hindi,” sabi ni Heart.

“But it’s a serious relationship and I really like the level I’m in it or the relationship.”

Ilang buwan na nga ba sila?

“I’ve been seeing him for seven months now.”



SOSY PROBLEMS. Bilang Sosy Problems ang titulo ng pelikula nila nina Solenn Heussaff, Bianca King, at Rhian Ramos, ano ang maituturing ni Heart na “sosy problems” niya?

“Pinaka-sosy problem ko, siguro recently, yung tigwa-one hour o walang tulog ako from Forever taping.

"Mga 7 a.m. to 3 a.m. galing Bulacan. Five-thirty na ako makakarating ng bahay.

"Seven a.m. ang call time ko sa Sosy Problems sa Lipa. Mapa-pack-up kami ng 2 a.m.

“Ganoon every day. Nag-shoot pa ako ng commercial.

"Yun na siguro ang pinaka-sosy problem ko.”

Yung problema na sa iba, hindi siguro maiko-consider man lang na problema?

“Siguro yung nag-doble ang regalo.

"Yung regalo ng mommy ko, pumarehas sa regalo ng kapatid ko na singsing. Sabi ko, ’Paano ko susuutin, pagpapatong ko?’

“Yun siguro ang pinaka-sosy problem that I can recall recently.”

Masarap ba na maging sosy?

“Masarap kung feeling sosy ka pero masarap din maging sosy girl.”

Sosy girl ba siya?

“Yes, I am,” nakangiting pag-amin naman ni Heart.

“But like what I said kanina, you don’t really have to be rich to be sosy. It’s just really a mentality on how you want to carry yourself.

“Sosy should be a good term. Sosy should be a happy-go-lucky good vibes girl who wants to make friends and enjoy like talaga, yun ang sosy talaga.

"Matapobre yung isa at hindi ako matapobre."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN